Chapter 4

50 1 0
                                    

  Zarina POV

  Nasa practice room ako ngayon ng badminton.Nagpapahinga.Katatapos ko lang magpractice.Next week na ang intrams kaya halos lahat ng players na sasali ay busy kaya naman ilang araw ko nang di nakikita ang crush ko.Matamlay tuloy ako pero sa practice namn hindi.

Kapag wala lang ginagawa at naiisip ko si mr angry bird..Ang cute nya talaga.hehehe !

Dahil sobra ko na syang namiss ay naisipan ko syang puntahan sa kabilang practice room.Nagpaalam muna ako sa kasama kong senior na lalabas para mag-cr.Pagkalabas ko ay pasimple akong naglakad papunta sa area nila Acer.Itinapat ko ang tenga ko sa pintuan at napakunot-noo nang wala akong marinig na ingay sa loob.Parang walang tao .

"Uhhh...Nasan na kaya sya?"malungkot kong turan.Matamlay na bumalik ako sa area namin.Itinuon ko na lang ang pansin ko sa practice.Gusto ko pa namn sana manood kung pano sya maglaro ng ping pong.Halos magkaparehas lang ang line ng laro namin dahil sa galawan.Kailangan ng pambihirang liksi,technique at talas ng mata para sa katunggali.Kaya namn fit ako dahil athletic ako.

  *Bzzztt..Bzzztt*

Kinuha ko ang phone na nagvibrate sa bag ko.Palabas na ako ng practice room namin.Tiningnan ko at si Genesis pala.Binasa ko ang text nito.Nasa gym ito at hinihintay ako.Napahugot ako ng malalim na hininga.Matagal na rin akong di nkakapunta ng gym kahit malapit lang iyon sa practice room namin.Hindi muna ako nagbihis at pumunta na lang sa gym.  Narinig ko ang ingay sa loob.May laro pala ang mga varsity kasama ang mga napili sa try out.Hinanap ng mata ko si Genesis.

   "San na ba yun?Kainis alam namng maraming tao.Di man lang nagtext kung san banda."May biglang humigit sa akin at napatingin ako dito.

   "Lika dun banda sa baba para malapit tyo sa mga players."Wala na akong magawa ng higitin nya ako .Kainis talaga tong malanding to.

Pagkaupo ay tiningnan ko ang mga manlalaro.There I saw him.My first heartbreak.Pero ngayong nakita ko na ulit sya ay wala na akong maramdamang sakit o kahit anong damdamin.That's better.

   "You okay?"siko sa akin ng kaibigan kahit di namn concern.Nasa harapan ang attention nito at panay tili.Nakakarindi.Hindi na ako umimik.Sarap batukan nito para matauhan sa tanong nito.Iginala ko na lang ang paningin ko at di ko inasahan na makikita ko sya sa katapat ko na bleacher.Nasa kabilang team sila at katabi nya ang SSC muse na si Shaina.Nakaramdam ako ng kirot.  Ibig sabihin nagseselos ako.Very bad. Wala sa laro ang tingin ko kundi sa kanilang dalawa na nagbubulungan at pagkatapos napapatawa pa si Shaina. 

  "Ang landi talaga."nanggigigil ako sa nakikita.I wonder kung magkaanu-ano sila. Narining kong nag time out kaya nawala ang attention ko sa dalawa.Siniko-siko ako ni Genesis nang makitang palapit sa banda namin ang mga manlalaro.Nagtama ang paningin namin ng team captain nila.Ngumiti ito sa akin ng matipid.Hindi ko sya pinansin.

   "Hi!Good to see you here."anito nang makalapit sa amin.Sa akin sya nakatingin. 

"Of course Jake.We are glad to see you."sabi namn ng katabi ko.Ngumiti na lang ako ng pilit sa kaharap ko baka sabihin namn nito bitter pa ako.

   "See you around Zar,"malambing nitong sabi bago pumunta sa mga kateam nito.Tinanguan ko na lang ito at muling  ibinalik ang paningin sa dalawa kanina.

    'Huh?Dito ba sya nakatingin?'Palagay ko ay namumula ako ngayon.Bumilis yata bigla ang heartbeat ko.

