Chapter 1: Decision Making

116 6 5
                                    

"Kyle, kamusta kayo ng crush mo?'

Mga linyang lagi kong naririnig sa bestfriend kong si Andrei.

"Eto olats pa din." sagot ko

"Sabi ko naman kasi sayo pare pormahan mo na eh!" sabi ni Marco

"Eh paano popormahan, dumaan lang natutulala na!"

HAHAHAHAHA! Tawa ng barkada. pero ako di ako natutuwa. sa totoo lang, tama sila. palagi akong natatahimik pag si Jeannie na ang dumaan. Lagi akong natatameme, natutulala, namumula, nanginginig, at nawawala sa sarili. Fourth year highschool na ko ngayon, freshmen palang ako gusto ko na siya. Gusto ko ng magtapat ng nararamdaman ngunit di ako nabibigyan ng lakas ng loob para umamin. Pero eto na talaga last day of exam na bukas kaya itotodo ko na to! Aaminin na ko!

"KAYA KO TO!" bigla akong napatayo sa kinauupuan ko di ko napansin napalakas na pala mga bulong ko. Pinagtitinginan tuloy ako ng mga tao dito sa canteen. Pero yaan mo na sila. Basta ako i've decided, lalakasan ko na loob ko.

Kumusta Crush Mo?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon