Chapter 20

7 7 0
                                    


Chapter 20

Confession





"Will you please slow down Gino?!" sigaw ko nang maramdamang bumibilis ang andar ng kotse.

Binagalan niya ng kaunti ang andar ng kotse pagkatapos ay tumingin sakin.

"I'm sorry..." aniya.

"Si J-Joyce? Hindi mo ba siya kakausapin? You two need to clarify things. Kailangan niyong mag usap na dalawa. Baka naman may hindi lang kayo pagkakaintindihan. Just don't jump into conclusions muna. Bumalik na muna kayo tay doon?" s tuloy tuloy na sabi ko habang nakatingin sa kamay kong parehong nakalapag sa lap ko.

"Gino?..." nilingon ko siya nang hindi siya sumagot.

Bumuntong hininga na lang ako tsaka napatingin sa labas.

"Teka! Saan tayo pupunta? Hindi ito ang daan pauwi sa amin, Gino"

Nagpalinga linga na ako dahil pinapamilyar kung nasaan na ba talaga kami. Bakit parang alam ko ang tinatahak namin? Di ko lang matandaan kung kailan 'yon. O ano.

"Can I have your little time please? Please?" pakiusap niya.

Pinagdikit ko ang labi ko. Nang lumingon siya sakin ay marahan akong tumango. "Okay..." mahinang bulong ko.

Huminto kami sa mataas na bahagi ng kalsada. Hindi ko alam kung anong lugar 'to pero wala nang halos na mga sasakyan na dumadaan. Pinagbuksan ako ng pintuan ni Gino at nilahad nang kamay niya para makababa ako ng maayos.

Mabilis kong niyakap ang sarili ko nang umihip ang lamig ng hangin sa katawan ko.

I felt a warm cloth wrapping my shoulder and back. It was a black coat.

"Thank you..." mahinang bulong ko.

Ngumiti lang siya at bahagyang tumango sakin. Lumapit siya sa pinagilid ng kalsada tsaka doon naupo. Sumunod ako sa kanya at umupo sa tabi niya.

"Ang ganda ng stars no?" basag ko sa katahimikan.

Naramdaman ko bigla na parang may nakatingin sakin kaya napalingon ako bigla sa katabi. And my guts is right. Gino's looking at me.

"Yeah, and the city lights too." aniya.

Tumango ako at nilingon ang harapan kung saan nakikita namin ang halos buong kamaynilaan.

Hindi na niya dinugtungan ang sinabi niya kaya nagsalita ulit ako.

"P-Paano kayo ni Joyce?"

Mahabang katahimikan muli ang namayani bago ko narinig ang mahina niyang pagsinghap.

"Maybe I'll do the right thing..."

"What do you mean right thing?" I said as I look at him.

He didn't look back but I keep on eyeing him under the moonlight.

"The right thing. Have a closure to our break up, surrender her to the man that I'll know who can loves her the same way she loves him."

"Bakit? H-Hindi mo na ba mahal si Joyce?" wala sa sariling tanong ko.

Tumingin siya sakin pagkatapos ay bahagyang ngumiti.

"I don't know? There's something in me that I'm glad for what happen earlier. Mas naliwanagan ako sa dapat kong gawin ngayon."

Tumango tango ako at pinilit intindihin ang mga sinasabi ni Gino.

"Paano ka?" I asked out of nowhere.

"Back to my single life? And... Uhm..." nagbaba siya ng tingin pagkatapos ay parang hindi mapakali sa puwesto niya. Ganoon na lang ang panlalaki ng  mga mata ko nang hinawakan niya pareho ang magkabila kong kamay.

"B-Bakit?" I asked, still nervous kung anong ginagawa niya.

Ramdam ko ang panlalamig ng kamay ko dahil sa hawak niya. Hinaplos haplos niya ang likod ng palad ko gamit ang daliri niya at bahagyang pinisil iyon.

"C-Can I... Uhm... C-Can I have a chance with you?"

Bahagyang umawang ang labi ko sa sinabi niya pero agad ring nakabawi. Nang tignan niya ko ay marahan akong umiling.

"S-Sorry... I don't want to look a rebound..." sabi ko na may katotohanan tsaka binawi ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya.

Umawang ang labi niya nang binawi ko ang kamay ko. Marahas siyang umiling iling pagkatapos.

"N-No, hindi ganon yon Krys. Your not a rebound. I-If you want... I'll wait. No, gustuhin mo man o hindi, hihintayin pa rin kita. I'll wait until you realize that your not just a rebound for me. Isa pa... Y-You said that we have a relationship while we're still s-souls--"

Pagak akong napatawa na nagpatigil sa kanya. "Now thats makes worse. You want me to give you a chance to prove to you that we have a thing? Seriously Gino? Ganyan ba ang tingin mo sakin?"

Tumayo ako at pinahid ang luhang di ko namalayan na naglandas na pala sa pisngi ko. Babalik na sana ako sa kotse nang bigla akong natigilan sa sinabi niya.

"I like you..."

I turned around to face him.

"Gusto mo lang ako dahil wala na kayo ni Joyce!"

Ilang sigundo lang ay nakalapit na siya agad sa harapan ko.

"No! Hindi 'yon. I realky like you Krys. Please, sinundo kita di ba? I plan to confess to you at our dinner kaso hindi ko tinuloy dahil kami pa ni Joyce. Ayokong isipin mo ang iniisip mo ngayon. Nakapag usap na kami dati ni Joyce, nakumpirma ko na nga lang ngayon. Please? Give me chance, please? Maghihintay ako."

Hindi ko siya sinagot sa halip ay sumakay na sa kotse. Pinagmasdan ko siya mula sa loob, tinignan niya ang pintuang pinasukan ko at parang tinitignan ako doon. Tinted ang sasakyan kaya sigurado akong hindi niya rin ako makikita. I saw him let out a deep sight before turning around to the driver's seat.

"I'm sorry..." biglang sabi niya. "Nabigla yata kita."

Hindi pa niya pinapaandar ang sasakyan pero nakahawak lang siya sa steering wheel.

"Ayoko lang..." I let out a deep sight. "Mahirap ipaliwanag."

"I know... Gaya ng sabi ko, maghihintay ako."

Nakatingin ako sa bintana habang pinapaandar ni Gino ang kotse. Binabaybay namin ang madilim at tahimik na kalsada pauwi.

Napabalikwas ako ng bangon at napatingin sa katabi ko nang bigla kong maramdaman ang palad niya sa kamay ko. He glanced at me and smiled. I let out a simple smile tsaka ko pinisil ang kamay niya.

Napapikit ako bigla ng may maliwanag na ilaw ang tumama sa mata ko. And everything went black.

"K-Krystal... K-Krystal..."

Pinilit kong idilat ang mga mata ko kahit na sobra sobra ang nararamdaman kong bigat ng katawan ko.

Then I saw Gino, sa nanlalabong mata ko ay nakita kong puno ng dugo ang buong mukha niya. Sinubukan kong bumangon pero hindi ko magawa. Ni igalaw ang ulo ko ay hindi ko magawa.

"S-Sorry..." sabi niya, ramdam na ramdam ko ang sakit sa boses niya. "I-I l-lied... S-Sorry... I-I... L-Love... Y-Y-You..." hirap na hirap niyang sabi.

"A-Ano—" hindi ko na natuloy ang gusto kong sabihin nang maramdaman ko ang pagbigat ng mga mata ko.

Guide my Soul (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon