Chapter 14:A friend for good times

10 0 0
                                    

"Wahhh! Grabe ang saya non! Hinding-hindi ko makakalimutan yon!" tili ni France habang tinititigan ang dalawang piraso ng tela.

"Hindi daw makakalimutan pero kanina lang hindi maalala eh." bulong ni Gideon.

"Anong sabi mo?!"

"Wala, sabi ko ituloy na natin 'tong paghahalungkat dito!"

"Kaya nga! Ano bang next?" sabat ni Shella at lumapit sa container.

Kinuha niya ang isang envelope na nakapatong doon, naninilaw na ito pero hindi pa naman nabubuksan. Sa likod nito ay may nakasulat.

"First performance" sabay na basa nina Shella at Erynn. Hinugot naman bigla ni Lucas sa kanila ang envelope.

"Hoy!" sigaw ni Shella, hindi naman siya pinansin at pinagpatuloy lang ang pagbubukas ng envelope. Pagkabukas ay mayroon siya hinila mula sa loob, isa itong picture.

"Singerist ka Ghorl?" sabi ni France nang tignan ang litrato.

Sa bihirang pagkakataon ay pwede silang umakto na para bang bata, bagay na hindi gugustuhing makita sa kanila ng ibang kaedad nila at mas matatanda pa.

"Shuta alam na alam ko nangyare dito!" sabi ni Erynn.

Ang picture ay kuha sa kanila habang tumutugtog sila sa stage.

"Si Mama kumuha nito." sabi ni Nathan nang makita ito.

"Infairness, magaling mapicture si Tita Soraya! Ghorl ang ganda ko dito!" sabi ni France, binatukan naman siya ni Shella.

"Para kang tanga!" aniya, "So ano? may story ba dito?"

"Alam ko!" nagtaas ng kamay si Erynn na para bang gustong sumagot sa teacher, " So ganto yon..."

Erynn

Today is holiday kaya walang pasok, ibigsabihin din ay long weekend dahil Friday ngayon.

8:30 akong bumangon dahil siguradong bubulyawan nako ni mommy pag mas late pa don ang bangon ko, pagkababa ay nagwalis nako. Dahil siguradong papagalitan din kami pag walang gumawa ng gawaing bahay.

Makulimlim ngayon at umaambon, tag-ulan na kasi at may paparating din na bagyo. Pinaka-inaabangan daw nila ay announcement ng mayor kung may pasok o wala. Hindi naman ako aware na ganun na pala, ilang taon nga kasi akong hindi nag-aral sa school. Home school lang.

After kong gumawa ng gawaing bahay, umupo ako sa hagdan dahil malakas ang wifi don at nag-scroll sa Facebook. Muntik ko nang nahulog ang phone ko nang makita ang post ni France. Nagchange kasi siya ng profile picture.

Ang picture niya ay mukha niya at nasisinagan ng araw with a caption "Sunkissed".

Meron siyang 500 heart reacts at 3 haha. Mukhang alam ko na kung sino ang mga yon. Siyempre nag-haha din ako.

Pumunta ako sa comments at nakitang nag-comment sila Shella, Lucas at Gideon.

Shella Salazar:

I love the Philippines! I'ts full of friendly people!

Greetings from China!, Chinarot after Hinarot.

Lucas Esguerra:

Sunkissed ba yan? Prang nilaplap ka ng araw!

Gideon Silvestre:

Kinukuha ka na ba ni Lord?

Siyempre kailangan nating icontinue ang chain kaya nag-comment din ako.

Hallway's SymphonyWhere stories live. Discover now