''Mamay, I want to see my real father...'' sabi na naman ni Hazel.
Kagabi pa niya bukang bibig ang kanyang totoong ama. Buti kagabi ay bumalik ang Doctor kaya naputol ang pag-uusap na ayaw ko mangyari. I don't want them to know their real father. Sapat na si Lauro sa mga anak ko.
Bagong kain lang kami ng almusal at binabalatan ko na ng prutas si Hazel, si Issa naman ay pinaalagaan ko naman muna kay Raney.
''Mamay...''
Napabuntong hininga ako at tumigil sa pagbabalat ng prutas. Tumingin ako sa anak ko. Tears form in her eyes. Nanikip ang puso ko.
Gustong-gusto niya talagang makilala ang totoo niyang ama. Hindi na ba kami sapat para sa kanya? Galit ba siya sa akin kasi naging pabaya akong Ina?
''Anak... Nandiyan naman si Papay ni'yo diba?'' tanong ko sa kanya. I want to convince her. Hindi makakabuti nila kung nandito ang kanilang totoong ama. Natatakot ako na baka saktan nito ang mga anak ko.
Umiling si Hazel na ngayon ay umiiyak na. ''Mamay naman eh, I want to see my real father, I want to meet him before it's too late'' she shows some tantrums.
Mabilis kong binitawan ang kutsilyo at prustas. I cupped her face. Marahas akong umiling ''Hindi too late anak, gagaling ka'' paninigurado ko sa kanya. Nang-iinit na naman ang sulok ng mata ko.
Gagaling ang anak ko.
Her eyes were full of sadness. ''Paano kung hindi, Mamay?'' malungkot niyang sabi. I bit my lips to stop myself from crying. Napayuko ako.
Ayaw kong makita ako ng anak ko na nanghihina.
''Mamay... Let me meet my real father, let Issa know about our father, Mamay...''
Wala akong nagawa kung hindi ang umuwi. Bumisita kasi si Gela kay Hazel kaya nag desisyon muna akong umuwi para makaligo at makakuha ng damit.
Pinag-iisipan ko ang gusto ni Hazel. Handa na ba ako? Handa na ba akong harapin ang taong pinagtaguan ko ng ilang taon dahil sa sakit at takot na idinulot nito?
I collected myself. Buo na ang desisyon ko. Anak ko muna bago ang sarili ko. Kasama ko ngayon si Lauro sa sasakyan. Pareho kaming papauwi at hindi ko alam kung paano sasabihin sa kanya.
I need to tell him.
''Lauro...'' panimula ko. Sagad na sagad na talaga sa buto ang kaba ko.
''Hmm?'' Nagdadrive parin siya.
''Hazel already knew about her father'' mahina kong sabi. Natigilan si Lauro kaya sinagad ko na. ''She wants to meet him'' mangiyak-ngiyak kong sabi.
Namayani ang sandaling katahimikan sa amin bago niya basagin. He reached my hand and hold it tightly. Napatingin ako sa kanya. Nasa kalsada parin ang kanyang mga mata. Pain is visible in his eyes. Alam kong ito ang mararamdaman niya. He spends his whole life taking care of us. Napaka laki ng utang na loob ko sa kanya.
''Let them meet their father, Gianna. It's their rights'' sabi pa niya sa akin pero halata sa kanyang pananalita na kahit siya ay natatakot at ayaw. I know he's just doing this in favor of Hazel.
''Natatakot ako, Lauro'' It was almost a whisper.
Matagal ng nabuo ang takot ko sa ama nila Hazel at sa totoo lang ay gustong-gusto ko ng takasan ang takot na iyon pero sa tuwing napag-uusapan namin siya ni Raney, sa tuwing maaalala ko siya ay bumabalik lahat ng takot na parang kahapon lang ito nangyari.
His hold tightened more. Giving me a safety assurance ''Don't be scared. I am now your husband, we are already married for five years now. Hindi ko hahayaang masaktan ka niya. Not in my watch.'' he said and I felt safe.
BINABASA MO ANG
Sixto Axel Velasquez
Non-FictionTrigger Warning: Mental Abuse/Unethical/Infidelity/ Affair. Not for everyone!! The whole story revolves around cheating so please don't read this for your own sake if you are sensitive to stories that are all about cheating.