A/N:EXPECT TYPOS, WRONG GRAMMAR AND SPELLING.
FEEL FREE TO COMMENT AND DON'T FORGET TO VOTE.
HAPPY READING!!! ^_^This chapter is dedicated to My Bebe jinnie_rs Thank you sa suporta. Ito na po ang ud. Pasensiya na at medyo tamad si author haha. Love you Bebe. Miss you.
CHAPTER 31
Pinapunta kami ni Andrie sa gilid ng pool. Noon lang naming napansin ang isang bonfire. Malayo-layo iyon sa mga sun lounger. Sa palibot ng bonfire ay may nakalagay na anim na unan. Pina-upo niya kaming lahat doon.
Tumabi ako kay Yuki. Uupo na sana si Andrie sa kabilang side ko nang maunahan siya ni Shi kaya sa tabi na lang ni Yuki siya umupo. Sa tabi ni Shi ay si Annalyn at katabi niya si Sir Alvarez.
Sa pwesto namin ay hindi inaasahang nakatapat ko pa si Sir Alvarez kaya hindi ko malaman kung saan ako titingin. Sa inis ay sa baba na lang ako tumingin dahil hindi niya inaalis ang tingin niya sa akin.
“Okay guys. Tabanan ninyo ang mga papel na nakuha niyo. Lahat iyan may piso sa loob. Ang hindi makakagawa ng nakasulat sa papel ay lulunukin ang piso bilang parusa.” At nakatanggap na naman ng isang batok si Andrie mula kay Yuki. Natawa na lang kami.
Hindi naman sinasadyang nadaan ang tingin ko sa harapan ko dahil katabi ni Sir Alvarez siAndrie kaya kitang-kita ko ang mga titig niya. Agad akong tumigil sa pagtawa at yumuko na lang ulit.
“Biro lang naman eh. Nakaka-ilan ka na ah. Mamaya ikaw na ang babatukan ko diyan.” Banta ni Andrie kay Yuki.
“Kung kaya mo.” Maangas na sabi ni Yuki sa kaniya.
“Haya naku. Ito na nga, totoo na ‘to. Kapag hindi nagawa ang nakasulat sa papel ay lahat magtatanong sa kaniya ng truth or dare. Kapag hindi pa rin ginawa. Bahala na siya sa buhay niya. Iiwanan na lang natin siya dito at hindi na babalikan. Ano? Okay na?”
Ano man itong nakasulat sa papel ko gagawin ko na agad para wala ng problema. Ayokong maiwan dito. Kahit na alam kong biro lang naman iyon ni Andrie, mahirap na. Kung sila ang maiiwan makakabalik pa sila dahil isang tawag lang nila ay may dadating na kaagad para sunduin sila samantalang ako. Baka maging taga-urong na lang ako sa hotel na ito at hindi na maka-uwi.
“Simulan na natin. Sinong mauuna?” tanong ni Andrie. Walang sumagot at lahat kami nakatingin lang sa kaniya.
“Okay sige. Ako na nga. Makatingin kayo eh.” Tumayo na siya at sinimulang buksan ang papel niya. Nalaglag pa iyong piso sa loob at gumulong sa kung saan kaya hinanap pa niya. Nang makita niya ay binasa na niya ang nakasulat sa papel.
“If you’re going to have a crush on someone in this group, who is he/she and why? Ang dali naman nito. Lahat naman kayo naging crush ko. Diba Papa Matthew.” At nag-boses bakla pa siya at kumapit sa braso ni Sir Alvarez at hinalikan pa niya ito sa pisngi kaya nakatanggap din siya ng isa pang batok mula dito. Natawa kaming lahat sa ginawa niya. Si Andrie naman mukhang nalugi ang itsura at busit na busit na.
“Kanina pa kayo ah. Mahal na mahal niyo naman ang batok ko at batok kayo ng batok. Sige na nga, ito na talaga. Seryoso na. Wag kayong magagalit ah. Please.” At magkadikit pa ang mga palad niyang nakatingin sa amin habang nakanguso.
“Oo na, oo na. Sumagot ka na. Lintek. Ang daldal.” Sagot ni Yuki sa kaniya. Nagseryoso si Andrie. Kaya tumahimik na kaming lahat at tumingin na lang sa kaniya.
“Ang totoo niyan matagal ko na siyang crush. Kaso ang dami kong kaagaw. Paano ba naman kasi ang ganda-ganda niya. Ang bait-bait pa. Hindi ko alam kung napapansin niya ako pero ako pansin na pansin siya. Lahat ng ginagawa niya napapansin ko. Sa punto na pati iyong pagtingin niya sa taong gusto niya ay napapansin ko. Hindi ko alam kung bakit? Kung bakit hanggang ngayon gusto ko pa rin siya kahit na may nagmamay-ari na sa kaniya.”
BINABASA MO ANG
KABUNGGUANG BALIKAT(KAIBIGAN)
De Todo*COMPLETED* Amigo. Amiga. Tomodachi. Chingu. Fílos. Besty. Beshie. Bes. Friend. Kaibigan. Isang salita pero napakahalaga. Maraming tawag pero iisa ang kahulugan. Maaring isa lang o madamihan. Lahat ng tao pwedeng maging kaibigan mo, Pero sa pagpili...