Zarina POVTahimik na nakasunod lamang ako sa likod ng CEO habang naglalakad.Guess what?Sa malas ay ginawa nya akong personal secretary.Kahit may secretary na sya ay iyon pa rin ang ibinigay nya sa aking trabaho.Gusto kong magwala at naisipang hindi na pumasok bukas at sa mga sumunod pang mga araw.
Pero naisip ko napakawala kong modo.At ayoko ng bad record.Huminga ako ng malalim at tinitigan sya sa likod. Pasakay na kaming dalawa sa elevator papunta sa office nya sa 5th floor.
Dalawa lang kami sa elevator kaya palagay ko napakasikip nun. Parang pati paghinga ko ay gusto kong pigilan muna.Nakaka-intimidate ang kasama ko.Nawalan ako ng confidence ngayon sa pagharap sa kanya.What just happened? Tahimik lamang sya at wala akong nakikitang kahit anong emosyon sa mukha .
Tinitigan ko sya.Mas lalo yata syang gumwapo sa nakalipas na taon.He has clean-cut black hair na sobrang bagay sa kanya.Napakaputi nya at sobrang tangkad which is my weakness. Attracted ako sa matatangkad palibhasa 5'2 lang ang height ko.I saw his eyes kanina nung magkatitigan kami.Ang nakakapanlambot -tuhod nyang mga titig.
Bigla itong lumingon sa gawi ko.Nabato ako at nataranta.Baka kung anong isipin nya.Alanganin akong ngumiti sa kanya para maibsan ang akwardness na naramdaman ko.
"Hindi na ho ba mababago ang isip nyo?"Tanong ko sa kanya about sa work ko.Baka sakaling gawin na lang nya akong janitor.Ayoko lang talaga syang makasama .
"Do I look like that old?"Drop that po and..."saglit pa itong natigilan bago nagpatuloy.
"...You don't have the rights to contradict my decission".Seryosong turan nito.
'Okay.Nagtanong lang namn'.Sa isip-isip ko.
Pagkabukas ng elevator ay iniwan nya ako sa secretary nya at pinaturuan sa mga gagawin.Bali hati kami sa gawain nito.Kaya pala tinitrain sya dahil buntis ang secretary nito at malapit nang manganak.
Oh men..there goes my haggard days.Kakayanin ko kaya?Pwede mag-back out? Tinignan ko si mr.CEO at nakaupo lang namn.Tinitigan nya ba ako?Assuming girl .
Author POV
Habang abala si Zarina sa pagkabisa at pagtanda sa mga gagawin ay hindi nya namalayan ang pagmamasid sa kanya ng CEO na si Acer Fajardo.Samot-saring emosyon ang nararamdaman nang muling masilayan ang babae.Nasa loob ng malaking office nya ang dalawang sekretarya.
Totoong nagulat sya kanina pagkakita dito.Hindi nya inaasahan na muli silang magkikita after 3 years.Gusto nyang magtanong pero nauumid ang dila nya.Sa ngayon gusto nya lang itong makita sa paligid nya.
Nanumbalik sa kanya ang mga panahong nasa college pa lamang sila at kung paano sila nagkakilala.Napangiti sya habang naalala ang nakaraan.
~~~~ FLASHBACK ~~~~
Kasalukuyang nasa try out sa table tennis si Acer.Dahil sya ang inatasang mag-qualified ng mga maglalaro kaya halos araw-araw syang ginagabi sa pag-uwi.Sobrang busy nya lalo pa at graduating sya tapos player pa sya.Nalalapit na rin ang intramurals.
Kasalukuyan syang nakaupo habang umiinom ng gatorade nang mapansin nya ang babaeng dumaraan sa area nila na parang baliw na nag-i-smash ng walang shuttlecock.Patalon-talon pa ito at mapwersa ang paggalaw ng kamay habang nagi-exhibition sa mga techniques nito sa badminton game.
Ah, katabi lang nila ang area ng mga badminton players.Marahil magtry out din ito.Tinitigan nya ang mukha nito.Dahil malikot ay hindi nya gaanong mailarawan.Katamtaman lang ang tangos ng ilong,katamtamang haba ng buhok na nakatirintas at morena ang balat.Katamtaman din ang height nito.
"All average huh".aniya at napangiti sa nakikita.She already got his attention.
Zarina POV
Matapos ng try out ay nagpunta na ako sa locker.High school lang ako ay badminton player na ako kaya tindigan pa lang panalo na.Charoot.
Yabang ba?Hehe... Anyways, kanina ko pa hinahanap ang kaibigan kong malandi na si Genesis nakita nyo ba?
Malapit na namn ang hunting days nya which is the intramurals.Alam niyo namn maraming players na hunk na lalabas lalo na sa highlight na baaketball game.Iyon ang hinihintay namin.Dati.Sya na lang ngayon.Basta hindi na ako interesado manood ng basketball.Mas gusto ko pa ang volleyball.Another sport that I love is volleyball.Yeah, talented yata ito..Hehe.yabang lang.
"San na ba ang babaitang yun?"Matawagan nga.
"Hey!San ka na?"bungad ko dito sa phone .
*Nasa gym.Malapit sa badminton room.*anang kabilang linya.
"What?Hindi mo ako tinawagan.Katatapos ko lang magtry out.Pinapagod mo namn ako eh.Geh hintayin mo ako pupunta ako dyan" .
*Uy!Andito sya nagtry out ng players--*
"Shatap!"pinutol ko na ang tawagan namin.Grrr.Kainis. Mapang-asar talaga.
Patakbo kong tinungo muli ang gym.May madaanan muna akong dalawang practice room bago ang court sa gym. Hinihingal na ako nang makarating sa gym kaya naglakad na lang ako.Napansin kong may tao pa sa loob ng table tennis room.Kasunod pa yung samin .Nakaawang ang kaunti ang pinto at may kung anong nag-udyok sakin na silipin kung sino ang nasa loob.
Dahan-dahan ko itong binuksan at inilusot ang ulo nang biglang sumalubong sa mukha ko ang isang bilog na kulay orange.
Sobrang bilis at lakas pa kaya di ko nailagan. Pok!Sapol sa mata.
A/N: Hehe.flashback na po kung saan makilala nyo si angry bird.
YOU ARE READING
✓ Hey! Mr. Angry Bird ( COMPLETED)
RomanceCollege life is amazing!Who says not? You know why?Because I found him, my happy pill. I was 2nd year and he was in 4th year when I noticed him.And thats when the story begun. By the way, I'm Zarina Alarcon, 18 years of age and we're enjoying my col...