Chapter 14

271 5 3
                                    

Anim na taon na ang nakalilipas mula noong araw na inalok ako na maging general manager ng kumpanya ng mga de Silva. Tinanggap ko ang opportunity na iyon. Para sa akin, sa amin ni nanay at para na rin kay Wess.

Tama naman si tito Zach, kailangang bantayan ni Wess, at ako lang angmakakagawa non lalo na ngayon at parang nagbabalak na syang yayain ng kasal si Mikaella.

Oo, tama tito na ang tawag ko kay señor Zach. Naaalala ko pa kung paano nagulat ang board nang ipakilala niya ako bilang kanyang inaanak at bagong general manager. Marami ang nagtaka pero wala namang nagtangkang magtanong.

Ipinakilala niya akong inaanak para daw walang maraming tanong kapag ako ang ginawa niyang general manager. Sinabi niya rin na dapat ay 'tito' na ang itawag ko sa kanya. Nakakahiya man ay sinunod ko lahat ng sinabi niya.

Oo anim na taon na. Hindi na nga ako general manager kundi vice president na. COO si Wess at CEO naman si tito Zach. Noong pumasok ako at ginawang general manager, ang dami kong naririnig na chismis. Na kesyo hindi ko daw kaya, hindi dawako magaling at nakapasokmlang dahil kay tito Zach.

However, I proved them wrong. I did my best para hindi ako mapahiya. Para na rin hindi mapahiya si tito Zach. And eventually, I gained their trust. Ang dami kong nagawang projects. Lalo ding tumaas ang kita ng Empress view.

Unti unti tumaas ang posisyon ko. Sinangayunan naman ng board nang ginawa akong vice president. Only one person is not happy about it, yung papa ni Mikaella. They even voted and I got the majority making tito Zach proud of me.

As for Wess, hindi naman siya nagulat na papasok ako sa kumpanya nila. Pero ang ikinagulat niya ay ang ipasok ako as general manager. Nagulat din sya nang ipakilala ako as inaanak, pero inexplain naman ni tito ang sitwasyon.

Yoon nga lang inalis niya yung part na yung papa ni Mikaella ang pinaghihinalaan tsaka yung part na ako ang gagawin niyang CEO ng kumpanya kung hindi magtitino si Wess.

Anim na taon na. Saloob ng anim na taon na iyon, I never did anything para mainlove sa akin si Wess. Ang sa akin lang naman kailangan ko munang magfocus sa work, before anything else.

Aside from that, kailangan ko din munang gawin ang makakaya ko para hindi na maitanggi ni Wess ang existence ko. Para pag dumating ang araw na pipili siya, ako naman ang pipiliin niya.

Sa loob ng anim na taon na iyon, nakita ko kung gaano kamahal ni Wess si Mikaella. Pag nag-aaway sila and usually si Mika ang may kasalanan, Miguel always is the one that says sorry. I even saw him beg once para lang di sya iwanan ni Mika.

I never saw Wess looked at other women. Pero si Mikaella laging laman ng newspaper as a playgirl. Model and actress kasi sya ngayon kaya sikat siya. However, parang wala lang kay Wess ang mga controversy sa kanya.

There was even a time, siguro nainis na si Wess about sa mga balita kaya kinonfront niya si Mikaella. Mikaella on the other hand was the one who became angry at sinabihan si Wess na walang tiwala sa kanya.

Mikaella even threatened Wess, that she will break up with him. And that was the time that I saw how Wess knelt down and cried. What a lucky girl.

During those 6 long years, I became Wess' bestfriend and confidante. Sa akin sya umiiyak. Sa akin niya sinasabi nang paulit ulit kung gaano niya kamahal si Mikaella. Martir sya pero mas Martir ako kasi mahal ko pa rin sya.

Ang tagal na pala, anim na taon na. Syempre during those years nagka boyfriend naman ako. Si Rhen Jullian Bautista, remember him? Doctor na sya ngayon. Umabot ng dalawang taon ang relasyon namin.

Matagal din syang nanligaw. He would even visit me sa mansyon. Alam niyang mahal ko si Wess. Ang talino diba? Pero ok lang daw kasi tutulungan niya akong lumimot.

Next to youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon