One Shot

32 1 0
                                    

*Beep

"Hi Crush, I Love You"

Pag makaRecieve ka ng text na ganito hindi ka ba kikiligin?
hinde: pag hindi mo sya gusto.
oo: kung pareho kayo ng nararamdaman sa isa't isa.

kung ako ang tatanungin?
wag kanang magtanong,kanina pako kinikilig nuh!

ang sender ng nakakakilig na mensahe na yan ay galing sa taong Crush na Crush ko pangalanan nating "White"
white kase maputi sya ang kinis kase ng balat nya, at ako naman si "Black" oooopps! di ako maitim hah! LOL
black kase mahilig ako sa Black, like black Shirt! basta ganun na yun,wag ng maarte..

at kung paano kame ng kakilala?


well,we are neighbors as in magkapitbahay! nasa likod lang ang bahay nila sa amin,since kakauwi ko lang dito sa amin galing sa ibang probinsya wala pa akong kakilala dito..
gabi nun ng napagutusan kami ng aking kapatid na bumili sa malapit na tindahan ng makita kong may naguumpukang mga kabataan sa kanto,nahihiya man akong dumaan sa kanilang harapan pinagpatuloy ko ang aking paglalakad akbay-akbay ang aking nakakabatang kapatid, nang kami'y nakabili ng at pabalik na sa kinaroroon nila may tumawag sa aking kapatid mula sa kanilang grupo..

"Iho,Anong pangalan ng babaeng kasama mo?"

isang maputing babae ang nagtanong sa aking kapatid,ngunit hindi naman sila nito pinansin,lumingon lamang ako sa kanila at dahil sa hiya yumuko ako at sinundan ang aking kapatid sa paglalakad..

hindi naman ako yung tinanong niya di ba? kaya hindi ko narin siya sinagot ang polite ko kaya..

"kilala mo ba yun?"

tanong ko sa aking kapatid at nag kwento naman siya na yung iba eh kilala nya naman..
sabi niya wag ko na lang daw pansinin ang mga yun.
hindi naman ako suplada gaya ng inyong inaakala hindi lang talaga ako mahilig lumabas ng bahay ngunit sa paaralan madami naman akong kaibigan..

sa dumaan na araw lagi ko na silang nakikita sa kanilang tambayan tuwing ako ay may bibilhin sa tindahan,nangungulit naman sila sa pag tatanong sa aking pangalan,hindi ko binigay ngunit ako'y lumilingon at ngumingiti na lamang sa kanila..

hanggang sa nakuha nila ang aking cellphone number,ang sabi eh ang aking magaling na kapatid ang nagbigay sa kanila
hindi ko naman masisisi ang aking kapatid bata pa siya at siguro nakulitan sa kanila..

dyan ko nakilala si "White"
nakilala ko sya sa text lamang magkapit bahay man kame hindi naman kame nagkikita ng matagalan sa personal dahil ako'y hindi pinapayagang lumabas ng bahay nagkakasalubong pero hindi naman nagkakausap ngitian lamang sa isat isa ang kayang ialay.
minsan tinatawagan namin ang isa't isa masaya syang kausap,malamig ang kanyang boses,tawanan,biruan minsan may konting asaran,ganyan ang eksena..


isang gabi ako'y kinantahan nya nirequest ko para ako'y makatulog na.. (landi eh nuh?)
hindi ko man pamilyar ang kantang kanyang kinanta nagustuhan ko parin sapagkat ang ganda ng kanyang tinig. (syempre kinilig)

dumaan ang mga araw inamin nyang may gusto sya sa akin,syempre kinabahan ako ngunit napalitan ito ng kilig sapagkat pareho kame ng nararamdam sa isat isa..tila nahulog na ang aing loob sa kanya..

ang saya.. ang sarap.. ng FEELING INLOVE!

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------

mutual na aming status nun ng may nakita ako sa timeline ng kanyang facebook account..
babaeng hindi ko alam kung kaibigan ba sya oh nanlalandi na kay "White"

bawat post ni "white" sa kanyang FB status laging nagkocomment itong si "Chaka"
hindi ko alam kung bakit ganito yung inaasal ko BITTER ang tawag nila sa ganitong akto

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 14, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Unforgettable OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon