Chapter 17.

877 36 4
                                    

SHARLENE'S POV

"San mo ba ako dinala Brace!"-ako-

Hindi sya nagsasalita. Kinuha nya lang yung mga gamit namin sa kotse.

Ang nakikita ko lang ay isang kubo. May ilog sa gilid at marami ding puno.

"Kung hindi mo naalala Shar, ganto ang dreamhouse mo."-Brace-

Napalingon ako sa kanya.

"Nasan ba tayo Brace? Bakit mo ako dinala dito?"-ako-

"Dahil dito na tayo maninirahan habang buhay!"-Brace-

Nagulat ako. Seryoso ang mukha nya. Pumasok na sya sa bahay dala ang gamit namin.

Ayaw ko sana sumunod pero wala naman akong ibang magagawa.

Kakaiba kasi sa labas parang probinsya pero sa loob ay magaganda ang gamit. May TV, ref, computer.

"Ayaw ko naman na mabore ka dito kaya kinompleto ko ang gamit."-Brace-

"Brace! Hindi mo man lang inisip ang nararamdaman ko?"-ako-

Napayuko sya pero di sya sumagot. 

Nakakainis!

"Sa ayaw at sa gusto mo, pupuntahan ko si Joaquin! Sasabihin ko sa kanya ang lahat!"-ako-

Papalabas na ako ng pinto ng hawakan nya ang kamay ko.

"Shar! Akala ko ba mahal mo ako? Dahil sinabi ko sayo yung totoo, nawala na agad yun?"-Brace-

"Hindi Brace! Mahal kita pero napalitan yun ng galit! Sinungaling ka! Tinago mo sakin ang totoo kong pagkatao! Hindi mo man lang naisip yung nga taong nasasaktan mo?"-ako-

"At ano? Ako na lang ang dapat masaktan? Shar! Nung simula pa lang, nasasaktan na ako! Dahil sa inyo ni Joaquin! Ni minsan ba naisip mo ko?"-Brace-

Nagulat ako. Wala naman kasi akong maalala sa past ko kaya hindi ko alam.

"Magluluto na ako."-Brace-

Nilock nya na yung pinto at dumeretso sya sa kusina.

Napaupo naman ako.

Anong gagawin ko para makaalis dito?

JOAQUIN'S POV

"Walang Shirley Bernardo at Jairus Aquino na umalis ng bansa."-PI-

Lahat na nang alam kong paraan ginawa ko para lang mahanap si Sharlene pero wala pa rin.

"Kung ganun, nandito lang sila sa Pilipinas. Pero san naman kaya?"-Nash-

May naisip ako!

"Teka! John at Grae, pwede nyo bang malaman lahat ng properties nina Brace?"-ako-

"Oo naman!"-John at Grae-

"Good! Sige alamin nyo! Nash, maghanap ka naman ng mga lugar dito sa Pilipinas na may ilog, mga puno at pwedeng matirahan."-ako-

"Okay! Pero Joaquin bakit yun ang naisip mo?"-Nash-

"Naalala ko kasi dati yung sinabi ni Brace sakin."-ako-

FLASHBACK......

"Ang swerte mo talaga kay Sharlene!"-Brace-

"Oo nga. Alam mo ba tol, kahit mayaman ako, mas pipiliin nya pang mamuhay ng simple."-ako-

Napangiti si Brace.

"Kaya pag ako, pag dumating na yung babae para sakin, di ko na papakawalan! Itatago ko sya sa bundok para wala nang makaagaw sa kanya!"-Brace-

Natawa ako.

"OA naman!"-ako-

"Pero seryoso ako!"-Brace-

END OF FLASHBACK.......

"Ayun!"-ako-

Tumango lang sila.

Papaalis na kami ng magring ang cp ko.

Ako: hello?

Caller: Joaquin?

Ako: Shar? Sharlene?!

Napalingon sakin sina Nash.

Shar: Joaquin! Alam ko na ang lahat! Ako nga si Shar!

Ako: ako din! Nasan ka Shar?

Shar: hindi ko alam pero may mga bundok, may kubo, may ilog.

Ako: wag kang mag- alala Shar, hahanapin ka namin! Antayin mo lang kami.

Shar: oo Joaquin.

Ako: mahal na mahal kita Shar!

Shar: pasensya na wala pa rin akong maalala pero... (Shar!)

Hindi natapos ang sasabihin nya! Palagay ko si Brace yun.

Ako: Brace!

Brace: o tol! So alam mo na pala. Musta?

Ako: hindi ko alam kung bakit mo to ginagawa! Kailan ka ba titigil?

Brace: mahal ko si Shar! Ayun lang ang dahilan ko! Pasensya na tol pero di mo na sya makukuha mula sakin.

Ako: Brace!

Binaba nya na yung tawag. Lalo akong nainis at mas gusto ko na makita na sila agad!

--------------

Thanks readers! :)

SharQuin Love Story Book 2!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon