Nakangiti ako nang magising. Napanaghinipan ko pa si Greyson. Nanaginip ako na katabi ko siya at hinalikan ako sa noo. I'll probably fix everything once we come back to Manila.
Mag-Island hopping kami ngayon at malamang ay mga tulog pa ang mga 'yon. Naligo na ako at nagbihis ng black na stringed swimsuit at saka lumabas na.
Habang naglalakad ako ay nakita ko ang mga tao na tila ang saya-saya. Naglibot ako sa hotel at puro mga naglalandian o kaya naman ay mga pamilya ang narito.
Gumala-gala muna ako sa labas dahil maganda talaga rito sa Boracay. Pinong-pino ang buhangin at higit na maputi. Medyo marami na nga lang ang tao dahil bakasyon na rin.
Nakita ko na medyo tirik na ang araw. Masyado akong naaliw sa paglalakad dahil maganda ang tanawin. May mga nagpapa-tattoo, henna or braid. Gusto ko rin yun ma-try. Siguro mamayang gabi kapag namasyal ako.
Nakasalubong ko 'yung driver namin at nagtaka naman ako dahil mukhang nagpapanic siya. Ano kayang meron?
"Hala ma'am, kanina pa po kayo hinahanap ni Ma'am Serene. Nauna na po sila." Sambit ni kuya na ikinalaki ng mata ko.
"Ha? E, bakit hindi naman nila ako hinintay, kuya?" Tanong ko at napakamot lang si kuya sa kanyang batok.
Tignan mo talaga ang mga kaibigan ko mga mangiiwan, napakabuting mga kaibigan. Napailing na lang ako at sumunod kay kuya.
Sumakay ako sa sasakyan at nagdrive naman siya patungong station 1. Pagkarating ro'n ay nakita ko ang mga tao at may parang booth.
Marami ring mga bangka, yate, speed boat, banana boat at marami pang sasakyang pandagat. Nakakaexcite.
"Ms. Tanya?" Napatingin ako sa nagsalita at napataas ang kilay. Kilala niya ba ako.
"Nauna na po si Ma'am Serene kasama ang mga kaibigan niyo sa kabilang island. Pinapasunod na lang po kayo. Sumakay po kayo diyan sa may yate na nasa gitna." Sabi naman ni kuya at iginaya ako sa may yate.
Galit na sana ako dahil iniwan ako ng mga kaibigan ko ngunit dahil yate ang iniwan sa akin ay okay na rin. Sumampa ako sa yate ngunit hindi na sumunod si kuya.
Nagulat ako nang biglang umandar ngunit hinayaan ko na rin. Umakyat ako sa pinakatuktok at inenjoy ang hangin. Nagpicture pa ako ng marami dahil maganda rito.
Eto lang siguro ang klase na masarap maiwan. Iiwan nila ako ngunit may yateng nakaabang, pwede na rin.
Naalala ko tuloy ang ganap noong huling sumakay ako sa yate, kasama ko si Greyson. Miss ko na siya, pagkauwing-pagkauwi ko ay susunggaban ko na siya agad.
Nagpatuloy ako sa pagpipicture nang biglang huminto ang yate. Nagtaka ako dahil nasa gitna kami at malayo pa ang island. Mukha kaming nasa gitna ng dagat kaya imposibleng nandito na.
BINABASA MO ANG
Surrendering Dreams (Amor Series#1)
RomansSURRENDERING TRILOGY BOOK 1 OF 3. (EDITING) Greyson, a timid and reserved law student, has a dream and it is to become a great lawyer to protect and defend the oppressed. Then, he met Tanya, a genius Law student and a scholar of the same school who...