Kabanata 17 | Fairness

6 2 0
                                    


A Race To Your Heart | Phoenix University #2

KABANATA 17 | Fairness

***

"I'm on my way. Don't sleep. May dala akong pagkain mo."

Naka-receive ng text message si Raegan mula kay Race kaya't lumabas siya ng kwarto niya at bumaba para maglinis sa salas at kusina. Hinugasan din niya ang mga naiwan na pinagkainan sa lababo at ang mga pinaglutuan na kawali ni Ronan kaninang umaga dahil sigurado siyang hindi uuwi ang mga kapatid.

Naupo sa sofa si Raegan at hinintay na dumating ang binata. Nanood siya ng TV at saktong nasa showbiz channel ito. Lumabas sa balita ang pagkakaroon ng Star Hunt ng Nano Entertainment at MBN sa December.

"Walang formal audition. Paano naging star hunt 'yon?" nakakunot noong tanong ni Raegan habang pinapanood ang interview ng isang producer ng Nano.

Nakarinig si Raegan ng sasakyan at tumingin sa bintana. Nakita niya si Race na bumaba sa sasakyan at may dala-dalang supot. Hinintay niya makapasok sa loob mismo ng bahay ang binata at nagulat siya na madami ang dala nito.

"Ang dami mong dala. Bakit may dala kang kumot?" tanong ni Raegan at tiningnan ni Race ang kamay niyang may hawak ng paperbag na may lamang makapal na kumot.

"Dito ako matutulog. 'Wag ka mag-alala, hindi ako tumatabi sa mabigat." seryosong sabi ni Race at inilapag ang supot na may pagkain.

"Ang sama talaga ng ugali mo."

Binuksan ni Raegan ang supot at nagulat siya nang makitang apat na malalaking tupperware ang laman nito. May isang malaking bote din ng softdrinks. Napatingin si Raegan kay Race na pinapagpagan ang sofa na inupuan niya kanina at inilatag ang kumot na dala niya. Nagtanggal si Race ng jacket at bonet na suot pati na din ng sapatos bago ito nahiga sa sofa at nanood ng TV.

"Wow! Bahay mo ba 'to?" sarkastikong sabi ni Raegan at sinamaan siya ng tingin ni Race.

"Wala ako sa mood makipagtalo sa 'yo bigat ah. Kumain ka nalang dyan baka mabawasan pa ang timbang mo." seryosong sabi ni Race at nagsimulang magpalipat-lipat ng channel.

Nakasimangot na kumain si Raegan dahil hindi na naman siya nakabawi ng pang-aasar sa binata. Habang tumatagal ay nasasanay na rin siya sa presensya ni Race dahil palagi itong napaghahabilinan nina Ronan tungkol sa kaniya. Gustuhin man niyang si Jackson ang kasama niya ay hindi niya magawa dahil laging wala si Jackson na nagpu-pursue na maging model ng isang clothing brand at nagsimula na din ito maging isang recording artist sa Nano Entertainment.

"Ikaw hindi ka ba kakain?" tanong ni Raegan at umiling si Race sabay bangon at tiningnan ang kasama na kumakain ng fried chicken.

"Alam kong kulang pa sa 'yo 'yan Happy Chicken kaya hindi na ako kakain."

"Gago!" sigaw ni Raegan at ipinadyak ng sunod-sunod sa sahig ang paa niya na agad naman sumakit kaya't napasigaw uli siya na ikinatakip ng tenga ni Race.

"Huwag ka sumigaw! Baka isipin ng kapitbahay niyo e binubugbog na kita dito!"

"Paanong hindi ako sisigaw?! Ang sakit kaya ng paa ko!"

"Kasalanan ko ba na hindi mo pinigilan ang pagdadabog mo e kakagaling lang ng paa mo? Tanga talaga, hay nako!" napapailing na sabi ni Race kay Raegan na sobrang sama na ng titig sa kaniya.

"Huwag ka masyado tumitig sa 'kin. Baka hindi mo mapansin, mahal mo na pala 'ko." ani Race.

***

A Race To Your Heart | Phoenix University Series #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon