Chapter 9

37 1 0
                                    


Zarina POV

INTRAMURALS

Lunes na at ito ang unang araw ng intramurals.As expected may parade.Naka jersey ako syempre player ako.Nakikita kong sobrang abala ang mga SSC officers pero bakit si Shaina ay nakita kong wala namng ginagawa?Sabagay ano ba ang role ng muse?

Nakita ko kanina si Acer sa bandang likod at nakasuot din sya ng jersey.Grabe sobrang hot niya!Agaw pansin din ang kulay ng buhok nya.Magkapareho lang kami ng kurso which is Business Ad pero nasa senior siya. Naiinis ako kapag ganito.Pano ba namn lahat kailangang nasa parade.

Ang init na at humihinto pa para magpakitang gilas ang banda.Nga pala, majorette ang sinalihan ni Genesis.Alam niyo na maarte ang loka.Sabagay maganda namn ang kaibigan ko at maputi.Ako lang ang morena.Tsaka hindi ako mahilig sa exposure .

Sa wakas ay natapos na din ang parade at lahat ay nagtitipon sa loob ng malaking gym ng campus para sa official opening.By department ang bleachers para sa hearing of the crowd.Hinanap ko kaagad si Acer.Wala akong kasama dahil si Miguel ay Education Department at nasa baba si Genesis para again magpakitang gilas.Duh...

After ng mga speech ay activities na agad.Ang laro ko ay naka sched agad pero prepared ako. Desidido akong panghawakan ang title para sa department namin at para sa pangalan ko.hehe!

Ang practice room namin ay siya ding ginawang play room.Maluwang namn dun para sa badminton game.Mas gusto ko ang individual dahil nagagawa ko ng maayos ang technique ko.Malakas pa namn ang kalaban ko na educ at senior pa.Nakita ko sa audience dito sa loob si Miguel.At ang gaga sa akin nagcheer.hahaha!

Nang magsimula na ang game ay inikot ko muna ang paningin ko.Kailangan ko ng vitamins bago magstart.Pero mukhang di sya makapunta.Bukas pa naman ang laro niya ah. Nang tumunog na ang whistle hudyat na magsisimula na ay mabagsik akong pumwesto.Bago yun muli kong sinulyapan ang crowd.

'Ohww...'I saw him.Nasa likurang bahagi.Buhok pa lang kita ko na.Gosh naging hyper ako lalo.hehehe!

FAST FORWARD...

After ng game hindi ko nakita si Acer.As expected panalo ako.Sisiw lang.Warm up lang pala nagawa ko hindi man lang ako napagod..hehe!Thanks to him.Nilapitan ako ni Miguel at binati.Sira talaga.Ibang department ang sinuportahan.Nakasali na din sya sa basketball game at may laro agad sila bukas .

"What time nga pala ulit ang laro nyo?"tanong ko sa kanya dahil bka parehas ng time sa laro ni Acer .

"10:00 am.Kailangan nandun ka.Manonood si Genesis at kailangan ko ng moral support."Anito.Napatutop ako.

'Pano yan?Magkaparehas ng time slot ang laro nila ni Acer.Gusto ko pa nann makita si Acer maglaro .'

"Hoy !"untag nito.

"Pano ba yan?Laro din ni Acer ng oras na yan eh."Reklamo ko dito.Napasimangot namn ito.Alam nitong mas matimbang sa akin ang crush ko.Haha!

"Ganito na lang.Pagka-timeout ko, lipat ka sa laro niya.Tapos--"

"Hoy!Papagurin mo ako?At isa pa individual game yung kanya.Hindi kita mababalikan kung sakali dahil wala namng substitution sa kanila,"wika ko.Napangiwi sya.Syempre kay Acer ako manonood bukas.Nanood din sya sa akin kanina eh.

"Nanood nga ako sayo eh."

"Nanood din sya kanina noh!"turan ko at bahagya pa itong nagulat.Tinawanan ko na lng .

KINABUKASAN...

Hinintay ko ang 10am at pumasok na sa ping pong game area.Wow daming fans ah!Nakisiksik ako.Dahil puno ba namn.Grabe!Sikat din.
Nasa harapang bahagi ako dahil sumiksik talaga ako.Napangiti ako ng makita sya.Handang-handa na sya.Napagawi ang tingin ko sa upuan nya kung saan naroon ang bag nya.Napasimangot ako sa nakita.

'Anong ginagawa ng Shaina na yan?May patubig-tubig pa.'
Nakatayo ito sa gilid ng upuan ni Acer.Inignora ko muna ito at binalingan ang ngayo'y nakangisi nang si Acer.Ang gwapo nya talaga sa jersey na suot.Lalo syang nagiging hot.Ang sarap hawakan ng muscles nya.Ay!manyak namn ng isip na to.
Mukhang hindi nya ako nakita kaya namn kailangan ko syang i-cheer.

"Go Acer!Go BSBA!"Pagcheer ko.Napalingon ang ibang mga tao na nadun.Napalingon din sya sa akin kaya nginitian ko sya .

"Uy!Diba si Zarina yan?Yung badminton player?"

"Ang ganda nya noh?Bakit sya nandito?"

"Tange!Business Ad sya noh!Natural support."

"Hi Zarina.Hehe!"
Napangiti ako sa mga narinig.Walang bashers..hahaha!
Iba't ibang department ang naririto.Napabaling ako kay Acer at nakafocus na sya sa laro.Nag start na pala.Napapabilib ako sa liksi nya.Ang ganda din pala manood ng ping pong.Pwede ko rin to subukan.Ang gagaling.Pero sa kanya ako naktingin.

'Lalo lang ako naiinlove sayo eh.Kahit sinusungitan mo ako.'sa isip ko.

Pagkatapos ng laro at syempre panalo sya.Tulad ko parang warm up lang sa kanya ang unang match.Kaagad syang binigyan ng tubig ni Shaina.Nag-alangan akong lumapit para sana batiin sya.Nakita kong napasulyap sya sa banda ko.Ngumiti na lang ako sa kanya saka tumalikod paalis.Punta na lang ako ng gym.

Pagdating dun nakita kong naglalaro pa si Miguel.Napangiti ito ng makita ako.Marami ding tao.

Pero tahimik lang ako na nakatingin sa kanila.Ayaw ko talagang nakikitang may kasamang ibang babae si Acer.Nanghihina ako.

 ✓ Hey! Mr. Angry Bird ( COMPLETED)Where stories live. Discover now