Chapter 41: Secret
Napansin ko sa aking peripheral vision na nakatuon sa akin si Kent at Sam, sila lang naman ang nakakaalam at nasabihan ko tungkol doon, pero hindi nakatakas sa paningin ko ang pagtaas ng kilay ni Chesca sa tapat ko. Hindi ko iyon pinansin.
“’Wag na tayo pumasok sa eskwelahan! Lolo naman nating lahat ang may-ari noon, e! ’Di ba, Zian? Ikaw, Manong, pumasok ka, outsider ka lang sa eskwelahan namin!” si Archie na bumasag sa katahimikan.
Natawa ang iilan, pero gaya ni Sam, Kent at Chesca, nanatili kaming tahimik at nagpalipat-lipat ng tingin.
I even heard my Kuya’s complain when our friends tried to babysit him. “Hindi naman ako natanggalan ng baga! OA niyo!”
“Victoriane.”
Napaangat ako ng tingin kay Jace. Hindi pa man ako nakakapag-react ay lumapit na siya sa akin at niyakap ako nang mahigpit.
Napapikit ako nang naamoy ang kaniyang pabango. If only I could forget that photo...
“I-I missed you,” bulong ko.
Nakagat ko ang aking labi. Mukhang hindi mapigilan, ah? Ganoon ba karupok? Calm down, Ariane.
Kalimutan ko na lang kaya ang litratong iyon? Wala rin namang rason para magalit ako sa kaniya maliban doon. Paano kung sinisiraan lang siya sa akin, hindi ba? Pero...
“I missed you too. I love you so much,” bulong niya.
Tipid akong ngumiti nang halikan niya ang aking noo. Bakit ganoon? Nakakalimutan ko lahat ng sakit sa isang 'I love you' at halik niya lang?
Ano ba talaga, Jace? Why are you acting like you didn’t do anything wrong behind my back? Or baka... magaling ka lang talagang magtago? Do I really know you?
Hinila niya ako papunta kanila Kuya, at nagsimula na rin siyang makipag-usap nang may tumawag sa akin sa gilid.
“Ariane...” tawag ni Chesca.
“Hmm?” Napapatitig ako sa kaniya at nang maalala na hindi ko siya kapatid ay nagpasaya sa akin. Dahil isa lang ang dahilan noon... Papa didn’t cheat on us.
Lumabas si Chesca at sinenyasan akong pumasok kaya sinundan ko siya.
“Alam ko na alam mo na, hindi ba?” bungad sa akin ni Chesca pagkalabas ko, nakataas ang kilay.
I knew what she meant. “Yup.”
Her features softened. “All those years, naniwala akong ama ko si Mr. Reistre at kapatid ko naman kayo dahil iyon ang pinaintindi sa ’kin ni Mommy, but I realized everything I did because my dad made me. Siya ang ama ko, pero noon ay may parte pa rin sa akin na hindi siya tinuturing bilang isa dahil sa pang-b-brainwash ni Mommy sa akin. As per my dad, he told me everything and I understood afterwards. I even hated my mom because of that. For weeks, nag-isip isip ako sa lahat ng kasalanan na nagawa ko lalong lalo na sa Daddy ko, and it’s all because of my Mommy’s selfishness.
“I’m saying this because... I want to beg for forgiveness... I hope you can forgive me. I really am sorry, this time... I’m sincere, Ariane.” Her voice broke. “I want us to build a friendship, please? I want you to be my friend —”
I smiled and cut her off. “Oo naman, ’no. Willing ako, at waiting na rin,” pagbibiro ko.
A small smile crept on her lips and she widened her arms. “Friends?”
My smile grew wider and accepted her hug. “Friends,” I replied.
“I’m sorry for the wrong things I did...”
YOU ARE READING
Meet Me In Clark High (Reistre Series #1)
Teen FictionAfter transferring to Clark High School, Anella Victoriane Reistre was able to start a new, significant life. She didn't know that studying there would be precious, for her dull life would change into something colorful. Meeting people she never tho...