𝘾𝙃𝘼𝙋𝙏𝙀𝙍 29

313 11 1
                                    
















LYLLO'S POV
                                                    

Our dinner went dead silent. Hindi kami nag- usap habang kumakain, well, hindi ko siya kinausap. Ako ang tahimik buong oras na kumakain kami, kinakausap niya ako pero panay tango at iling lang ang naisasagot ko.

Halos mawala na rin sa aking isip na nasa teresa na nga pala kami ng bahay sa baba. He asked me to come with him here, ngayon ko lang nakita ang teresa, puno ng magagandang halaman at makukulay na bulaklak at may iba't- ibang klase ng paso. May tatlong baitang pababa sa bermuda grass, maraming ilaw sa paligid at mararamdaman mo ang malamig na simoy ng hangin.

Naka- upo ako sa isang rattan chair na hugis bilog, nasa harapan ko ang isang glass coffee table na may maliit ba flower vase sa gitna, si Rohan ay nasa isa pa'ng rattan chair na katabi ko lang.

Sa tuwing papasok sa isip ko ang nangyari kanina ay umiinit ang pisngi ko. What's wrong with me? Hindi ko naman iyon first time pero bakit parang daig ko pa ang isang high school na nagkaroon na ng first kiss! Damn!

I don't even know if it's awkward right now, but then he's being casual about it. Parang hindi naman big deal sa kaniya ang mga halik na iyon.

Ibig ba'ng sabihin no'n ay hindi niya rin first time humalik?

Ano ba'ng pakielam ko kung may iba pa bago ako? Tss.

"Uhm..." Huminga ako ng malalim at tumingala sa madilim na langit.

Tahimik lang siya. Sumulyap ako sakaniya at nahuli ko siyang nakatitig sa akin! Hah! Huli ka pero 'di kulong!

The kiss was nothing, right? He was just tempted at that moment. Hindi naman siguro dapat seryosohin iyon. Pero sa tuwing naiisip ko ang mainit niyang mga halik ay naghuhuramentado ang puso ko. Ako pa ang nahihiya sa aming dalawa!

Para akong nasusunog ng buhay sa kinauupuan ko. Samantalang siya ay parang normal lang ang nangyari kanina. I glared at him.

Naka- tingin siya sa kalangitan nang mapansin niya ang tingin ko, hindi ako nag- iwas. Tinaasan niya ako ng kilay.

"What?" Aniya.

"Uhm..."

"Isang linggo ako ro'n. Or two." Pabulong niyang sabi.

"S-saan?" Kahit pa nahuhulaan ko na kung saan iyon.

Bumuntonghininga siya. "Abroad..." bahagya niyang hinawakan ang kamay ko at pinaglaruan ang aking mga daliri. "My flight's tonight."

Pinanood ko kung paano niya haplusin ang mga daliri ko, it relaxed me a bit. Kahit na medyo nalungkot ako sa sinabi niya.

"I am attending a conference in New York. It will take a week...or more. Nasabi ko naman kay Lyno na siya ang bahala sa'yo,"

Hindi ako nag salita.

"Babalik ako." He said. "Will you be fine? Here?"

Inirapan ko siya hindi na nanahimik pa. "Oo naman. It's not like you're not coming back."

"E'di mami-miss mo nga ako?" Ngumisi siya.

Mami-miss? Hindi naman siguro. Noon pa man ay parang kabute siya kung sumusulpot, minsan wala siya sa paningin ko, minsan naroon. Hindi ko naman siya hinahanap. Pero ngayon... hmm.

"Hindi." Tugon ko.

He chuckled sexily. "Sus."

Tumingin ako sa kaniya. His green eyes were piercing through my soul, natutulala ako sa mga mata niya sa tuwing tinitingnan niya ako. Ang mga paru- paro sa loob ng tiyan ko ay nagsisi- liparan na naman.

THE WILD'S DEEPEST AFFECTION (BURNING LOVE SERIES 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon