Kabanata 34

176 3 0
                                    



Nagising ako dahil sa ingay kaya naman ay umupo ako at kinusot ang mata. Naamoy ko ang pagkain kaya bumangon ako para tignan.


"The queen is awake." Sabi ni Val at nagtinginan naman ang lahat.


Mukhang sarkastiko ang pagkakasabi ngunit wala akong pakialam. Naamoy ko ang soup na niluto ni Serene at ang almusal na bread at mayroon ring fried rice.


"Bow down, servants." Sagot ko pa at inirapan lang nila ako.


"Come on, the breakfast is ready." Sabi naman ni Serene.


Paupo na ako nang bigla akong may maalala. Halos matumba ako ss upuan at nagmamadaling tumayo.


"Shit, may breakfast kami ngayon." Sagot ko at biglang tumakbo papunta sa CR para makapag-ayos na. Nang matapos ay lumabas na ako. "Thank you na lang, may ganap pa ako. Bye alipins!" Sabi ko at nagmamadaling umalis.


Nakalimutan ko na mayroon nga pala kaming breakfast ni Kairos dahil pupunta siya sa condo sa Makati ngayong umaga. Sinabi ko kasi na gusto kong mag chill dahil tapos na ang year.


Nagmadali na ako, buti na lang at walang traffic ngayon at mabilis ang biyahe. Nakarating agad ako at nakitang nakaupo siya at nanonood ng series sa Netflix. Tignan mo 'to, gustong gusto ata pumunta sa condo para sa libreng Netflix.


"Nandito ka na pala. Naghanda na ako ng almusal, kumain ka na lang sa lamesa." Sambit niya nang mapatingin sa akin. Ibinalik rin niya ang tingin sa TV pagkatapos.


"Bahay mo?" Pamimilosopo ko pa dahil feel at home siya masyado. Hindi niya ako pinansin kaya kumain na lang ako mag-isa sa kusina.


Nang matapos ay pumunta ako sa may sala at nakitang may kinakabit siya sa TV. Kung anu-ano na naman ang pinagkakalikit nito dito.


"Ano na naman 'yan?" Tanong ko at umupo sa couch at tinitigan siya.


"Xbox, nakita ko lang rito." Sabi pa niya. Iyon pala 'yon. Regalo 'yun ni Cat sa akin noong birthday ko. Wow, alam.


"Anong gagawin mo diyan?" Tanong ko pa at kinunotan siya ng noo.


"Baka kakainin? Syempre lalaruin. May bowling dito, tara laro." Sabi niya pa at hindi ako pinansin dahil may kung ano pang inaayos.


"Hindi ako marunong sa ganyan." Sabi ko at umirap habang tinitignan siyang kinakalikot ang TV.


"Tuturuan kita." Sambit niya pa at nay kung anong pinipindot doon. Kumakaway-kaway pa siya sa may detector or sensor ng Xbox.


Tumingin siya sa akin at hinila ako patayo para turuan. Naaliw naman ako ngunit medyo mahirap kontrolin. Hindi naman ito katulad ng sa totoong bowling.


"Ano ba 'yan, weakshit!" Sambit niya pa na ikinainis ko. Nasaktan pride ko 'no.


Surrendering Dreams (Amor Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon