Fast Forward...
Zarina POV
It's friday at last day na ng intrams.Champion ang department namin sa halos lahat ng ball games.Kasama dun si Acer at syempre ako sa badminton. Nagtext sa akin kanina si Kevin na kapag dumating ang team nila ay puntahan ko sya.
'Namn..ayoko ng disaster.'Hinanap ko si Genesis at nakita ko siya sa bleachers.Si Miguel nasa baba dahil after ng exhibition game ng volleyball ay susunod ang sa basketball namn.May guest from other school din na dadayo para sa exhibition game .
"So exciting!"Tili pa ni Genesis at hinila ako papunta sa bandang harap sa baba.Nagpahila na lang ako. Maya-maya rinig ko ang ingay ng crowd.Sobrang puno ang gym para sa araw na ito.May mga outsider din na naroroon.Hindi ko pa nakikita si Acer.
Nakita kong papunta na sa gitna ang team nila Kevin para sa Volleyball.Palinga-linga ito sa paligid.Kumaway si Genesis kaya napairap ako dito.
"Hahaha.Ginagawa ko na ang utos mo po."Sarkastikong wika nito.Nakita kong papalapit sa banda namin si Kevin.Nagtitilian tuloy ang mga kababaihan malapit sa amin.
"Glad you're here!Baba ka namn dito para may tagabigay ng tubig sa akin."Anitong nakangisi pa.
"Hi Kevin!"si Genesis .
"Hoy!Hindi ako tagapagsilbi.'Wag mo nga akong abalahin.Kung gusto mo itong kasama ko oh!"Pagtataray ko sa kanya.Mas lalo pa itong lumapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit.Tinulak ko sya.
"Gago ka talaga!"Singhal ko sa kanya.Kahit walang malisya sakin pero sa iba baka isipin na boyfriend ko sya.No way!
Napatawa namn ito pati ang magaling kong kaibigan ."Ganyan mo ba ako tratuhin as guest.Dapat isupport mo ako--"
"Hoy!Sa team namin pa rin ako su-support.Get's mo?"Naiinis kong turan dito.
"Oo na .Sige na.Dun kayo sa baba para mabigyan ako ng maganda mong kasama ng tubig."Sabi nito at nginitian ang kaibigan ko.Nakita kong kinikilig ito.Dzuh!
Palapit naman ang ilang team ni Kevin pero hinila nya lang ang mga ito.Hahaha!Protective ang gago.Pinagsusuntok namn si Kevin ng mga kasama nito habang pasulyap-sulyap sa akin.Parang nanunukso.
Nagstart na ang game.Syempre nanood ako.NakakaaliwAang liliksi nila.Love it!Pero iniikot ko pa rin ang mata ko baka mahagip kung saan naroroon si Acer.
"Hindi mo nakita no?"tanong ni Genesis.Napansin nya pala na parang may hinahanap ako.Napatango ako at may lungkot sa mga mata na ibinalik ang pansin sa laro.Natapos ang laro at guess who won the game? Syempre ang team ng school namin.Though dikit ang labanan.Inayos namn ang court dahil susunod na ang highlight.Basketball game. Palapit sa pwesto namin sina Kevin.Malapad pa rin itong nakangiti at akmang aakbay ng makalapit na.
"Pwede ba?Ang baho mo!"Reklamo ko at sinamaan sya ng tingin.Natatawa itong tumabi sa amin ni Genesis at inabot ang tubig na ibinigay nito.
"Di namn Zar ah!Ang bango niya kaya."Ani Genesis at ang lapad ng ngiti.Napairap ako sa kanila.Good.Magsama kayo dahil wala ako sa mood para makipagbiruan.
Muling nagsigawan ang crowd ng pumagitna ang magkabilang team.Nag warm up muna at nakita ko si Jake na papalapit sa direksyon namin. '
'Naku po!Andito pa namn si Kevin.'Sa loob-loob ko.
" Hi!Magkakilala pala kayo ng guest natin?"Kaagad na bungad na tanong ni Jake na hilaw ang ngiti. Nakita kong sinamaan ito ng tingin ni Kevin.Tumikhim ako.
"Ahmm...yeah.Kapitbahay nya kasi si Zarina."Si Genesis ang sumagot.
"Really?I thought your one of the admire--"
"Hey Jake!Galingan nyo ah!'Wag mong ipahiya ang school natin."Sa halip ay pinutol ko ang anumang sasabihin nito.Napabaling ang tingin nito sa akin.
"Of course!'Cause my lucky charm is here."Aniyang mataman akong tinitigan.
