Pansin sa mga mata
kalungkutan ang nakikita
tila langit at lupa'y nagkaharap naPansin ang ngiti
pilit at may hapdi
ngumingiti ngunit parang hindiPansin sa mukha
ang walang kulay na saya
ang malaporselana niyang kutis
ngayo'y maputla naSaan nga ba napunta?
ang tunay na ngiti niyang dati kong sinisinta
wala na, wala nang buhay ang mundo niya.
YOU ARE READING
Halo-Halong Letra
PoetryMga salitang bumabagabag sa aking isipan, mga katagang nais intindihin at mga damdaming labis na nililihim.