"Ahhhhh! nandiyan na ang multo! Umalis na tayo dito!" Nagtakbuhan paalis ang mga batang ka idad ko nang makita akong naglalakad papasok sa loob ng playground. Halata din sa kanilang mga mukha ang sobrang takot habang tumatakbo paalis at iniwan akong mag-isa.
"Hindi naman ako multo eh..." malungkot kong bulong sa aking sarili at pinigilang mapahikbi dahil sa narinig. Pero sa halip na dibdibin ang mga katagang paulit-ulit nilang sinasabi ay minabuti ko nalang na umupo sa may swing. Sanay na rin naman ako sa mga pangungutyang binabato nila at hindi na iyon naiiba sa akin. Ngunit sa tuwing maririnig ko ang kanilang mga masasamang salita ay hindi ko maiwasang masaktan.
Malungkot akong napayuko habang nakaupo sa duyan at pinapadyak ang mga paa sa lupa. Napakagat pa ako sa aking pang ibabang labi nang mag-umpisang magbagsakan ang mga luha sa aking mga mata.
"W-wag kang umiyak Alea... *hik* wag kang umiyak." pagpapatahan ko sa aking sarili habang pinupunasan ang mga luha sa aking mga mata. Pero sa halip na tumigil sa pag-iyak ay mas lalo lang tumulo ang aking mga luha.
Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako ng malakas habang nakaupo sa may swing. Nagpalpitate din ng mabilis ang aking puso na hindi karaniwan sa normal nitong pagtibok.
Napahawak ako sa aking dibdib at habol hiningang napasalampak sa mabuhanging lupa. Napasigaw din ako dahil sa sobrang sakit at mariing napapikit mata habang gumugulong-gulong sa aking kinahihigaan. Kahit sobrang dumi na ng suot kong puting hospital gown ay hindi ko iyon pinansin. Sa halip, ay binaling ko ang aking atensyon sa puso kong biglang sumakit.
Habang nakasalampak ako sa lupa ay naramdaman ko ang presensya ng isang taong nakatayo sa aking tabi. Ramdam na ramdam ko rin ang kanyang mga matang nakatutok sa akin at sinusuri ako ng mabuti.
Inangat ko ng konte ang aking mukha na nakasobsob sa lupa upang kompermahin ang aking hinala. Nang makita ko ang kanyang mga paa sa aking tabi ay hindi ako nagdalawang isip na humingi ng tulong sa kanya.
"T-tulongan... mo po a-ako... please..." nanghihina kong sambit at minulat ang aking namumugtong mga mata. Nilingon ko sya at nagmamakaawang tinignan kahit na hindi ko masyadong maaninag ang kanyang mukha. Itinaas ko din sa ere ang aking kanang kamay at pinilit inabot ang laylayan ng kanyang damit.
"Call me Caleb. Just call me Caleb." rinig kong utos nya sa akin na aking kinalito.
Hindi ko alam kung bakit iyon ang isinagot nya sa akin. Hindi ko alam kung bakit nakatayo lamang sya sa tabi ko at nagpakilala ng kanyang sarili. At hindi ko alam kung bakit sa halip na tulungan ako ay dapat ko munang sambitin ang kanyang pangalan. Pero imbis na magtanong ay sumunod ako sa utos nya.
"C-caleb, help me... p-please..." pagkasambit ko ng katagang iyon ay agad nyang inabot ang aking kamay na nakalahad sa kanya at hinila ako patayo ng walang kahirap-hirap. Bigla din akong lumutang sa ere habang may malakas na enerhiyang pumapasok sa loob ng aking katawan. Ngunit hindi iyon ang nakakuha sa aking atensyon. Kundi ang kamay nyang lumiliwanag na nakahawak sa akin at ang mga mata nyang naging kulay asul.
Narinig kong may binabangit ito na kakaibang mga salita na hindi ko maintindihan. At sa bawat pagsambit nya ng mga salitang iyon ay mas lalong lumiliwanag ang kanyang kamay. Pati ang kanyang kulay dark blue na buhok ay tumingkad din ang kulay. Pero pagkalipas ng ilang segundo ay agad itong nawala kasabay ng kanyang pagbigkas ng huling mga salita.
Pagkatapos nya iyong gawin ay naramdaman ko na unti-unting nawawala ang sakit sa aking dibdib at bumabalik sa normal ang pagtibok ng aking puso. Umayos din ang aking paghinga at naging malinaw ang aking mga mata.
Tumigil ako sa pag-iyak at mataman na tinitigan ang binatang nasa aking harapan. Sinalubong ko ang kanyang nakakalunod na asul na mga mata at biglang napangiti ng napakatamis. Nakita kong nangunot ang kanyang noo sa aking ginawa kaya agad akong napabungisngis.
BINABASA MO ANG
Never Been Apart (Complete)
Fantasy'Ito ay ang istorya ng dalawang nilalang na aksidenteng pinagtagpo ng kapalaran at sinubok ang pag-iibigan hanggang sa kamatayan. Kaya hali kayo at ating basahin ang nakakaiyak at nakakatunaw pusong kwento nina Alea at Caleb.' -Unknown.