"Back off Jake!"Napatayo si Kevin at akmang lalapitan si Jake kaya niyakap ko ito.At kunwari nilambing lambing.
"Kev...hayaan mo na.Masyado kasi akong maganda eh."Narinig kong napahagikhik si Genesis at umalis na si Jake papunta sa team nito.Hindi ko na kasi pinansin pa. Tinitigan ako ni Kevin ng seryoso.
"Seriously?He was your ex,damn it!"Napapikit ako dahil parang galit ito.
"Exactly.He was.Kaya huminahon ka dahil kaibigan na lang ang tingin ko sa kanya.Alam mo namn ayoko ng may kaaway."Mahinahon kong turan dito at pinaupo na sya.
"That's right Kev.Masyado kasing pafall yang kaibigan mo kaya hinahabol ng ex's."Sabat namn ni Genesis.Inirapan ko ulit sya sa sinabi nitong walang katuturan. Ibinaling ko na lang sa iba ang tingin ko at sakto namang nakita ko si Acer sa kahilira naming bleacher pero medyo malayo.Kailangan ko pang umabante sa upuan ko para makita sya.
'Oh my!Thank you at nandyan ka na.'sambit ko sa isip.Ang tingin niya ay nasa court lang.Kanina pa kaya sya dyan?
Ang tatlo nyang kaibigan ay mga varsity sa basketball.Siya lang ang hindi pero ang dinig ko sa mga kaibigan nito magaling din ito sa basketball.Isa lang ang pipiliin mong sport sa intrams at siguro matimbang dito ang ping pong .'Bagay talaga tayo.Talented at skilled'.Sa isip ko.Kinalabit ako ni Genesis.Pagabaling ko ay napatingin silang dalawa sa akin.
"Bakit?"inosenteng tanong ko sa kanila.
"Nandyan ba ang court?"taas kilay na tanong ni Kevin.Napagitnaan namin sya ni Genesis.Ngingisi-ngisi lang ang kaibigan ko.Napapangiti na lang ako at ibinalik sa court ang tingin.Nakita ko si Miguel na pumasok sa 1st five.Napatili kami ni Genesis.
"Wow, si Miguel!"Tili ni Genesis.
"Sino yun?"Tanong ni Kevin na mukhang naiinis.
"Kaibigan namin.Ipakilala ka namin mamaya.Yung naka jersey number 5."Wika ko. Pasulyap-sulyap ako sa gawi ni Acer.Baka mamaya makita ko si Shaina.CAS-ED department naman si Shaina.
Paglingon ko ay bahagya pa akong nagulat ng mahuli kong nakatingin din sa akin si Acer.Omo!Sa akin nga ba?
Medyo kumabog ng mabilis ang puso ko dahil sa kaba.Seryoso lang syang nakatingin sa akin kaya nginitian ko sya ng matamis at nakipagtitigan.Hindi sya umiwas ng tingin.Naramdaman kong kinalabit ako ni Kevin at binulungan pero 'di ko masyadong naintindihan kaya nilingon ko muna ito.
"Ano ba yun?"Naiinis kong tanong dito.
"Sabi ko parang nabobored ka baka gusto mong lumabas muna.Bili tayo ng snack."
"Kayo na lang ni Genesis.Bilhan nyo ako .Tinatamad akong tumayo."
"You sure?"Anito.
"Oo."At tinulak ko silang dalawa patayo.Pagkaalis nila ay ibinalik ko ang tingin kay Acer. Ngayon ay nakatingin na ito sa harap at ang sama ng tingin.
'Sino namn kaya ang kinaiinisan niya sa court?'
Bigla itong napasulyap sa gawi ko.Napasinghap pa ako.Ngayon naman ay sa akin na siya nakatingin ng masama.Tiningnan ko sya sa nagtatanong na tingin.
'Ano naman problema nito at nadamay ako sa masama nyang tingin.'
Ibinalik nito ang tingin sa court at ngayon seryoso na.Gusto ko tuloy sya puntahan baka naiirita lang sa mga katabi na panay tili.Hindi ko alam kung sino tinitilian.Ang mga players ba o ang katabi ng mga ito na si Acer.
Pagkabalik ng dalawa ay may dalang mga snacks na.Nilingon ko ulit si Acer. 'Huh?San na sya?

YOU ARE READING
✓ Hey! Mr. Angry Bird ( COMPLETED)
RomanceCollege life is amazing!Who says not? You know why?Because I found him, my happy pill. I was 2nd year and he was in 4th year when I noticed him.And thats when the story begun. By the way, I'm Zarina Alarcon, 18 years of age and we're enjoying my col...