A Race To Your Heart | Phoenix University #2
KABANATA 16 | NANO
***
Tahimik na pumasok sa silid ng Chamber Winds ang magkakaibigan. Ni isa sa kanila ay walang nagsasalita dahil hindi inaasahan ang tagpong nakita sa pagitan ni Race at ni Elle. Parang bula na nilakaran ni Race si Elle palayo at agad naman na sumunod sina Kiefer nang mahimasmasan sa nangyari.
Kahit isa sa kanila walang nakakaalam sa naisipan ni Race at kung ano ang mga nasa utak nito noong panahon na 'yon.
Napansin naman ni Irene na mayroong kakaiba sa apat kaya't lalapitan sana niya ang mga ito ngunit tinawag siya ni Jin kaya't lumakad siya sa direksyon ng lalaki imbis na sa apat.
"Hintayin mo mahimasmasan, huwag mo ratratin. Ikukwento ko nalang sa 'yo mamaya." mahinang sabi ni Jin at napatingin si Irene sa kaniya na naguguluhan.
Lumingon siya sa direksyon ng apat na nagkaniya-kaniyang upo sa sofa at hindi nag-uusap.
"Baka maapektohan mamaya ang meeting kapag ganyan sila." sabi ni Irene.
"Trust them."
Lumipas ang isang oras at nalalapit na ang itinakdang oras para sa ikalawang pagpupulong ng Chamber Winds.
Dumating na din si Raegan sa silid na inihatid nina Wendy at agad na nag-alala si Irene nang makita ang dalaga.
Ikinagalak naman ni Jackson at ni Kevin nang makita si Wendy at si Jilliane bago umalis ang mga ito pagkatapos ihatid ang kaibigan.
Napansin naman agad ni Raegan si Race na hindi maipinta ang mukha.
Umupo isya sa tabi ni Lisa Taylor imbis na sa tabi ni Race kaya't umisod pakaliwa si Lisa para bigyan ng espasyo si Raegan.
"Naka-pirma na ba kayo sa attendance sheet? Nasa may pinto." ani Irene at nagtanguan naman ang mga miyembro na dumalo. Nasa higit dalawampu silang lahat na nasa loob ng silid.
"Ako po hindi pa." sabi ni Raegan at tumango naman si Irene.
"Huwag ka na pumunta sa may pinto, iaabot ko nalang sa 'yo."
Kinuha ni Irene ang attendance sheet at ang ballpen sabay abot kay Raegan. Bumukas ang pinto at pumasok ang propesor na assigned sa Chamber Winds, walang iba, kundi si Sir Lloyd.
"Mabuti naman, nakarating kayo." nakangiting bungad nito at inilibot ang mga mata niya para pagmasdan ang mga dumalo.
Napatigil siya nang mapadako ang mga mata niya kay Raegan na may katabing saklay.
"What happened, Miss Alonzo? Are you okay?" tanong niya at ngumiti naman si Raegan sabay tango.
"O-Okay naman po." aniya.
Tiningnan ng dalaga si Race at hindi ito lumilingon sa kaniya. Nakaramdam ng lungkot at bigat sa dibdib si Raegan dahil hindi siya sanay na ganoon si Race sa kaniya. Ibang-iba ang aura ngayon ni Race kumpara sa mga nagdaang araw.
Ang mapang-asar, makulit, at mainisin na Race ay hindi nakikita ngayon ni Raegan kaya't nag-alala din siya dahil mukhang mayroong hindi magandang nangyari. Hindi nga ba?
"Kaya ako nagpa-meet ngayon kasi kailangan ko i-announce sa inyo na hindi matutuloy ang Chamber Winds Exhibition sa susunod na linggo." wika ni Sir Lloyd na nakakuha ng atensyon ng lahat at ang iba ay nadismaya naman.
"Bakit? Nag-practice na ako ng maayos e!" reklamo ni Jin.
"Kahit naman mag-practice ka hanggang mamatay ka, hindi mo 'ko matatalo. Tumahimik ka na." sermon ni Irene kaya't natawa ang iba dahil nagsimula na naman sa pag-aaway na parang aso't pusa ang dalawa.
BINABASA MO ANG
A Race To Your Heart | Phoenix University Series #2
Teen Fiction[ON-GOING] [UNDER EDITING] Raegan Alonzo, mostly called Egay, was a transfer student at Phoenix University. She's currently a senior high school student who struggles in passing her grades to sustain her scholarship. Raegan was the chosen student to...