Chapter 6

47 2 1
                                    

Acer POV 

Paglabas ng kotse ko sa campus ay napatingin ako sa mga nag-uusap katabi ng isang motorbike.Kahit nakatalikod ay kilala ko sya.Of course, lagi syang hanap ng aking malikot na mata.May mga kausap syang estudyante at isang lalaki.Maya-maya sumakay ang lalaki sa motorbike at umangkas sa likuran si Zarina.  

"What the heck!"Napamura ako.Kaano-ano nya kaya ang lalaking yun?Naiinis ako sa nakikita.Gusto ko silang lapitan pero hindi ko magawa.What for? Eh hindi ko sila kaano-ano.But damn!

    'Ba't ba ako naiinis.Sinabi nya lang na crush nya ako.Malay ko ba kung may boyfriend na sya.'

Alam ko sa sarili ko na iba ang pagtingin ko kay Zarina.Nakakahiya mang aminin pero damn, crush ko sya.Sounds childish pero anong magagawa ko iyon ang nararamdaman ko ?Magkaiba ang direksyon na tinahak nila kaya di ko na alam kung saan sila papunta.Hindi ako stalker para sundan sila.Psh!  

Kinabukasan, maaga ako sa campus.Vacant time ko at sa practice room ako dumiretso.Ayoko rin magpakalat-kalat sa paligid dahil bigla-bigla dumidikit yung SSC muse.Nakakainis man ay hinayaan ko na.Kahit sinungitan ko na walang talab at dumidikit pa rin.Mukhang close pa sila ng tatlo kong kaibigan.Mukha namng mabait si Shaina.

Nang tanghali namn ay nauna ako sa canteen nila Paulo.Ang bagal nila kaya di ko naaabutan si Zarina.Kapag dumadating ako ay siya namng pag-alis nila ng kaibigan nya.Hindi ko tuloy sya matitigan ng matagal.

Napakaganda nya.She has a rare morena beauty na sa unang tingin di mo mapapansin.Ang sarap nya titigan pero di ko pinapahalata.Ayokong kantyawan ng mg mongoloid kong kaibigan.  

Pagkapasok ko sa canteen ay iginala ko agad ang paningin at wala nang bakante.Sakto namng nakita ko ang pakay ko at may bakante pang upuan sa mesa nila.

   Mabilisan akong nag-order at kaagad na naupo sa harapan ni Zarina.Nkita ko sa mukha nya ang pagkagulat at pagtili namn namn kaibigan nya na katabi ko lng.Nginitian ko sila.

  "Mind if I sit here?Wala na kasing bakante--"

   "Sure Acer.Okay na okay."Putol ng kasama nya sa sinasabi ko.Nakita kong pilit ang ngiti na iginawad sa akin ni Zarina.Medyo nag-alangan ako dun.Tahimik rin sya ngayon.

   "Baka may nakaupo na dito at hindi okay kay Zarina."Sabi ko pa habang nakatitig sa kanya para makuha ang buong atensyon nya.Kung saan-saan pa lumilingon.

   'Ano hinahanap nya yung team captain na kausap nya kahapon?'
Isa pang kinaiinisan ko ang player na Jake na yun.Ba't kasi hindi sila maghanap ng mas maganda at mapuputi ?Marami mamn sa campus.

  "Okay lang."Dinig kong tugon ni Zarina pero sa pagkain nakatingin.Nahihiya na ba sya ngayon sa akin?Haha!

  "How's your eye?Hindi na ba masakit?"Sa halip ay muli kong tanong habang sumusubo.Natigilan namn sya na parang kinakabahan.

  "Aw!"daing nya.Napano sya?Saka ko nakita ang pilit nyang ngiti at parang natatae ang mukha.

  "Ahm yes okay na ako."Anito at ibinalik sa pagkain ang atensyon  .

  "I see."Dinig kong sambit namn ng kaibigan nito sa tabi ko.Patango-tango pa ito.Okay.Parang iba ang kinikilos nila.  

"Ikaw pala yun Acer ang nakatama sa kanya."Wika ng kaibigan nito.

   "Yeah,hindi ko namn sinasadya but still I'm sorry for that."Sinsero kong sabi na nakatitig sa maganda nyang mukha.Nakita ko ang pagngiti nya.Hindi na pilit .

  "Okay lang."Aniya at parang nahihiya.Ang cute nya namn.Gusto kong pisilin ang pisnge nya .

  "Hindi mo yata kasama ang girlfriend mo Ace?"Tanong namn ng kaibigan nya.Napakunot-noo ako dito. 

  "Sino?"Eh wala namn akong girlfriend.

"Hindi mo ba girlfriend si Shaina?"Tanong namn ni Zarina.Napangiti ako.Hmm...nagseselos kaya sya kay Shaina.Napatawa ako ng mahina.

   "Paano nyo nasabi yan?Hindi ko sya girlfriend.Kaibigan ko lang."Sabi ko habang seryosong nkatitig sa mga mata nya.Nakita kong napalunok sya.  

"Ah...kaibigan lang pala".anang kaibigan nya at napatawa na parang nanunudyo.  

~~~~

Pabaling-baling ako sa higaan.Pagkatapos naming kumain ay sabay kaming lumabas at nung practice nya ay nanood ako.Napakagaling nya.Nakakahanga sya lalo.Hindi namn mawala sa labi ko ang ngiti nang maisip ang kanyang mukha  .

.Natural ang kapal ng kilay nya na parang ginuhit.Katamtamang tangos ng ilong.Ang cute pisilin.Ang mga mata nya ay almond brown at may pilik matang natural na makurba.Kung tumitig parang nang-aakit.At ang mga labi nya ay pouty at heart shape.Mamula-mula at walang bahid ng lipgloss.Nakapadagdag sa karisma nya ang nunal sa ilalim ng bibig nya.Natetempt akong halikan sya kapag nkatitig ako sa mga labi nya.

'What the?She's like a witch...may kasalanan pa sya at ngayon ay hindi pa ako pinapatulog".

A/N: Sana all kina-crushback...😁😀

 ✓ Hey! Mr. Angry Bird ( COMPLETED)Where stories live. Discover now