[Prologue]
"Francheska Celestine Silbeste! Anu ba!? Tanghali na't unang pasok mo pa sa eskwela ngayon hindi ka na nadala puro ka cellphone puyat ng puyat kain tulog hilata ka lang asikasuhin mo pag-aaral mo!" Sigaw sa'kin ni mama mula sa pintuan dahil alas diyes na raw ay hindi pa ako na kakagising.
Bigla naman akong napatayo agad sa kama at nag unat unat... Tama! First day namin sa school! At syimpre
Hindi na masaya.
Binuksan ko ang aking pinto at nakita ko agad si mama na nakatayo at galit na galit suot ang bistida niyang pula na bulaklakin at nakapuyod pa ito, demonyo lang ang peg mama?
"Goodmorning mama kong maganda! Rise and shine!" Bati ko sa kaniya at akmang yayakapin ko siya nang bigla na lang siyang nag labas ng hanger sa likod niya. Napaatras naman ako kasi alam kong saan pupunta ang hanger na hawak niya at inaamba amba na ngayon.
"Woah woah woah chill mother earth I'm your daughter" kinuha ko naman ang hanger mula sa kaniya at tinapik tapik ang balikat niya. That's right momma, good girl.
"Di ka pa bababa? Anung oras na jusko late ka, first day mo diba!?" Napakamot naman ako sa ulo dahil wala pa'kong gana pumasok ngayon. Well, no choice ayaw kong lumipad ang tsinelas sa mukha ko.
"Ay nako Celestina wag mo 'kong ginaganyan ganyan ha, ang laki laki mo na, bababa ka o ibabalik kita sa sinapupunan ko ngayon na?" habol niya pa at inagaw sa akin ang hanger.
Akmang lulusot naman na ako sa loob ng daster niya nang bigla na lang niya akong binatukan. "ouch! Grabe ka ma ito na po bababa na hehe goodmorning"
Napangiti na lang ako kay mama dahil sanay naman na'ko sa "ratatatatat" machine gun niyang bibig. Hindi ko nga alam kung bakit hindi napapagod yung panga ni mama kakaputak araw araw para lang disiplinahin ako kaya bumaba na lang ako ng hagdan at pumunta sa kusina para kumain.
Napatingin ako sa orasan at mamaya pa naman 12 o'clock ang pasok namin, may dalawang oras pa naman grabe naman maka late ito si mama.
Umupo na ako sa isang silya at hindi ko na binalak maghilamos o mag toothbrush man lang kasi haler? Kailan pa naging uso yun. Gutom na ako, saka kapag naliligo ako nag to-toothbrush naman ako. Tumingin tingin naman ako sa paligid at napansin kong wala si papa sa hapag. Where's papa??
"Ma, san papa?" Sabi ko kay mama nang makita ko siyang bumaba.
habang ako naman ay sumandok na ng sinangang at kumuha ng hotdog at itlog. Ang sarap talaga ng ulam namin pag si mama ang nagluluto. Oo tama, may ibang kick kasi sa panlasa ko ang luto ni mama kahit prito lang 'yon.
"Nauna na kumain at alam mo namang maraming mamimili ngayon sa palengke" sagot naman niya habang inaayos ang lamesa at nagabala na rin siyang kumain.
Nagtitinda kasi sila papa ng mga isda o kaya seafood sa palengke at dahil Lunes ngayon ay paniguradong maraming namimili ng groceries o stock food nila.
Naupo na rin si mama sa tapat ko at nagsimula ng sumandok ng pagkain sa plato niya. Napatango naman ako habang kumakain. Sana nakakain si papa ng marami ngayon.
Ako nga pala si Francheska Celestine Mirasol Silbeste pero ang tawag sa akin ng lahat ay Cheska o kaya Celestine at ang tawag naman nila mama sa akin sa bahay ay Celestina kase sa haba ba naman ng pangalan ko parang matutuyot muna 'yang lalamunan mo bago mo matapos. Ganun ka bigatin bes!
BINABASA MO ANG
Until We Meet Again
Mystery / ThrillerFrancheska Celestine Mirasol Silbeste was a student in a school loaded up with a serial killer founders. The solitary thing to escape this school is to graduate college. However, imagine a scenario in which time passes by and he just considers and t...