Chapter 41

15 3 0
                                    

Hindi ko alam na dadating talaga ako sa puntong ito. Parang nung isang araw lang iniisip ko lang to pero ngayon hindi ko naman akalaing magagawa ko talaga.

I was tapping my feet on the floor while biting my lower lips. Kinukurot-kurot ko rin ang mga daliri ko habang naghihintay sa tawag ng tita grace ko.

Kinakabahan sa maaari niyang maisagot saakin.

I already chatted her earlier saying that I need to talk to her about something important. Siya nalang ang pinatatawag ko kung kailan siya pwede dahil alam kong abala siya roon sa Singapore.

Napapitlag ako nang dumating ang tawag ni tita.

Okey. This is it.

Huminga ako ng malalim bago ko ito sinagot. Agad akong ngumiti.

"Hi tita!" bati ko sa kaniya. Magalaw siya sa camera. Tila katatapos lang magpalit ng damit.

"Ohh? Kauuwi ko lang galing school. Ano ba ang sasabihin mo? It really sounds important." aniya saka tuluyang umupo sa harap ng camera.

"Hmm.. Tita about sa pagpunta ko sana dyan sa Singapore?"

"Uh-huh? You want update ba? Actually na-process na ang half of your papers dito sa school. Pwede ka na ngang magpunta rito eh, may passport ka na diba? Kausap ko lang ang mama mo the other day, eh."

Napabuntong-hininga ako.

"Ahmm tita.. About that. Actually I was about to ask you kung pwede ho bang wag na muna akong tumuloy?" alanganing tanong ko. Napakunot ang noo niya.

"What? Why? It's a perfect opportunity for you iha, bakit gusto mong mag-back out?"

"H-hindi naman po tita. Medyo nabibigla lang ako? I mean, diba? Wala manlang 1year yung pagpa-process ng mga papel? Tapos aalis na ako agad. Pwede po bang pag-isipan muna?" kagat labi kong tanong.

Feeling ko, ang walang sense ng mga sinasabi ko kasi totoo naman. Magandang opportunity naman talaga iyon pero pakakawalan ko pa.

Napabuntong hininga ako sa isip. I don't know.. Ang tanga ko na but I really have to do this.

Mataman siyang tumingin saakin. "Iha, what really is the reason of your sudden decision? Hmm? Come on, you can tell me anything." pange-engganyo niya saakin. May pag-aalalang mababakas sa kaniyang mukha.

Napa-kagat labi ako. "Nabibigla lang po talaga ako sa pangyayare tita. I just feel like I'm not ready to leave the country yet. Hindi ako sanay nang wala sina mama sa paligid." pag-dadahilan ko nalang.

Pwede ko ba namang sabihin na dahil sa pesteng pagmamahal na iyan kaya ako aatras? Paniguradomg katakot-takot na sermon lamang ang aabutin ko kung sakali.

Napabuntong hininga siya.

"Iha, sa totoo lang ha? Hindi ka naman agad makakapag-aral dito kung lilipad ka na kaagad papunta rito ngayong January. Kasi syempre matagal nang nagsimula ang school year so you have to wait pa for the next school year bago kita ma-enroll dito." napapabuntong hiningang aniya.

"Eh kaya lang naman natin ginagawan ng paraan na mas mapaaga ang pagpunta mo dito is para makapag-trabaho ka muna sana while waiting for the next school year. Kasi diba iyon naman ang gusto mo? Na makapag-trabaho ka while studying? Balak ko sana ihahanap muna kita ng mapapasukang trabaho dito for months habang hindi pa pasukan para kahit papaano may maitabi ka para sa sarili mo or kung gusto mo, maipadala mo sa mama mo dyan."

Napayuko ako. Nanghihinayang sa masisira kong plano.

"Pero sige kung hindi ka pa ready na umalis. Okey lang naman iyon. Pumunta ka nalang dito kapag malapit na ang pasukan ulit. Ihahanap nalang kita dito ng pwede mong maging part time habang nag-aaral ka. Okey?" nakangiting aniya.

OFS 1: Behind Those Smiles (My Untold Story)Where stories live. Discover now