Ano'ng gagawin niyo 'pag nakasalubong niyo yung classmate mo? Hindi lang basta classmate, siya rin ang class president niyong gwapo. Magha-hi ka ba? Hello? Tapos babay na? Ano?
Kasi ako, nakasalubong ko...
Si Airen.
"Lim?" medyo bakas sa mukha niya ang hindi pagkasigurado kung yun nga ba ang pangalan ko. Lim kasi ang last name ko. Alam niya naman yun kahit papano, yun yung tawag ng teachers sakin. Tsaka, hello? Class president kaya siya! Tapos na ang 1st quarter di pa rin niya ako kilala?! (Bakit ba masakit sayo, Jadie?)
"Airen." nginitian ko na lang siya at lumabas na ng store. Hanep lang talaga yung sinagot ko.Shems naman, bakit ngayon pa nagkapunuan ng jeep? Baka matunaw tong ice cream. (AN: Yun lang ba talaga ang rason?)
"May kasama ka ba?" nagulat ako sa pagsulpot niya.
"Ano kasi, Airen... naghihintay ako ng jeep." wrong answer.
"Ice cream yang dala mo, right?" Sa tingin mo, lupa? Joke lang.
"Ah, oo." tapos ay umiwas na ako ng tingin.
"Ahh. Lim, hatid na kita sa inyo."
Hatid na kita sa inyo.
Hatid na kita sa inyo.
Hatid na kita sa inyo.
Nagulat ako sa sinabi niya. For real?! Tiningnan ko siya.
"Ha? Hindi na.. Okay lang ako." syempre naman noh, may hiya pa akong natitira sa katawan. Tsaka, di kami close! (Echos)
Mas nagulat ako sa sunod niyang ginawa. Lumapit siya sakin tsaka nagbend, as in bend pa. Wag kayong echos dyan! (AN: Baka ikaw Jadie? :D) Binasa niya yung ID ko.
"Audrey Jade..." umayos na ulit siya ng tayo.
"Audrey, mahihirapan kang sumakay ng jeep ngayon. Baka matunaw yang ice cream, tsaka pagabi na rin oh. Hatid na kita." seryoso niyang pahayag.
Buti pa yung ice cream pinakialaman. Pero kahit ganon, speechless ang beauty ko.
Di na ako makatanggi. Matutunaw na tong dala ko at gabi na rin.
"S-sige."
Naglakad kami papuntang parking area, nandun kasi yung motor ni Airen. Alangan naman san niya ipark yun diba? Ini-start niya na yung motor tapos umangkas na ako. Syempre, di ako masyadong dumikit. Hiya naman! Ang bango naman niya.. Yung mga shoulders niya... ang sarap sandal--
"San ka nakatira?" naputol yung pag-iimagine ko at sinabi ko sa kanya yung address namin.
"Ahh. On the way naman pala." sagot niya.
Tahimik lang kami hanggang sa makarating kami sa tapat ng bahay namin. Bumaba na ako at nagpasalamat.
"Salamat Airen ha."
"No problem. Sige, una na ako."
"Ingat ka. Salamat ulit."
Ngumiti lang siya tapos ay umalis na. Pagbukas ko ng gate, nakita ko ang kotse ni Papa. Ibig sabihin, nakauwi na siya. Humigpit ang hawak ko sa dala kong plastic. Pumasok na ako, saktong pagbukas ko ng pinto nakita ko si Papa na nakaupo sa sofa.
BINABASA MO ANG
I Almost Had You
Teen FictionWhen everything that's right just suddenly went wrong.