Kabanata 41

189 3 0
                                    


Madaling natapos ang bakasyon at ngayon ay nasa kalagitnaan na naman ng first semester ng ikalawang taon sa Law. Pagod na pagod na ako.


Nakatambay ako ngayon sa penthouse ni Greyson at subsob ako sa pag aaral. Marami akong digest na ginagawa at naipon na dahil hindi ko nagawa noong Sabado at Linggo dahil sa trabaho.


Si Greyson naman ay tinutulungan ako sa mga digest at pasulyap-sulyap lang sa akin dahil tapos na siya sa lahat. Tapos na siyang mag aral pati sa digest.


Narinig kong tumunog ang phone ko na nasa tabi ni Greyson dahil nagchacharge ako.


"Pabasa nga, babe." Sabi ko at nagpatuloy ako sa pagsabunot sa buhok ko. May around ten pang cases bago pa ako makapag-aral dahil bukas ay may recit na naman sa Nego.


Ramdam na ramdam ko ang pagod. Nakailang kape na rin ako at anong oras na rin, gabi na. Buti nga at gising pa si Greyson para tulungan ako sa digest.


"We have a quiz tomorrow in Criminal Procedure according to attorney, it's from Paul." Mahinang basa ni Greyson ngunit saapt naman para marinig ko.


"Tangina, pagod na ko." Sabi ko at tuluyan nang humiga sa carpet. Nandito kami ngayon sa library sa condo ni Greyson at sa lapag ako nakaupo para abot sa center table.


Nagkalat na ang mga papel at ang mga libro sa sahig at sa table. Nalulula na ako sa sobrang daming gagawin. Parang gusto ko nalang mag asawa ng mayaman. Greyson, baka naman.


Umupo na ako at nakita kong nakatingin sa akin si Greyson at tila awang-awa na sa kalagayan ko. Tumayo ako at lumapit sa kanya. Nakaupo siya sa upuan sa may office table.


Umupo ako sa hita niya at ipinalupot ang hita sa kanyang baywang. Isiniksik ko ang mukha sa may bandang dibdib niya.


"Baby, I'm tired." Bulong ko at bahagyang naghikab pa dahil inaantok na ko.


Hinalikan niya ako sa noo at sa may ilong bago ako hinalikan sa labi. Babawiin na sana niya nang iniyakap ko and braso sa leeg niya at pinalalim ang halik. I can feel his hands on the back of my waist.


I ended the kiss and we're both breathing heavily. I hugged him some more and smelled him.


"I'll do the rest of it, you should study." Sabi ni Greyson kaya umalis ako sa pagkakayakap sa kanya.


"Huwag na, kaunti na lang 'yun. Gisingin mo na lang diwa ko." Sambit ko at pabirong ngumuso sa kanya at hinalikan siyang mabilis sa labi bago bumalik sa pwesto ko.


Nakailang oras pa ako bago natapos ang lahat. Kanina ko pa inutusang matulog si Greyson sa kwarto kaya malamang ay natutulog na 'yun.


Pumunta ako sa kwarto niya at nakitang natutulog na siya. Naka jogger pants siya at sando na black. I can see his biceps here. Yummy.

Surrendering Dreams (Amor Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon