Chapter 13

1 0 0
                                    

Thea's POV

Naalimpungatan ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa aking mukha. Nakalimutan ko nang isara ang aking kurtina kagabi bago ako matulog...

Napangiti ako habang naliligo. It's been three weeks nang mangyari ang dramahan namin. So it means na three weeks ko na din siyang hindi nakikita. Busy ang isa't isa sa barkada kasi may kanya kanya na silang trabaho. And of course. Next week, magbabalik na ako bilang mistress sa Agency.

Gusto ko nang gumala! I want to go to Palawan! Gosh! I miss  swimming!

Naisipan kong itext ang barkada upang ayain silang mag beach tomorrow. Wala pang halos isang minuto na naisend ko ang aking mga mensahe ay natanggap ko na agad ang kanilang mga reply sa aking sinabi. Nag agree silang lahat. Well except kay Volt na hanggang ngayon ay hindi ko parin nakikita. Bahala na kung pupunta siya o hindi.

I decided to call Mics. Mga dalawang ring pa lamang ay sinagot na niya agad ang tawag.

"Uwaaa! Miss ko nang mag swim! Shocks! Bikini tayo dun ah?! Walang kj!" ganun ang bungad niya sa akin nang sagutin ang tawag

"Stop screaming! Masakit sa tenga"

"opps! Sorry excited lang" batid kong nakangiti siya ngayon habang kausap ako

"Me too. Uh, oum, Mics? Can you do me a favor?" medyo nahihiyang tanong ko sa kanya

"Sure! Ano yun? Wag lang pera beh nag iipon ako" natatawang sabi niya kaya medyo natawa na din ako.

"Oum, can you invite the whole Montefalco to come?" kinakabahang sabi ko

"Oh my gosh! Gaaa! I'm so excited! Magpapakita ka na ba?" tili tiling sabi niya. Pag to talaga di tumigil titirisin ko na

"Hindi.magtatago" sarkastiko kong sabi pero parang binalewala niya lang ang sinabi ko at tuloy tuloy na lamang na nagsalit

"Oh sige ako nang bahalang magsabi ng mga excuses kila tita. Gosh! Basta ako nang bahala okiee? Don't worry dadating sila! Basta kung ano nang palusot ang masabi ko ayun nalang hihi byebye!" masaya niyang sabi at biglang pinatay ang tawag. Haeop na babae. Binabaan ako...... Natatawa akong pumunta sa aking bed upang maglaro sana ng PS4 ngunit may tumawag sa aking telepono.

Ano na namang kailangan ng stephen na to?

"Yes?" bagot na tanong ko sa kanya
"Milllovesss! Namiss kita!!" bungas niya sa akin
"Hindi kita na miss" malamig na sabi ko at pinatay na ang tawag. I even off my phone para walang istorbo.

Magsisimula na sana akong maglaro pero may nag doorbell na naman. Haeop. Lintik. Tinatamd akong bumaba sa kama ko upang tignan ang lintik na nagdodorbell

Bumababa ako sa hagdan nang tunog parin ng tunog ang doorbell. Haeop na yan

"Isa! Pag dika tumigil kakapindot diyan papatayin na talaga kitang tangina mo!" sigaw ko. Agad namang tumigil ang pagpindot niya sa bagay na iyon.

Pagbukas ko sa pintuan ay bumungad sa aking mukha ang nguso ng baril. I didn't even blink.

"The fuck are you doing here in my house Steph?" Malamig na tanong ko sa kanya "At papaano ka nakatakas sa security sa gate?"

"Oum? Dinadalaw ka po Mistress milovesss. At paano ako nakatakas? Hihi malakas ang karisma ko eh. Sinabi ko sa guard na boyfriend niyo ako" natatawang sabi niya na kaagad kinalakihan ng aking mga mata.

Lumapit ako sa kanya at piningot siya sa tenga hanggang sa mamilipit siya sa sakit.

"Uwaa! Mistress naman eh! Masakit!" reklamo niya habang hinahawakan ang namumula niyang tenga

Demon AngelWhere stories live. Discover now