Teaser

1.5K 28 2
                                    

Si Liam Santiago, ay isang sikat na teen star sa bansa. Libo-libo ang mga tagahanga niya at halos lahat -- babae, bakla, matanda, bata -- ay talaga namang nagkakandarapa sa kanya. Marami na siyang natanggap na mga parangal pero hindi pa rin siya nakukuntento roon dahil may isang parangal pa na hindi niya makuha-kuha. At iyon ay ang pagiging best actor.

Si Keisha Santillan, ang die-hard fan ni Liam. Pinuno niya ang sariling silid ng mga poster ng binata. Kahit ang mga damit niya ay pinatatakan niya ng litrato nito para kahit saan siya magpunta ay lagi niyang masisilayan ang gwapo nitong mukha at chinitong mga mata. Handa niyang gawin ang lahat -- kahit pa ang maglakad ng nakaluhod sa kahabaan ng great wall of China -- mapalapit lang sa iniidolo.

Hanggang sa isang oportunidad ang nagbukas para magtagpo ang landas nila. Naghahanap ng mga "extra" para sa ginagawang pelikula na pagbibidahan ni Liam. Agad naman iyong nahagip ng radar ni Keisha. Kaya dali-dali siyang umarkila ng gown kina Aling Ligaya at humahangos na nagpunta sa nasabing lugar na pag-dadausan ng audition. Pero pagdating niya doon ay parang pinagbagsakan siya ng langit at lupa nang nalamang tapos na pala ang audition at hindi na niya iyon naabutan.

Tuluyan na nga bang magpapaka-bitter ang tadhana at hahadlangan nito ang mga pangarap ni Keisha? O magiging mapaglaro ito at magbibigay ng ibang paraan para magtagpo ang kanilang landas at matupad ang inaasam niyang maging isang Dakilang Extra. Ay mali, mali-- in love na extra pala.

TCT [Book 3] : Her Chinito IdolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon