My Alien Move

38 3 0
  • Dedicated kay 张艺兴
                                    


Naku, ansaya na ni Jin kapiling yung mahal niya. Ang galing naman kasi ni Jin sa mga surprise na yan , eh ano bang alam ng isang hamak na gwapong tulad ko? Eh, sarili ko yung na susurprise dahil sa mga pinag gagawa ko.

Ako kaya kelan ako magiging masaya sa piling niya?

sabi ni V sa sarili nya habang nagde-daydream papuntang school


*BEEEEEEEEEEEEEP*

" Ay anak ng alien... " gulat na sabi ni ko

" Hahahaha , si Kim Taehyung wala ng iba " sabi ni Jungkook na nakangisi

" Suntukan gusto mo? " paghahamon ko sa kanya

" Easy, ang aga-aga. Badtrip tayo ah "   ani nya sabay taas ng kamay nya na nagpapahiwatig na surrender na

" Hindi ka ba na iingit kay Jin? Stable na yata yung lovelife niya.. Tapos yung akin parang anlabo " bigla kong tanong

"Ipagtapat mo na kasi."

" Ang hirap kaya, Haynakuuu , diyan ka na nga .. Ma le-late na ko. Ge! Una na ko sayo " sabi ko sabay takbo

" Hahahah, mas ma uuna ako sayo " sabi ni Jungkook sabay pinatakbo ang dalang sasakyan

" Hindi man lang ako inaya ... " sabay sipa sa mga maliliit ng bato

( SCHOOL )

Physics time = Nga nga time.
Malapit na mag uwian, pero nakakatamad!

Typical day lang. Kain bubog, buga apoy, tulay alambre.. HAHAHA! djoke~ XD

Andito na si Ms. Yoon, ang Physics teacher namin.

Yes! you heard it right. PHYSICS~!
Aaaah.. Kalimutan na.

I'm a fourth year college student. Ewan bakit may physics pa kaming subject, hindi naman namin yan makakain. Itanong niyo na lang sa abnormal na CEO ng school na to.

Boring na naman

Minsan nga naiisip ko, yung lintek na free fall at acceleration ba magagagamit mo sa pagbili ng kimchi kay Mr. Kim?

Kim? Hahaha. Tatay ko ba yun ?

Shet lang ah!

" Mr. Kim, kindly write this on the board. Get your lecture notebook people. Let's not do an activity for now. Remember to shut your mouth while copying. You hear me?" Sigaw ni Ms. Yoon

Nagdiwang ang mga kaklase sa kaalamang di kami mag aactivity ngayon.

Pero kase wala ako sa mood magsulat!

Nakanamboogie! Shet tologo deouigopa neoui oppa... Pag secretary eh. Magkaka an-an na ko sa kakahawak ng yeso

(Naks yeso! Yeso, tagalog ng chalk. Sabaw! HAHAHA)

So eto na nga, tumayo na ko, nakakahiya naman diba sa teacher na 'to (na sarap bangasan. XD) nasa unahan na ko ng may kumalabit saken..

wala ko sa mood tan--

"V, peram naman ng pen oh? nawala kasi yung saken eh."

SHET!!

kahit panulat pa ni Rizal ang kailangan mo, ibibigay ko sayo.

SHET!

SHET!

SHET!

SHET! Ambading kong mag salita. Yaan niyo na ..

Nanghihiram siya ng ballpen. ano ibibigay ko? Gelpen? HBW? Faber Castle? Panda? Dong-a? Donghae ? Ay sabaw, artista yun. Anong klaseng ballpen ginagamit ng mga prinsesa?? Nak ng! Basta ay kumuha na ko tapos nanginginig na binigay sa kanya..

" Layza~!! ah .. eh.. eto oh.."

Mula sa pagkakatalikod niya, humarap siya sa hawak ko tas ngumiti saken..

Tumigil ang Earth. Nagpalakpakan ang mga aliens~!!

Pramissss!

Nararamdaman kong huminto ang Earth, oras, tumigil lahat!

Pamatay talaga ngiti neto. Makalaglag liver! Pati stomach at lungs.

"Mr. Kim! MR. KIIIIIIIIIIIIIIIIIIIMMMMMM!!!!!"

What the heck?!!!!

Tumingin ako dun sa tumawag sa akin. Ay oo nga pala! shungabels!

Tumatawa na yung mga taong alien na nasa likuran ko. Sana lamunin ako ng lupa!

Ano ba!

Parang nadelay lang ng punta kay ms. tumawa na agad?!!

Napakababaw ng mga kaligayahan! Langya !

Teka yun nga lang ba yung dahilan? tumingin ako sa likuran ko, baka kasi may na upuan akong bubblegum?

Pinunasan ko yung mukha ko gamit ng isang kamay ko kasi baka may tuyong laway, yung isang kamay ko kasi may hawak na pencil.

Teka sheeeeeeeeeeeeeeeeeeeet!!!!!

Sinabi ko bang pencil?!!!!

Anak ng alieng nahulog sa black hole ~!!!

Kaya pala.......

Pano kase..

ballpen hinihiram! Pencil binigay ko, aish tangabels ka V!!

Teka. ano ba uunahin ko? Magsulat sa board o lovelife ko. shet. lande.

Kinuha ko na lang sa bulsa ko yung pen ko na may chibi na alien at color green pa. nakakahiya, baka magmukhang alien tong si Layza katulad ko.

Ang gandang alien naman nito pag nagkataon.

Ah bahala na!

" Layz.. eto muna. Anlayo ng seat ko eh. May tinta naman yan, pagtiisan mo muna. Baka kasi kulamin ako nun eh.. " sabay nguso sa direksyon ni Ms. Yoon.

"HAHA! ..

Her chuckle makes my heart jump.

... okay lang sige salamat ha? punta ka na baka pagalitan ka pa." ani Layza tapos ngumiti siya ulit.

Nyemas! ngumiti siya! NGUMITI SIYA! NGUMITI SI LAYZA IM ! NGUMITI ANG BUHAY KO!

Okay.. over reacting na! Basta ngumiti siya! hihihihihi.. natatawa ako hihihihih .. Ambadiiing ko... hihihihihi

"Mr. Kim! My time is not for flirting time. Kung ayaw mo magsulat, better tell me now and you may leave my class."

Yan ang kamandag ni Ms. Diane Yoon.

o diba??????

Inabutan lang ng ballpen si Layza, flirt agad?!!

"No ma'am.. as a matter of fact. Layza borrowed my pen that's why I didn't reply that quick. I'm sorry. May I know the topic that I'll be writing?"

tameme mga kaklase ko sa barok kong ingles!

HAHAHAHA! eh ano ka ngayon Diane? ngumanga ka?! sarap pasakan ng puto eh.

"well.. I don't mind. write these.. up to this." Ms. Yoon

========================================================================

Hahaha, wala akong ma isip na kadugtong. Ge, next update na lang..

VOTE.COMMENT

May Alien sa BlackboardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon