"Nais Makalimot sa Pag-ibig na masalimuot"
Lumipas ang mga araw, buwan at taon,
Ngunit hindi pa rin lumilipas ang nararamdaman kong nakabaon
Pinipilit kong makaalis sa mga alaalang nakalipas,
Ngunit bilanggo pa rin ng pag-ibig mong tuluyan nang kumupasNais kong makalimot,
Sa pag-ibig mong masalimuot
Gusto kong bumitaw,
Sa pagsinta mong dating nangingibabawNgunit mahirap talikuran ang bakas ng iyong alaala
Napakahirap din ibalik ng pagsinta mong unti unting nawalaMga salitang nagdulot ng kasiyahan sa aking pakiramdam,
Humantong sa mapait na salitang paalam
Pakiusap, umalis ka sa aking isipan,
Dahil puso ko'y unti unti nang nahihirapanTanging hiling, pagmamahal ko sayo'y kusang maglaho,
Dahil damdamin ko'y unti unti na ring gumuguho.
Pagmamahal mo'y sadyang masalimuot,
Ngunit puso ko'y ayaw makalimot.
BINABASA MO ANG
Poetries Compilation
PoesíaTo those who feel love, having darkest moments, who wants to chase their dreams, seeking an inspiration and looking for hopes, this is all dedicated to you, sweetie. Language: English and Tagalog