Kasalukuyan akong nakatayo dito sa tapat ng bahay nila Raze dahil pinapunta niya ako dahil meron daw siyang sasabihin para sakin, kaya excited na excited akong pumunta dito sa bahay ng aking pinakamamahal. Tumakas pa ako kila Mama at papa dahil nakakatiyak ako na kapag nag paalam ako sa magulang ko tiyak na hindi ako papayagan lalo ni Papa.
Kaya eto ako ngayon hinihintay kong lumabas si Raze mula sa bahay nila, ngunit ilang minuto na akong nandito hindi parin siya lumalabas
'baka may ginagawa siya?' sa isip isip ko kung kaya't naghintay na lamang ako dito sa labas
at maya-maya pa ay nakita ko na si Raze papalabas ng kanilang bahay, patakbo ko siyang nilapitan ngunit nagulat na lamang ako nung may babaeng humawak sa braso niya at bigla siya nitong hinalikan sa labi, mukhang hindi pa ako nakikita ni Raze, bakas sa kanyang mukha na masayang masaya siya sa babaeng kasama niya na kailanman hindi ko naramdaman noon nung kami ang magkasama.
para akong napako sa kinatatayuan ko dahil sa nakikita ko at hindi ko namalayang tumutulo na pala ang luha ko.
sa pagtulo ng aking luha ay biglang lumapit sa akin si Raze at yung babaeng kasama niya, hindi ko malaman ang gagawin ko nung lumapit sila sa akin na mag kahawak ang kamay nilang dalawa
"I-ito ba ang gusto mong sabihin sa akin?" Nauutal kong sabi habang tuloy tuloy na umaagos ang aking mga luha
"Sorry Aisla" nakayuko niyang sabi kung kaya't napangiti naman ako ng mapait "Bago pa lamang tayo, ay matagal na akong may relasyon kay Yumie"dagdag pa niya at pinasadahan naman ako ng tingin nung babaeng sinasabi niya, so all this time niloloko niya lang pala ako? At bago pa ako may una na pala siyang minahal "Ang totoo niyan Aisla, pinagpustahan ka lang namin ng mga tropa ko sa school, Aisla gusto ko ng taposin ang lahat sa atin" nagulat pa ako sa sinabi ni Raze, so? Pinaglaruan at pinagmukha niya akong tanga sa lahat ng mga tao? Inakala ko na sasaya ako sa piling niya ngunit hindi pala? Nagkamali pala ako
ngumiti pa ako ng mapait sa kanilang dalawa
"Sige" umiiyak kong sabi. "Kung ang pagpapalaya ko sayo ang magiging kaligayahan mo gagawin ko, makita ko lang na masaya ka.... masaya ka sa piling ng iba" nakayuko kong sabi atsaka ako tumakbo palayo sa kanila
kasabay ng agos ng mga luha ko galing sa mga mata ko ay ang biglang pagbuhos ng ulan na siyang nakikisabay sa aking mga luha na may halong paghihinagpis.
A/N: don't forget to vote guys
BINABASA MO ANG
Tears Of Sorrow
Teen FictionMeet Aisla Xyceria a nerd student from Saint Brilliant International School, a smart student and reliable of all, she is very kind but shy, her parents had a lot of trust on her, but this trust was broken by unexpected circumstances that she could e...