Nagising ako sa hindi pamilyar na kwarto.
"Iyan kasi ang problema sa 'yo. Tigilan mo si Tanniña, aalis na kami. Hindi lahat nababalikan." Rinig kong sabi ng isa pa.
Napahawak ako sa ulo ko dahil naramdaman ko ang pagkirot nito.
Napatingin ako sa paligid. Isa na namang mukhang mamahalin na condo.
Naglakad ako palabas sa kwarto at nakita ang dalawang bulto.
"Kairos, tigilan mo na 'yan." Sambit ko at nakita ko naman napalingon siya.
Si kuya Ares ay nakaupo lang habang dumadaldal si Kairos.
Agad namang dumalo sa akin si Kairos at hinawakan ang noo ko.
"May lagnat ka pa, uwi na tayo para makapagpahinga ka na." Sambit ni Kairos at hinihila na ako.
"You can sleep here. We can go together in Ateneo tomorrow." Kuya Ares said while still sitting on his couch.
"Nang aasar ka ba?" Pagalit na tanong ni Kairos at asar na napabaling kay kuya Ares.
"Why, are you pissed, Kaider?" Ares mockingly asked.
"Don't call me that!" Kairos hissed.
"Dumbass, that's your name." Ares said.
"Ano bang pakialam mo 'tol? Tigil-tigilan mo si Tanniña, may gusto ka ba sa kanya?"
"So what, if I like her? I see you're still all over, Tanya." Ares said while still smirking.
"Aba't gago ka ah!" Sambit ni Kairos at
Humigpit ang kapit ng kamay.
"Kai, nag aaway ba kayo?" Pigil ko sa kanya. "Huwag niyo akong pag awayan, alam kong maganda ako at pareho niyo akong gusto pero nag-iisa lang ako sa mundo." Wika ko at ngumisi.
Napatingin sila sa akin. Si Kairos ay muntik na akong batukan at si Ares naman ay napailing na lang.
Napahikab ako. "Dito na lang tayo matulog, Kai. Tinatamad na kong umuwi." Sambit ko pa.
Nakita kong masama pa rin ang tingin ni Kairos kay Ares.
"Magbati na lang kayo, dali." Sambit ko at umupo sa tabi ni kuya Ares.
"Yuck, sino ba 'yang mang iiwan na 'yan?" Tanong pa ni Kairos.
"Daig mo pa ang iniwang jowa ah." Wika ko at tumawa. Ngumisi lang si kuya Ares at hinawakan ang noo ko para tignan kung mainit pa ko.
BINABASA MO ANG
Surrendering Dreams (Amor Series#1)
RomanceSURRENDERING TRILOGY BOOK 1 OF 3. (EDITING) Greyson, a timid and reserved law student, has a dream and it is to become a great lawyer to protect and defend the oppressed. Then, he met Tanya, a genius Law student and a scholar of the same school who...