uno

1 0 0
                                    

"what do you think of life Criselda?" tanong ng aking esp teacher. Tumayo ako at sumagot. "life is unfair, isang araw sobrang saya mo, tapos isang iglap nawala ang lahat. Reply niya cold na, tapos nanghihingi pa ng label eh gusto ko nga fling dib--?" "gaga ka talaga hayop!" siko sa akin ni Colie habang tumatawa, ang ibang ka klase ko naman ay nakatingin sa akin habang pinipigilang tumawa dahil iritado na ang mukha ni ma'am, eh sa yun talaga nararamdaman ko ngayon bat bah?

"umupo ka nalang kung wala kang ma-ayos na sasabihin Miss Rosalez, hindi sa lahat ng bagay pwede tayong magbiro. Mag se-senior high na kayo ganyan parin ang ugali ninyo!" huling litanya ni ma'am bago nag walk out sa aming classroom. "punyeta ka talaga, ikaw talaga eh!!" sigaw ni Colie sa akin habang binabatukan ako, mapanakit talaga tong isang to. " bat bah yun nga nararamdaman ko diba? tska anung konek nun sa pag se-senior high natin da furk?" sabi ko habang kinokolekta ang aking mga gamit dahil uwian na. "Pasalamat nga kayo eh, dahil sakin early dismissal tayo" dugtong ko pa. "ay wow ha dapat pala magpasamalat kami sa bastos na kagaya mo, oh mag pasalamat daw kayo kay madam" sigaw ni Colie sa aming classroom na sinunod naman ng aking mga ka-klase. "Bwiset ka!"

"alam mo kaya ka siguro hindi nag kakaseryosong manliligaw kasi ganyan ugali mo." litanya ni Colie sa akin, pati ba naman dito may litanya sa bahay meron, dito din meron hay buhay. " eh malay ko bang kailangan ko i-adjust ugali ko para magustuhan ako ng lalake!" sigaw ko sakanya. Bumaling sya sakin at kinotongan ako, diba mapanakit ang punyeta. " HOY! hindi sa lahat ng bagay ang tao ang mag-aadjust sayo, dapat marunong kading makisama salbahe!" napasinghap ako, ang harsh nakakasakit na ha. "bat ako? bat parang kasalanan ko?" ginaya ko ang linya ni Bobbie. Nagtawanan kami pareho, kahit palagi akung napagsasabihan ni Colie, mahalaga siya sa akin dahil siya lang ang tinuturing kung totoong kaibigan ay si Faith din pala. " nasan na ba si Faith? ang babaeng yon antagal palagi!" si Colie.

Sakto namang dumaan ang batch nila Faith kaya Nakita namin sya, galing pala silang comlab kaya natagalan. Sumenyas si Colie kay Faith na sa gate nalang kami maghihintay dahil dumadami na ang tao sa court dahil dismissal na. "Anu balbacuahan na naman tayo?" salubong na tanong ni Faith sa amin. " yes dai dahil wala akung budget ngayon noh" sagot ko sa tanong niya. Ang balbacuahan ang go to resto namin tuwing uwian kapag pare-pareho kaming mga walang pera at ang afford ang ay ang tig limang pisong bbq at free sabaw. Masarap naman doon at relaxing ang vibes dahil nasa tabing kalsada. "hello ate!! alam mo na order namin ha, discount naman dyan" makapal na mukhang hirit ni Faith sa tindera, ngumiti lang ang tindera sa amin at ginaya kami sa isang table.

"oh kamusta ang araw mga hampas lupa" tanong ni Faith. "Maka anu naman to!" sigaw ni colie sa kanya. "bunsoy pasmado bibig mo. ano colie kotongan naba?" tanong ko habang tumatawa dahil parang nakakita ng multo si faith dahil namumutla. "di nga kamusta?" seryosong tanong niya sa amin. "mm eto nahihirapan pressured na ako te diko kasi alam anu talaga kukunin ko pag shs natin eh, gusto ni mama mag engr. daw ako, eh diko naman linya yun kahit nga stick na tao diko pa ma ayos mag sketch pa kaya ng floor plan!" "ay dai baka gumewang lang building pag ikaw naging engr." hirit ko kay Colie na inirapan lang ako. " ako nga diko pa sure eh kung makaka shs ako, nag ka recession kasi sa trabaho nila nanay, alam mo na wala naman kaming tatay tapos tatlo pa kaming magkakapatid. Nahihirapan na si nay kasi wala na income eh sa private kami lahat, sabi ni nay nga ilipat nalang daw sa public sila miggy at khayo." Paliwanag ko sa aking problema.