  Oh no!Ayokong mag assume pero dito talaga sya sa banda ko nakatingin ngayon.Ngumiti ako sa kanya at nagwave.Nakita kong nilingon nito ang katabing si Shaina at parang may ibinulong na dahilan ng pagtawa ng katabi nito.Ano kaya yun?Nakakainis!Hindi ako pinansin.Nakabusangot ko silang tiningnan .

"Zar!Nakakakilig namn talaga ang ex mo--".

   "Shut up!Edi sayo na."Inis kong sabi dito.

"Ay...selos ba yan?"

   "Hoy!Wala akong pakialam sa kanya kaya pwede ba wag mo akong tuksuhin sa kanya?"Inis ko pa ring saad dito. 

"Ah...okay...okay..wag ka namng galit.Napaghahalataan ka eh".Sinamaan nya ito ng tingin.

Hanggang matapos ang game ay nkabusangot ako.Palabas na kami ng marining kong tumili si Genesis sa tabi ko .

"Oh my gosh!It's Acer.Ang gwapo nya girl!"Nagpanting ang tenga ko sa narining.Lagot na.Mukhang isa sa target nito ang prey ko.

  "San?"kunwa ay di ko kilala ang sinasabi na .

"Ayun!Ayon sya kasama si Shaina.Magkasintahan kaya sila?Hehe.bagay sila".Anito at sinundan ang  itinuro nito.Sobrang naiinis na talaga ako.

"Ang gwapo nya talaga.Senior natin yun diba?"Anito. Hindi ako umimik.Ba't ba kasi sobrang gwapo nung Acer na yun kaya tuloy ang daming nagkakagusto sa kanya..Gusto ko akin lang sya.

Napadaan sila malapit sa amin kaya napatingin ako sa kanila.Nagkatitigan kami ni Acer.Walang kahit anong emosyon sa mukha nya na tinitigan ako.  Nginitian ko sya ng matamis pero hindi sya ngumiti pabalik.

~~~~

   Nagdidilig ako ng halaman sa mini garden namin sa bahay nang may sumulpot na ulo sa mababang bakod sa  kabila.Natutok ko dito ang hose sa gulat.

   "Ano ba namn yan?"Inis na sabi nito.

"Kasalanan ko?Ba't bigla bigla kang sumulpot dyan.Ano ka kabute?"Inis ko din na wika dito. Pumasok na ito ng tuluyan sa loob ng bakuran namin dahil mababa lang namn.

"Manood ka ng game namin sa volleyball ha?Sa friday kami ang lalaban sa championship ."

   "Wow..Talaga?Excited ka pre eh monday pa lang bukas."Inirapan ko ito.

   "Namiss nga kita pre eh sobrang busy kasi ako sa practice.Ikaw din sabi ng mama mo.Sa badminton ka pala nag try out."At sumunod sa akin sa kusina.Feeling at home.

   "Oo.Ayoko sa mga kasamahan ko sa volleyball.Ang aarte, alam mo na.Ang lalamya naman."Nagsalin ako ng juice sa baso at binigyan din sya.

   "Kumusta namn ang 2nd year mo sa campus nyo?"Usisa nito na parang may inaalam.

   "I'm great".Nginitian ko sya ng malapad.Baka akala nya bitter pa ako dahil sa last break up ko with team captain ng campus namin.Nagkakamali sya dahil may bago akong kinaaaliwan.

"That's good.So wala ka pang boyfriend ngayon--"

   "O eh ano namn ngayon?Puporma ka na namn?Isumbong kita sa mama mo eh!Tigilan mo ako pre Kevin.Di tayo talo."Pigil ko dito kaya napakamot ito sa ulo.Hindi lingid sa akin na may gusto sabakin ang kapitbahay naming si Kevin na nag-aaral sa ibang college campus.

Since di sya makaporma dahil magkapitbahay lang kami ay nagkasya lang sya sa pagiging bestfriend kuno.Gwapo naman si Kevin.Sa katunayan hearthrob din sya sa campus nila at kilala doon.Wala lang talaga akong makapa na espesyal na pagtingin sa kanya bukod sa pagiging tropa at matalik na kaibigan.

 ✓ Hey! Mr. Angry Bird ( COMPLETED)Where stories live. Discover now