Matagal rin bago siya nakasagot. "Ayoko, ma-a-out of place lang ako sa inyo."
"Hindi ah! H-Hindi naman kita iiwan. Lagi kita kakausapin saka ipapakilala kita sa kanila. Sumama ka na. Please," pagsusumamo ko at aktong hahawakan ang kamay niyang nakalapag sa lamesa.
"Next time na lang. Ayoko talaga," pasimple niyang inilayo ang kamay mula sa pagkakahawak ko.
Nakalulungkot naman, tumanggi siya.
Niyaya ko rin siya sumakay sa Roller coaster at iba pang rides. Pero tumanggi siya. Sunod kong inalok sa kan'ya ang two for 180 na Rolex para terno kami pero tumanggi uli siya. Kusang loob ko na sana siya ibibili ng damit para hindi na siya makatanggi pero hindi ko naman alam ang gusto niyang designs kaya wala rin ako nabili.
Tinanong ko na lamang kung ano pa ang mga gusto niya pero wala na raw siyang gusto. Kaya tinanong ko uli s'ya kaso ganoon uli ang isinagot niya. At nagtanong uli ako.
"Bakit ba ang kulit mo?" nakataas ang isa niyang kilay.
Kahit sinusubukan niyang magtaray ay hindi ko pa rin mapigilang hindi mabighani sa singkit niyang mga mata.
"B-baka kasi 'ako' ang gusto mo."
"FYI, you're nothing compared to stars."
"Star?"
"Teka, wait lang, ha," giit niya saka nilapitan ang 'Takatak boy'.
Bumili siya ng sigarilyo at candy.
"Gusto mo tikman?" pag-aalok niya sa hawak na sigarilyo subalit ako naman ang tumanggi sa pagkakataong ito.
Grabe! Plano n'ya ba magpa-turn off?
Pauwi na kami at kasalukyang naglalakad papunta sa pinagparadahan ko ng motor. Ubos na rin sa wakas ang stick ng sigarilyong binili niya. Naglakas-loob uli ako na yayain siyang sumama ng Christmas party sa pagbabaka-sakaling nagbago na ang isip niya, pero sa halip ay ganito ang sinagot niya;
"Naka-ilang girlfriends ka na ba?"
"Anim," matipid ko namang sagot. Nakabibigla ang tanong niyang 'yon.
"Napakakonti naman."
"Bakit ikaw?"
"Countless."
Wow!
Kasabay no'n ang pag-ihip ng hangin na humawi sa maiksi niyang buhok. Habang naglalakad siya ay nakalagay ang mga kamay niya sa likuran at nakatingala sa madilim na kalangitan. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip niya sa mga sandaling ito.
Samantalang may bahagi naman ng utak ko na gusto ko siyang akbayan. Para bang gusto ko hawakan ang kamay niya. Gusto ko hawiin ang mga hinahanging hibla ng buhok niya. Kapag may mga nakasasalubong nga kami ay napalilingon sila sa amin kaya naman very proud ako kasi alam kong iniisip nila na mag-boyfriend-girlfriend kami. Para tuloy may paruparo sa tiyan ko. Ganito nga siguro ang pakiramdam nang kinikilig.
"So, ilan naman ang sineryoso mo?" mayamaya'y dagdag niya sa naunang tanong.
"L-lahat?" nag-aalinlangan kong sagot.
"So, gaano katagal ka naman nanliligaw? Saka paano?"
"May ilan sa text... Mga isang buwan din."
"Legal relationship ba lahat?"
"'Yong huli," pagsisiyasat niya sa akin na mukhang ini-interview ako.
Pakiramdam ko ay interesado rin siya makilala pa 'ko nang lubusan.
"Gaano katagal naman naging kayo?"
"Six months."
"Pinakamatagal na ba 'yon?"
Tumango lang ako.
"So, gaano katagal ka na single?"
"Three months."
"Ang bilis mo yata maka-move on?"
"Hindi naman kasi gano'n kalalim ang pinagsamahan namin," medyo nalungkot ako sa tagpong ito kasi bigla kong naalala ang ex-girlfriend ko. "Pero hindi ako playboy, seryoso akong tao."
Napaismid naman siya. "Don't worry ako ang playgirl."
BINABASA MO ANG
MY NIGHTMARE TO REMEMBER...
Teen FictionWaking up without everything in a modern city feels like hell. Like an endless night where mourning takes place. A misery that I have to conquer with my iron will. And him, who drags me to an ill-fated fairytale. But, what if dreams and reality coll...