Pare-pareho lang tayo, isang estudyang mas madami pa ang problema kasya sa pera. Lahat tayo may pinag dada-anan sa buhay, at importanteng may mga taong malapit sa atin na napagsasabihan natin kahit hindi man lahat ay nasasabi natin pero kahit pa-paano ay nagkakaroon din tayo ng venting place. Mahirap mabuhay sa mundo, Lalo na kung mahirap lang din kayo. Ang mga mayayaman mas lalong yumayama yung mga mahirap mas lalong nalulugmok. Namulat ako sa simpleng buhay, walang tatay at walang conection sa mga kamag-anak. Tinakwil si nanay ng kaniyang pamilya ng malamang nabuntis sya ng lalakeng may pamilya na. In short naging kabit ang nanay ko. At ang Malala pa nun, tatlong beses nilang ginawa, tatlong beses silang nagtaksil, tatlong beses silang nagkamali, tatlong beses silang nagmahal. Palaging sinasabi ni nanay na hindi kami pag-kakamali. Na biyaya kami, pero tuwing sinasabi niya yon napapisip ako. Naging biyaya bah talaga kami? Kasi parang hindi naman eh. Kasi dapat ang isang bata ay ginagawa para maging biyaya sa isang pamilya ta sa ibang tao. ika ng nila, make a kid a blessing not only to you but also to others.

Sa madilim na squatters area kami nakatira. Mabaho, masikip, madumi, maingay, at malansa. Sari-saring sigaw at away ang palagi mong maririnig dito. Ang mga bata ay halos hindi naliliguan. Amoy araw at yosi ang iskinita. Nangangamoy ihi at basura ang hangin na iyong nalalanghap. Sa pinakadulo ay makakakita ka ng bahay, hindi gaanong Malaki pero sakto na. Dalawang palapag na gawa sa kahoy ang bahay namin. Sa unang palapag ay may makikita mong may maliit kaming veranda kung saan may isang maliit na two seater table na gawa sa kahoy. Napapalibutan din ang aming maliit na veranda ng mga halaman ni nanay. Ang dalawang hagdan pa akyat ay may mga nakapatong na bulaklak na tanim ni nay. Sa taas na palapag naman ay may magkabilaang bintana na gawa sa kahoy, may maliit ito na espasyo kung saan nilalagyan ng aking mga kapatid ng bulaklak. Isang maliit na light bulb lamang ang nakasindi sa itaas.

"oh Criselda halika na at gabi na" tawag sa akin ni nanay ng makitang malapit na ako. "kamusta? nagabihan ka ata?' tanong niya habang tinatanggal ang bag ko at inaayos ang aking buhok. "Eh nagka-yayaan ho kasi kaming kumain sa balbacuahan nay" ngumiti lamang sya sa akin at pumunta sa kusina. Sakto lang ang espayo ng bahay namin, sakto lang para sa aming apat. Wala masydo kaming mga gamit kaya ang pumupuno ng bahay namin ay ang mga halaman ni nanay. "oh inumin mo at matulog kana" abot ni nanay sakin ng isang basong tubig. Nilagok ko iyon at nag pasyang mag pa-alam na dahil pagod na ako. Hindi pa ako nakakalahati sa hagdan ay tinanaw ko si nanay, nakasandal na siya sa upuan habang madaming papel ang nakaka-kalat sa lamesa. Pagod niya itong tinititigan. Awa at sakit ang nararamdaman ko tuwing nakikitang nahihirapan si nanay dahil sa amin. Kaya paano kami naging biyaya? Pagkapasok ko sa kwarto ay kitang-kita ang buwan. Parang ang lapit niya pero kay hirap abutin. Sobrang kinang niya na para bang nakakasilaw. Ang buhay namin ay mahirap. Pero kahit ganito lang ang buhay na kayang ibigay sa akin ng aming nay, nagpapasalamat padin ako. Maliit man ang bahay namin pero napupuno naman ito ng pagmamahal niya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 09, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Life at first sight Where stories live. Discover now