Chapter 22

85 27 0
                                    

Rumors

Lumipas ang mga araw, linggo, at buwan na palagi ko syang kasama. I couldn't ask for more every time we're together. Like, everything is just more than enough.

And since we started dating, my relationship with Mom gone better. Ayaw nyang binabanggit ko palagi si Shan sa usapan pero sigurado akong ayos na sila.

Shan has a talent in business so they both clicked. Kahit pa masyadong formal sila mag usap palagi, still.. ayos na sila. Shan had been my Mom's ally for about three months now.

"What time will you go to school?" si Mommy.

Maaga kaming kumain ngayon dahil maaga ang pasok ko. It's my first day in college class at masyado akong kinakabahan.

Tinignan ko si Mommy habang kumakain. Beside her is Harbert na ngayon ay nananatiling tahimik. I'm used to him being silent as always ever since Mom came back to him.

"Pagkatapos pong kumain," sagot ko.

"Okay, I'll tell Rodel to drive for you,"

Sumimangot ako. Ilang linggo na kaming hindi nagkikita ni Shan. Though, I wanted to understand that he really is busy. Nauna ang pasukan nila sa'min at tumutulong pa sya sa business ni Mommy kaya minsan nalang kaming mag kita. We only communicate through phone.

"And, he'll pick you up too," Mom said strictly.

"Please don't give Shan so much work.." I pouted.

Mula kasi nang makausap nya si Shan at nang sabihin nitong nag aral din sya ng business ay napakarami na nyang pinapagawa sa kanya. We barely see each other because of that. So I'm becoming more and more clingy everytime he's around.

Mom looked at me seriously. She raised her eyebrows then she spoke.

"Don't be so clingy Addison. Ayaw ng mga lalaki ng ganyan," masungit na aniya. Napayuko ako.

"Gusto nya po," I reasoned out. Nakasimangot.

Nilakihan ako ng mata ni Mommy. Tila hindi makapaniwala sa mga sinasabi ko. Wala na akong magawa kung hindi manahimik nalang.

"He's just showing you that he likes you being clingy pero ayaw non ng ganon. Let him work and stop texting him too much,"

My eyes drifted on Harbert when he nodded slowly. Tumingin sya sa akin bago ngumiti.

"Para sa kanya din naman ang pag tatrabaho nya, Addy. 'Tsaka ayaw mo non? Our business will grow and you can buy anything you want when that happens." singit nya sa usapan.

I only nod. Not that his opinion is not counted pero hanggang ngayon ay may kakaiba padin akong nararamdaman sa kanya. But I never disrespected him. Pinapakinggan ko ang mga sinasabi nya dahil minsan ay tama naman talaga 'yon.

I went in on our car then I heard my phone beeped. Galing iyon sa mga fans, ang iba'y sa dalawa kong kaibigan at ang isa ay kay Shan. Ayon lang ang binuksan ko.

Shan:

I'll try to pick you up later. Kapag maaga kong natapos lahat ng pinapagawa ni ma'am Ayana.

Napanguso ako. Ilang araw nya ng sinabing susubukan nyang sunduin ako pero hindi sya dumadating.

Ako:

I'm fine, good luck to your studies. Tapusin mo ng maaga yung pinapagawa ni Mommy para makapag pahinga ka : ))

He didn't reply after. Sanay na akong ganon. There's a time that we only communicate every night because he don't have so much time. But I understand him anyway, kaya ayos lang. Ngayong linggo lang naman sya ganon.

Conscience Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon