Epilogue

2.4K 78 24
                                    

"Dito ka na mag-dinner, hijo. Magluluto ako ng masasarap na pagkain, tutal ay wala naman ang mga magulang mo! Kami na ang maghahanda!" Tita Auren exclaimed on the other line.

I chuckled. "Sure, Tita. I would love to. Thank you."

"Aasahan ko 'yan. Dito ka na dumiretso, ha, hihintayin ka namin," dagdag niya pa.

Tumango ako kahit hindi naman nakikita. "Opo. Nariyan ba si Victoriane?"

"Oo, karga-karga ang kapatid. Aalis na nga rin 'to mayamaya dahil gusto ka raw niya puntahan-"

"Ma! Sino 'yang kausap mo?" I heard Victoriane's sweet voice.

Napaayos ako ng upo sa swivel chair at mas naging attentive. I pursed my lips.

"Si Jace-"

"Sinabi mo na pupuntahan ko po siya? Bakit? Ano ba 'yan, e, 'di alam niya na," pagmamaktol nito.

Humalakhak ako. Ano'ng alam na, babe?

"Tita, can I talk to her?" singit ko.

"O, sige, sige! Teka!" I then heard unnecessary noise before it went stable.

"Hmm?"

Napangisi ako. I leaned on my chair and played with my lips while my phone's on my ear. "Miss you, babe," sabi ko.

She giggled. "Clingy 'to! Miss agad, e, nagkita naman tayo kahapon, ah."

I arched a brow. "Even so. Anyway, I still haven't received any greetings from you," malamig na wika ko, siyempre kunwari lang.

She cleared her throat. "I greeted you early in the morning! E, baka nakalimutan mo?"

I chuckled. "Right, I remember that one, but I still wanna hear it. Text lang kaya 'yon."

"Fine! Happy birthday, love you so much!"

I twisted my lips. Damn this girl. How could she make me speechless by just saying those magic words?

I sighed. "Shit, pupunta kaagad ako riyan pagkatapos na pagkatapos ko rito," sabi ko at inipit na ang cell phone sa balikat at tainga para unti-unti nang ligpitin ang mga documents na ikinalat ko rito sa loob ng office ni Papa.

She giggled. "Tapusin mo iyan, Jace. Take your OJT seriously."

I nodded, still compiling those papers. "Yes, ma'am. For you. Always."

Today's my birthday yet my parents can't arrive earlier than planned. May business trip sila sa ibang bansa noong nakaraang araw pa, at ngayon din ang uwi nila kaya lang na-delay ang flight kaya paniguradong gabing-gabi na sila makakarating.

It's fine though. Importante iyon, and them not making it on my birthday was nothing. Ayos lang, I have her.

Nasa parking pa lang ako at balak nang umalis nang may biglang nagtakip ng mata ko galing sa likod. Bibigwasan ko na sana dahil sa gulat kung hindi ko lang napamilyaran ang bango.

"Guess who," malambing niyang bulong.

I chuckled and turned around. Unti-unti kong tinanggal ang kamay niya sa mata ko at nang makita siya ay nagkatinginan kami. "Victoriane."

Meet Me In Clark High (Reistre Series #1)Where stories live. Discover now