Chapter 9 - Friends

16 0 0
                                    

“Practice that takes your breathe away”

[Candy]

Ano ka ba Alexander Olivares! Kung kaylan 3 weeks nalang ang natitira ikaw naman ang nagloko. Ikaw naman tong di namamansin. Bumalik ka sa dating ikaw. (__ __”)

Nalate ako ng 5 minutes sa kakahanap sa auditorium.

“Sorry I’m late.” Wala siyang comment.

Nagsimula na kami ng matapos kami sa warm up.

“Bakit ito pa?” Bulong niya sa sarila niya after niyang iplay ang cassette. Binulong niya pa, eh narinig ko din.

Galing niya rin ha. Hindi niya ako tinuruan ng kahit na anong steps. He just drag me, spin me around, he controlled my moves.

There was this step, he dragged me closer to him. Magkadigkit na mga katawan namin, face to face. Eyes to eyes. Masyadong malapit at nafifeel ko na hininga niya. Ang bango… Bigla siyang umatras at lumayas sa auditorium pero iniwan niya bag niya.

5 minutes siyang nawala. Habang umalis siya, nagco-cool down na ako. Bumalik siya para kunin ang gamit niya.

“Tapos na practice natin for this day.” Tapos nag-walk out.  

Hinintay ako ni Chrystal sa labas. Isa sa mga benches sa labas ng auditorium, naka upo si Xander at Ram. Natigil ang pag-uusap nila ng magtagpo ang mga mata namin ni Xander. Agad naman siyang umiwas. 

The way na itrato ako ni Alexander, ang dahilan kung bakit ayaw ko pumasok ng school. Pero di ako pwedeng mag-absent. Hahanapin ako ni Chrystal at hindi rin ako papayagan nila sister. At hindi rin ako a-absent just because of a stupid reason!

[Alexander]

“Oh ang aga niyo naman yata natapos?!” Nasa labas na ng auditorium si Ram. Umupo ako sa tabi niya. Hindi ako sumagot. “Hoy! May kausap ba ako? Ano? Tara na! Saan bag mo?” Tinaasan ko siya ng kilay.

Pumasok ako ulit sa auditorium at kinuha ang bag ko. Nandoon pa sa loob si Nips.

“Hindi ko maintindihan! Kainis!”

“Anong hindi mo maintindihan?! Yung kanina sa Math? Sige na nga tuturuan na kita!”

“Hindi yun! Hindi ko maintindihan nararamdaman ko?!” Pinatong ni Ram ang palad niya sa noo ko.

“Wala ka namang lagnat ah…”

“Wala akong sakit! Ang ibig sabihin ko yung nararamadaman ko tungkol kay Candy! Gusto ko siyang kasama, gusto ko siyang kausap, gusto kong nakikita ang ngiti niya, gusto ko siyang asarin—pero”

“Ano? Bakit di mo gawin?”

“Ewan ko… Magkaibigan lang kami eh.”

“Anong tingin mo sa akin?! Hindi tayo magkaibigan?! –Alex! Don’t tell me—Uy! Crush mo siya no!”

“Ano?! Ewan… Ano ba yang crush? Ni hindi ko nga yan alam.”

“Yan yung taong makita mo lang inspired kana.”

“Ha? Eh, siguro.”

“Eh bakit ka ganyan? Nilalayuan mo siya. Di mo siya pinakikisamahan. Alam mo, few people only got the privilege to be with their inspiration. Ikaw! Sinisira mo lang yung chance!”

“Wag na. Malapit na matapos ang school year. Hindi kami magiging classmate niyan next year—”

“Hi Ram, Hi Alex! Tapos na pala kayo practice? Saan si Candy?” Nasa kabilang bench si Chrystal.

Lumabas na sa auditorium si Candy. Nagtagpo aming mga mata. Umiwas naman ako. (>.>)Candy     (>.>) Alexander

Not a Fairy Tale at AllTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon