Chapter 47

30.5K 1K 80
                                    

Damien studied the ultrasound image of their child. He had no idea that a Mafia boss became emotional when he saw his son's picture, despite the fact that he is as small as a jelly bean.

Kakakuha niya palang sa larawang ito sa opisina ng asawa ni Karlos habang ang huli ay nagbabantay sa kanyang asawa. Sa tuwing lalabas si Damien upang may asikasuhin ay hindi nila iniiwanang mag-isa si Alyssa kahit pa may sarili itong private nurse.

Isang oras nalang ang natitira sa dalawampu't-apat na oras na palugit ni Karlos at ang asawa niya upang hindi ideklarang comatose si Alyssa. Damien was asking for a miracle even though he's a sinner.

Sana lang ay magising ito upang masabihan sa napakagandang balitang dumating sa kanila. He hasn't stopped talking to his wife in the last few hours. He wanted her to open her eyes, so he's doing his best, even if it's not enough.

Bumuntonghininga si Damien at mahigpit na hinawakan ang larawang nasa kamay niya.He requested this to ensure the health of both his baby and his wife. 'I promise you, kiddo, I will not let anyone hurt you or your Mama again.' He thought to himself.

Itinago niya pang mabuti sa bulsa ang larawang nakuha niya. His son and his wife are his treasures now. Mga kayamanang hindi niya kahit kailan ipapamigay sa iba. Mga kayamanang poprotektahan niya kahit na sa kanyang huling hininga.

'Hold tight to your mother's womb, my child, and I'll do the rest to protect you both.' Anas pa ni Damien sa sarili bago nagsimulang bumalik sa silid ng kanyang asawa. He ran into someone as he was about to turn right.

He was about to yell at the person for being careless when he realized who it was. Nagkatinginan silang dalawa at nagkatanguan. "What exactly are you doing here, Adam?" He asked casually, his hand in his pocket.

Inayos ng matanda ang kanyang baston at tinignan si Damien. "I'm taking my monthly check-up Damien, you know I'm getting old." Pagbibiro pa nito na siyang ikinatango lang ni Damien.

Kilalang-kilala niya ang matanda dahil ito ang nag-iisang kamag-anak na natitira ni Charmaine. He is her Uncle. "How about you, how are you?" The old man asked. Alam nito ang nangyari noon kaya naman labis itong nalungkot sa sinapit ng mga ito.

"Actually, I'm fine; I'm here with my wife. She is confined due to her health." Hindi na sinabi ni Damien ang buong kuwento ayaw niyang makisali pa ang iba sa buhay niya gayong matagal ng tapos ang sa kanila ni Charmaine noon.

He also accepted that what happened was not his fault, and he has already moved on because of his lovely wife, whom he adores. "Do you have a wife?" Gulat pang tanong ng matanda. "I met her four months ago and we got married." He responded casually.

Habang kaharap niya ang matanda, alam niyang tanging simpatya nalang ang nararamdaman niya sa nag-iisang kapamilya ni Charmaine. Tumango-tango pa ang matanda at ngumisi sa kanya. Tinapik siya nito.

"Mabuti naman kung ganoon, atleast makakamove-on kana sa buhay mo at hindi ka mababaon sa alaala ng aking pamangkin," sabi pa nito na tumango-tango pa ito habang mahigpit na hinawakan ang baston.

Hindi nagsalita si Damien dahil alam niyang hindi naman talaga iyon ang nais ng matanda para sa kanya. Alam niyang may galit sa kanya ang matanda dahil sa nangyari kay Charmaine noon kahit pa hindi nito sabihin noon ay alam ng lalaki na sinisi din siya nito sa pagkawala ng pamangkin nito.

Tumikhim ang matanda para kunin ang atensyon ni Damien. "Aalis na ako baka mahuli pa ako sa check-up," anito kay Damien na naglakad na papaalis nang hindi na siya nililingon. The old man walked away while grinning.

Habang si Damien ay tinignan lang ang papaalis na matanda. Damien didn't saw the old man grins. Masyadong okyupado ang isipan ni Damien sa kanyang anak at asawa. He shrugged and walked back into his wife's room.

Ruthless Men Series 4:Damien's RetributionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon