Chapter Seven

175 5 0
                                    

CHAPTER SEVEN

VINA

"SAAN ba tayo pupunta Renzo?" Tanong ko kay Renzo habang hila-hila niya ako papunta sa Department Store ng mall na aming pinasukan.

Hindi niya ako pinansin bagkus ay hinila hila pa din niya ako. Ano ba talaga ang gagawin namin dito?

Hindi ko na namalayan at napunta na pala kami sa Ladies Section ng Department Store.  Napansin ko din na pumipili si Renzo nang mga cocktail dresses at isa isa niya iyong nilalagay sa basket na kulay pula.

Nilapitan ko siya at tinanong muli, "Anong gagawin mo diyan sa mga cocktail dresses? Isusuot mo ba 'yan Renzo?" At muli ay hindi na naman niya ako pinansin.

Ano bang nangyari sa lalakeng ito at hindi man lamang ako kausapin? Atsaka, bakit andami niyang kinukuhang cocktail dresses? Ang weird lang niyang tignan. Mukhang isusuot ng mokong ang mga ito. Tss.

Nilabas ko ang aking Smartphone at naglaro na lamang ng Flappy Bird upang hindi ako mabagot sa ginagawa ni Renzo. Sayang din naman ang oras, dapat kong malagpasan ang high score ko sa larong ito.

Malalagpasan ko na dapat ang aking high score. Isang puntos na lamang sana at magiging panibago na ang high score nang bigla akong tinawag ni Renzo.

May pagkadismaya sa aking mukha nang lumapit ako sa kanya. Nakakainis naman kasi eh, dapat bago na ang high score ng Flappy Bird kung hindi lang ako tinawag nang aking gwapong boyfriend. Pero okay lang 'yun.

Inabot niya sa akin 'yung basket na pinuno niya nang mga accessories at cocktail dresses bago siya nagsalita.

"Here, choose a beautiful outfit NOW!" Saad niya sa akin na diniinan pa ang salitang NOW.

"For what Renzo?"

"Just find a dress that will fit you, now!" Saka niya ako nginitian ng matamis kahit hindi ko natitikman.

"Fit me?"

"Definitely YES! Go now to the fitting room . Be quick in fitting 'kay?" saka niya ako pinagtulukan sa loob ng fitting room. Ano ba kasing meron?

Andito na ako sa loob ng fitting room na litong lito ang isip kung anong dress ba ang aking isusuot. Shupatembang naman kasi oo. Saan ba kasi kami pupunta? Buti sana kung sa date.

Kumuha ako ng dress mula sa basket at sinuot iyon. Umikot-ikot pa ako sa salamin na nasa aking harapan ngayon.

"Mukhang hindi bagay ito sa akin. Panglola ang style. Hay!"

Nakailang palit pa ako bago ko talaga napag-isipan ang aking susuotin.

"Perfect," bulong ko sa aking sarili.

Ang suot ko ngayon na dress ay kulay itim. Para siyang tube pero mahaba naman ang palda nito.

She's A Vampire (TO BE PUBLISHED UNDER LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon