Poetry: 7

23 2 1
                                    

"Sana Malaman Mo"


May nais akong sabihin sa'yo
Pero hindi ko alam kung paano.

Ilang pahina na ng papel ang nalukot
Ilang tinta na rin ang tuluyan nang naubos,
Pero heto pa rin ako, wala pa ring natatapos

Ilang liriko ng musika ang kailangan pang kabisaduhin?
At ilang awit pa ang kailangang isatinig upang ipahayag sa'yo ang tinatagong damdamin?

Ilang letra at salita na ba ang aking naisulat?
At ilang tula na ba ang aking naipon?
Pero heto pa rin ako, duwag at tikom ang bibig kong magsiwalat ng damdamin kong nakabaon.

Heto ako, minamasdan ka ng palihim,
Kahit na sa kanya ka nakatingin.
Heto ako na laging nasa tabi mo,
Pero hindi mo pa rin pansin.
Heto ako na lagi kang pinapasaya,
Pero atensyon mo'y sa kanya pa rin
At heto ako na minamahal ka,
pero 'di mo kayang mahalin.

Maraming beses nang sinubukang umamin
Maraming beses na ring iniwasan kang isipin
Pero napakahirap mo pa ring alisin sa damdamin

Ilang segundo at minuto pa ba ang kailangang pumatak?
Ilang araw at buwan pa ba ang kailangang bilangin?
At ilang taon pa ba ang kailangang lumipas upang malaman mo na ikaw lamang ang aking mamahalin?

Sinubaybayan kita sa tuwing kasama mo siya,
Sumusulyap sa'yo sa tuwing paningin mo'y nasa kanya
Pero heto pa rin ako, patuloy pa ring nagpapakatanga

Sinasamahan kita sa tuwing wala siya
Pinapasaya kita sa tuwing malungkot ka
Dinadamayan kita sa tuwing sinasaktan ka niya
At sinusuportahan kita sa lahat ng pangarap mo,
Pero heto pa rin ako, hindi mo pa rin pansin ang nagsusumamo kong damdamin.

Gusto kong agawin ka sa kanya.
Gusto kong ako lang ang nasa tabi mo.
Gusto kong ako lang ang dahilan ng mga ngiti mo.
Gusto kong ako lang ang mamahalin mo.
Ngunit paano?
Paano ko 'yon gagawin?
Kung batid kong masaya ka na sa kanyang piling?

Oo, nasasaktan ako.
Nasasaktan akong makita ka sa kanya.
Nasasaktan akong makita kayong magkahawak-kamay.
Nasasaktan akong makita kayong magkayakap,
Pero higit akong nasasaktan sa tuwing nakikita kitang umiiyak ng dahil sa kanya.

Minsan hindi ko maiwasang isipin, na sana ako na lang siya.
"Siya" na mahal mo.
"Siya" na minamahal mo,
At "Siya" na patuloy mong mamahalin.

Pero kahit anong pilit ang gawin ko,
Hindi mo kayang mahalin ang isang tulad ko.
Isang tulad ko na may lihim na pagtingin.
Isang tulad ko na hindi mo kayang pansinin,
At isang tulad ko, na 'di ka kayang abutin.

Siguro, 'eto na ang tamang panahon upang ika'y kalimutan
Dahil puso ko'y unti-unti nang nahihirapan.
Kailangan ko nang tanggapin ang katotohanan
Na kailanman ay hindi mo kayang mahalin ng tuluyan.

Kaya sa aking paglisan, bitbit ko ang iyong mga alaala,
Na saki'y nagpapa-alala, na ika'y minsan aking nakilala.

Pero bago ko ito wakasan,
Isa lang ang tanging hiling ko.
Hiling kong 'sana malaman mo'
Na matagal na kitang minamahal ng hindi mo nalalaman.

Poetries CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon