“X, come here don't pick a fight god damnit!”
“Z, you can’t eat that. That’s a freaking table mattress,”
“Y, son! Where are you!”
Prente lamang akong nakaupo at nakadekwatro. Nakuha ko pang isandal ang likod sa upuang kahoy dito sa balkonahe at saka sumimsim sa tsaang nadukot ko pa mula sa mga regalo nang mga kaibigan ni Papa. Hindi ko alam kung maaawa ba ako o matatawa sa itsura ni Tyler ngayon, hindi kasi siya magkandaugaga sa kasasaway sa tatlo. Well he deserves it. Iyan lang naman ho ang sitwasyon ko everyday. Lintik lang ang walang ganti!
Sinundan ko siya nang tingin matapos niyang tumabi sa ’kin, nanlalatang isinandal ang ulo sa balikat ko.
“Ano kaya pa? Bukas ang gate p’wede ka pa namang mag-back out,” natatawang biro.
Hindi siya umimik ngunit kapagkuwan ay tumango. “Yeah, the gate is open. . .” Mabilis na nagbago ang timpla ko sa ibinulong niya. Hinila niya ang balikat ko para maiharap ako sa kaniya, at hindi ko maitago ang dismaya sa mukha ko. “Would you mind if I take them to the farm tomorrow?”
Kaagad na bumuka ang bibig ko para humagalpak ng tawa. I just doubt him for a second. Habang siya ay tiningnan naman ako ng puno ng pagtataka. “Akala ko ay magba-back out ka na nga talaga.”
Sandali siyang natigilan pero hindi rin nagtagal ay umarko ang bibig niya senyales na nakuha na niya ang pinupunto ko. Kailan pa siya naging ganito ka-slow. “Of course, there's no way—” Bago pa man niya maituloy ang pagrereact niya ay isinubo ko sa bunganga niya ang pandesal na hawak ko.
“How did you manage to take care of them three the past four years?” aniya sa mababang tono matapos nguyain ang isinubo ko. “It’s my fault for not being there to help you,” mababanaag ang lungkot at sinseridad sa boses niya habang sinasabi iyon.
“I wouldn't say that it's fine, pero at least you’re now at umaasa ako na hindi mo sisirain ang pangalawang pagkakataong binigay ko sa ’yo.” Tumango tango siya at hinawakan ang kamay ko.
“And I will never leave you again.” I can see countless of colors in Tyler’s eyes. Nang mapansin niya sigurong pilit akong umiiwas sa mga mata niya ay bigla siyang tumayo.
“I forgot I have to find Y.”
“Hanapin mo nandyan lang yan sa tabi tabi natutulog,” pagbibiro ko trying to appease the mood.
Tumingala ako at pinagmasdan ang sikat ng araw, ibang iba ang kulay nang langit dito kumpara sa syudad.
Nandito kami sa probinsiya nila, at dito namin balak mag-celebrate ng pasko.
“Hello hija.” Mabilis akong napalingon sa nagsalita, dagli akong tumayo at saka hinawakan ang kamay nito para alalayan.
“Hello din po, Lola Tina.”
Matapos magmano ay iginaya ko ito paupo sa kinauupuan ko kanina.
Mabait ang Lola niya. Mula nang ipanganak hanggang sa magwalo ay siya na ang nagala sa kambal. Isang taon pa lamang kasi sila Tyler noong parehong mawala ang mga magulang nila. And the time they were both nine, ay kinuha sila ng angkan ng mga Montero at doon pinagaral sa ibang bansa. Kaya rin siguro masakit sa ilong kausap si Tyler minsan.
Hanga ako sa kanya dahil napalaki niya si Tyler at Kyler nang magisa kahit sandaling oras lang. Without the help of the Montero.
“Hay nako talaga ang mga bata ngayon, kay bibilis ga ano? Aba’y may apo na pala ako sa tuhod hindi ko manlamang alam!”
Napangiwi ako at napakamot na lamang sa batok. Oo mabait si Lola Tina, pero medyo matabil din ang dila kung iisipin hindi ako magtataka kung sasabihin niyang apo niya rin si Lily.
BINABASA MO ANG
Hiding Tyler Montero's Triplets [Revised]
RomanceTyler Montero-Misha Ivonne Hernandez Date started: August 16 2020 Date finished: September 23 2020 YOU CAN READ THIS ON GOODNOVEL