"Babalik naman ako..." masuyong saad ni Dash. Nakasimangot ako sa harap nya ngayon. Mawawala kasi sya ng one month inutusan sya ni Lolo na pumunta ng Amsterdam para icheck ang business nila roon.
"Pagbalik ko mag paplano na tayo sa kasal..." he gently held my face, napangiti naman ako nang masuyo nya akong halikan sa noo.
"Mama san pupunta si Dada?" Napatingin kami sa nagsalita sa may hagdan. And there, si Zari na kagigising lang yakap yakap pa ang hawak na teddy bear.
"Come here." Ani ni Dash. Inunat nya ang braso sa likuran ng couch kaya naman doon na ako sumandal at mas sumiksik pa kay Dash. Nakasimangot naman na pumunta samin si Zari.
"Are you going to leave us, dada?" Tanong ni Zari nang kinandong na sya ni Dash.
"No, kailangan lang si Dada doon babalik naman ako. Bantay mo si mama okay?"
"But how long po? I'll miss you po, who's gonna be my kaaway na po?" Natawa naman ako sa sinabi nga anak ko, umaktong nagiisip si Dash at kumunot ang noo ko nang hinawakan nya ang tyan ko.
"Wala muna away baby, when I came back. Mama and I will make a baby. You want that?" Agad ko namang pinalo ang kamay nya.
"Dash naman!" Aba natawa pa ang lolo nyo! Inirapan ko lang sya.
"Opo, dada! But I want it girl po, so I could play with her!" Natutuwang sagot ng anak ko. Kita mo nga naman ang kalokohan ng isang to hay nako.
"Just kidding, kelangan kasal muna kami ni mama." Pero inirapan ko lang sya, inakbayan ulit nya ako at hinalikan sa pisngi. Hobby nya na talaga na halikan ako.
Bukas na ang alis nya, kaya naman sinusulit namin ngayong araw na kasama sya. Mamimiss ko sya eh, malaki ang tiwala sakin ni Dash na sa pagbalik nya sya parin ang mahal ko. Well, hindi naman magbabago yon.
Naniniwala ako sa sarili ko na si Dash na talaga ang pipiliin ko.
"Tita Lani!" I was busy cooking in the kitchen, nasa sala sila Dash at nag lalaro. Nang masigurado kong okay naman na ang niluluto ko ay pinatay ko na ang stove. Nandiyan na pala si Lani.
"Did you eat na po ba, tita Lani?" Nakita kong tumayo ang anak ko sa pag kakaupo para salubungin si Lani na naka uniform pa.
Samantalang si Dash ay nakakunot na naman ang noo habang napipilitan na mag laro ng barbie. Kawawang Dash.
"Yes baby, ikaw po ba?" Lumuhod si Lani at hinalikan sa pisngi si Zari.
"Not yet, mama's still cooking po. But can you join us please?" Natawa naman si Lani at tumango. Tumayo si Lani, nginitian ko naman sya nang mag tama na ang mga mata namin.
"Tara kain na." Aya ko sakanya.
"Sige ate, magbibihis lang po ako." Tumango naman ako sakanya.
"Mama, you done cooking po?" Nakalapit na sakin si Zari.
"Yes baby, tawag mo na si dada so we can eat na." Nakangiting tumango naman sya at pinuntahan si Dash.
"Dada lets eat na daw po!" Tumingin si Dash kay Zari tapos sakin, malawak naman ang ngiti ko sakanya pero dahil masungit ang lolo nyo ay sinamaan lang ako ng tingin.
"Thank God." Natawa naman ako. Nauna na akong pumunta sa kusina para ihanda na ang pagkakainan namin.
"Mama ambango po!" I heard Zari, kasama nya na si Dash.
Tapos ay kanya kanya na kaming upo para makakain na, bumaba naman si Lani na nakapambahay na. Maya maya ay may trabaho sya sa mansyon ng Santibañez, under ni Alon na anak ni Señor Santi. Grabe ang babae na yon, sobrang attitude at bitch.

BINABASA MO ANG
The Unchained Melody (Moonstone Series: 1)
RomanceLaraya Yslavien Villareal is an only daughter and living in her own fancy life. She's just a simple girl even though her family's own a lot of hotel and restaurants, she is also fond of kdramas and studies. She loves star gazing too, she would sneak...