Sorry sa wrong grammar at wrong typos. At lahat po ito ay fictional lang, walang halong katotohanan.
----
"Bagay talaga sila ni Sir JC. Ang gwapo ni Sir JC, tapos ang ganda ni Miss Caryn."
"Siguro kapag nagkaanak sila, ang gaganda at, ga-gwapo. Tapos matalino."
"Tumabi nga kayo." napatingin sila sa akin at paulit-ulit na humingi ng tawad sa akin.
Napatingin ako sa tapat ko. Si Miss Caryn at Sir JC. Dalawang taon na silang kasal, napag-uusapan ito sa school hanggang ngayon, na kahit dalawang taon na silang kasal parang kahapon lang sila kinasal dahil sa usap-usapan dito sa school.
Hindi naman kasi ako interesado sa relasyon nila, pati it's their life naman at wala naman akong say sa married life nila.
Basta ako gusto kong makapagtapos ng pag-aaral. Dahil may gusto akong ipatunay kay lolo na hindi ko siya kailangan.
Napailing na lang ako at nagsimulang tumakbo papuntang room, bigla na lang ako nabunggo sa isang bagay, sa sobrang lakas ng impact napaupo ako.
"Are you okay?" narinig kong tanong ng isang lalaki.
Napatingala ako at nakita ko sina Sir JC at Miss Caryn na nakatingin sa akin, kaya napatingin ako sa paligid ko, may mga schoolmates ako na natawa dahil sa nangyari sa akin.
Napapikit ako sa inis. Tumango na lang ako sa tanong niya.
"I'm okay, sir, miss."
Tumayo ako muntik na akong ma-out balance, pero buti naalalayan ako ni sir.
Pero hindi ko alam kung okay ba 'yun, dahil may naramdaman akong kuryenteng dumaloy sa aking ugat kaya hindi ko sinasadyang matulak ito, nanlaki ang mga mata ko sa nagawa ko.
"I'm sorry po!" dahil sa hiya ay nagmadali akong tumakbo, ng makalayo na ako ay napahawak ako sa aking dibdib.
Ang lakas-lakas ng tibok ng puso ko!
Napatingin ako sa kanila at nanlaki ang mga mata ko nang makita ko na nakatingin sa akin si Sir JC.
At doon ako nagsimulang umibig sa isang lalaki, isang lalaking alam kong pagmamay-ari na ng iba, lalaking kahit kailan hindi magiging akin kailanman.
BINABASA MO ANG
Forbidden Hearts
RomanceA story about forbidden love. It was between a mistress, and a married man. When they're together, they didn't consider the consequences or the person they might hurt because of their forbidden love. To them, their love always felt right and perfec...