CHAPTER 32
Ilang oras siyang nasa baba kaya bilang lang din ang paglabas ko ng kwarto. Kinatok kami ni Nanay kanina para ipaalam na aalis na si Jared subalit hindi na ako nag-abala pang pagbuksan si Nanay.
"Alright!" I yelled.
I know nasa labas din siya ng pintuan na yan kaya ni sumilip ay hindi ko ginawa.
Lumipas ang gabi nang walang kahit na sino kanila Cloud or Dad ang umuwi sa pamamahay na 'to. Tanging si Mommy lang, pero umalis din agad. Malaking problema 'ata ang hatid ng Banda at nakarinig pa akong may aalis. But heck I care.
Napabuga ako ng hangin at lumabas sa balkonahe nitong kwarto. Mahimbing na rin naman ang tulog ni Clea. Mula sa balkonahe ay kita ko si Jared na papunta sa kanyang sasakyan. Naksunod sa kanya si Nanay.
May kinuha siya sa backseat na mga paperbag at ibinigay kay Nanay na pinanliitan ko ng mata.
Napangisi ako ng tuluyan nang lumabas sa gate ang kotse ni Jared. Hindi ko mapigilang mapaisip ng malalim kung bakit hindi ko siya magalit-galit kada sasabihin kong hindi niya anak si Clea.
Hindi ko namalayan na umaalpas na pala ang luha sa aking mga mata. Wala akong makapitan ngayon kundi ang anak ko lang. Hanggang kailan ako makakaramdam na hindi kami tanggap ng Pamilya ko.
Lumipas ang ilang araw na wala pa rin akong contact kay Vanessa. I don't know where she is, everytime na makakaharap ko si Louie ay wala siyang ibang sinasabi sa akin kundi ang hintayin ko si Vanessa na mismong magpakita sa'kin. At imbis na umapaw ang inis ko sa aking kaibigan ay parang mas lang akong nasabik sa na makita at makausap siya.
Until when you will hide from me, Vanessa?
At sa mga araw na nagdaan din ay padalaw-dalaw si Jared sa'kin pero hindi siya ang gusto kong makausap kundi ang ama kong hanggang ngayon ay hindi naglalagi rito sa Mansion.
I knocked on Mom's office. I wanted to talk to her right now.
"Mom, kamusta ka?" Tanong ko nang pagbuksan niya ako ng pintuan.
Her features softened when she saw me. She pulled me into a hug and guided me to her couch.
"Okay lang anak. Ikaw ang dapat kamustahin ko. Nasan pala si Clea?"
Ngumiti ako. "Nasa ibaba po bantay ni Nanay."
I took a deep breath before I spoke. "Mom.... is Dad still mad at m-me?" my voice broke.
Malungkot siyang ngumiti sa akin. "Cleine, anak, huhupa rin ang galit ng Daddy mo. Ilang buwan kang nawala at ni isang tawag hindi mo nagawa sa kanya. Tanging pinanghawakan lang namin ay ang balita na hinahatid ni Vanessa sa amin."
Ilang ulit akong tumango. Kusa nang tumulo ang luha ko, parang pinipiga ang dibdib ko sa sakit na hindi ko maintindihan.
My lips trembled, I couldn't speak.
"Pero alam mo bang pinabantayan ka ng Daddy mo simula nang makabalik ka rito? Hindi para paghigpitan ka kundi para malaman niya kung nasa maayos na kalagayan ka."
I stare at my mother, weighing the words coming out of her mouth. Mommy's eyes became teary as she sat down beside me.
"Please, 'wag kang mawalan ng pag asa sa Daddy mo. He loves you kaya ganun na lang ang naramdaman niya nang makita ka niya."
"Tanggap ko ang lahat ng reaksyon ni Dad, mom. Tanggap na tanggap ko. I was wrong. Nagkamali ako kaya gusto kong ayusin ko hanggang sa makakaya ko."
She smiled at me, genuinely. "You matured a lot, Cleine. Y-You're not our baby anymore."
BINABASA MO ANG
Burning Desire (COMPLETED)
RomanceA light story of Jared Vaine Cervantes and Rissy Cleine Nueva... [UNEDITED]