Kabanata 36

173 3 0
                                    


Kinabukasan ay nabulabog ako dahil sa tumatawag sa cellphone ko. Umungol ako ngunit ipinilit ulit ang mata. Inaantok pa ako.


Nakita ko na maliwanag na ngunit mabigat pa rin ang katawan ko at masyado akong hinahatak ng kama.


Hindi pa rin tumigil ang pagtunog ng phone ko kaya asar akong gumulong papuntang side table para kuhanin ang phone ko na hindi pa rin tumitigil sa kakatunog.


"Ano?" Paungol ngunit galit na tanong ko. Ang sarap sarap kasi ng tulog ko tapos biglang tatawag.


"Tanniña!" Rinig kong sabi mula sa kabilang linya. Ito na naman ang nakakairitang boses ni Veronica.


"Ingay mo Val, bwiset." Reklamo ko at pinatayan siya ng tawag at dumapa sa kama para matulog ulit ngunit biglang tumunog ulit an aking phone. What the.


"We're eating breakfast! Join us. Nasa may pool kami. They have ube cake, by the way." Sambit ni Val.


Medyo nabuhayan ang diwa ko. Paborito ko kasi ang ube cake kaya naman ay kahit inaantok ako ay pinilit kong bumangon. Iyon lang siguro ang magpapabangon sa akin.


Nagbihis na ako ng oversized shirt and ripped shorts na hindi naman nakikita dahil parang bestida na sa haba. Naaalala ko tuloy ang mga damit ni Greyson kapag sinusuot ko ay parang ganoon rin.


Nakita ko naman na kumakain na sila sa may tabi ng pool. Lahat sila ay nagtatawanan at kumakain sa breakfast buffet. Tumabi lang ako sa bakanteng upuan sa tabi ni Avery.


Nakita kong kumakain siya ng ube cake kaya naki-slice ako kaya napatingin siya sa akin.


"Get yours." Sabi niya at inilayo ang ube cake. Tignan mo nga naman at napakadamot niya talaga.


"Damot." Sagot ko at hinila ang buhok niya at tinignan ng masama.


Tumayo ako para kumuha na ng makakain. Kumuha rin ako ng ilang slice ng ube cake dahil natatakam ako sa kinakain ni Avery.


"You know what, Tanya. My classmate asked me about your name. Type ka raw niya, I think he's your type too." Sambit ni Val at tumingin sa akin habang kumakain ng blueberry cheesecake.


"Pass, busy ako." Maikling sagot ko at kumain na.


"But it's your vacation kaya." Sabat naman ni Serene habang nakatingin sa akin. Binubugaw na ata ako ng mga 'to.


"Ayoko ng clingy." Sambit ko at humikab pa bago nagpatuloy kumain.


"Hindi naman daw clingy. Exactly your type, malaki... ang puso." Sagot ni Catalina habang itinataas-baba ang kilay. Natawa lang ako ngunit umiling.


"Ayoko, baka mayaman tapos apihin lang ako ng pamilya." Pagdadahilan ko habang patuloy pa rin na kumakain.

Surrendering Dreams (Amor Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon