Chapter Six

193 5 0
                                    

CHAPTER SIX

Nagising ako bigla nang may marinig akong umiiyak sa aking tabi. Umupo ako sa higaang aking kinahihigaan at tinignan kung sino ang umiiyak sa aking tabi.

Nakita ko si Renzo na umiiyak. Huh? Bakit siya umiiyak?

"Renzo, are you crying?"

Agad naman niyang pinunasan ang kanyang mga luhang dahan-dahang umaagos sa kanyang pisngi.

"Hindi, napuwing lang ako," tugon niya sa akin.

"Napuwing?"

O baka ginagamit niya lang sa akin ang pambansang palusot kapag umiiyak? Ano bang problema?

"Oo, napuwing lang ako. So, let's go?" Saka niya inilahad ang kanyang kamay.

"Where?"

Nagsmile siya bago nagsalita "Sa baba, let's eat dinner"

"Dinner. WHAT?"

"Dinner, as in hapunan." Sabi niya sabay ngisi.

"Nagjojoke ka Renzo? Hindi nakakatuwa," saka ako bumaba sa kama.

"Hindi ako nagjojoke. Sa tingin mo nagjojoke ako?"

Kung hindi siya nagbibiro, ibig sabihin pala ay kagabi pa ako hindi umuuwi. Patay ako kay tatay nito.

Napakamot ako ng ulo at napasinghap, "Patay ako kina Papa nito Renzo, 'di pa ako umuuwi"

Inakbayan niya ako,"Huwag kang mag-alala, pinaalam na kita. Sabi pa nga nila kahit dito ka muna mag-stay"

"Kinausap mo sila Papa?"

"Oo, sabi ko boyfriend mo ako at ang sabi pa nga nila sa akin ay nagdadalaga ka na daw," saka pa siya tumawa.

Bakit ba ang mga magulang ko gustong-gusto ako magkaboyfriend? Samantalang 'yung ibang mga magulang ayaw nila na magkaboyfriend 'yung mga anak nila. Tapos mga magulang ko, gustong gusto lang?

Iniba ko nalang ang usapan namin dahil baka kung ano lang ang mga malaman ko na sinabi nila Papa. Ayaw ko muna malaman.

"Kain na tayo?" Yaya ko sa kanya.

"Mamaya na, pag-usapan muna natin 'yung mga sinabi nang mga parents mo sa akin." 

"Masakit na tiyan ko, 'di pa ako nagbrebreakfast at lunch. Kain na tayo."

"Mamaya na, aysus! Pag-usapan muna natin 'yun." Pagpupumilit niya.

"Gutom na nga po kasi ako," saka ko hinila-hila ang kanyang shirt.

"Huwag na"

"Iiyak ako," saka ako sumimangot.

'Di ko bagay sumimangot, mukha akong batang mukhang sira-ulo na nanghihingi ng lollipop at nagmamakaawa.

"Edi umiyak ka!" Saad niya.

"Talaga mo?"

Aba't hinahamon niya ako ha. Nagkamali siya nang hinamon. Hamunin daw ba ang naging best actress sa play n'ung high school?

"Go!" At tumawa pa siya na ang saya saya.

Yumuko ako at ibinaon sa aking palad ang aking mukha. Nagsimula akong umarte at maya maya pa ay may mga luha nang tumutulo mula sa aking mukha. Nilakasan ko ang aking pag-iyak kuno upang marinig niya ito at para maawa siya sa akin.

Naramdaman ko ang kanyang kamay na lumapat sa aking balikat at nagsimula siyang magsalita, "Umiiyak ka ba?"

Hindi ko siya sinagot at nagpatuloy lang ako sa aking pag-arte. Best actress yata 'to noh. Mas nilakasan ko pa ang aking iyak upang makonsensiya siya.

She's A Vampire (TO BE PUBLISHED UNDER LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon