PROLOGUE

4.9K 92 0
                                    

A/N: Be aware of grammatical errors and typos ahead :-)

"Who told you to touch my girl!" Sigaw ng kadarating na si Yatch at sinapak si Harold. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa ginawa niya.

"Y-Yatch! tumigil ka!" Natataranta kong awat sa kan'ya pero hindi niya ako pinakinggan dahil patuloy lang ito sa pagsuntok kay Harold.

"F*ck you! for touching my girl without my permission!" Sigaw ulit nito at pinagsusontok na naman si Harold.

Lahat ng tao ngayon sa park ay natataranta na rin dahil sa kaguluhang ginawa ni Yatch.

"Tulongan niyo po akong awatin sila!"

May lumapit sa 'ming dalawang lalaki at pilit na pinapatayo si Yatch sa pagkakadagan nito kay Harold.

"Yatch! tama na!" Patuloy kong awat at hinihila siya.

"Yatch! ano ba? sabing tama na!" Malakas at may diing kong sigaw. Mukhang tumalab naman ang pagsigaw ko dahil huminto na siya sa pagsuntok kay Harold.

Tumayo siya ng kusa at tinignan ako ng masama.

"Tara na!" Sabi niya at hinila ako papunta sa kung saan. Naiwan ang tingin ko kay Harold na bugbog sarado dahil kay Sir Yatch.

Ano bang problema niya? at pano niya nalaman na nasa park ako?

"Get in!"

At pinagbuksan ako ng pinto. Nag aalangan pa ako kung sasakay ba ako o hindi dahil naiwan si Harold do'n na ng hihina.

"Are you deaf? I said f*cking get in!" Halos magdikit na ang makapal niyang kilay dahil sa sobrang pagkunot ng noo niya.

Napalunok ako.

Hindi ko pwedeng iwan si Harold do'n ng mag isa, baka mapano 'yon! at kailangan niyang magamot.

"Y-Yatch.." kinakabahan kong sabi.

"Ano?! sasakay ka o ako ang sasakyan mo!"

Dali-dali naman akong tumango at pumasok sa loob ng kotse, sa passenger seat ako umupo dahil doon niya naman ako palaging pinapaupo kapag nakasakay kami sa kotse niya.

Pumasok na din siya pagkatapos kong makasakay. Nakatingin parin ako sa park, nagbabakasakali na sana may tumulong kay Harold. Hindi ako mapakali. Kawawa siya do'n kung walang tutulong sa kan'ya.

"Ay!" Gulat kong sigaw ng biglang paandarin ni Yatch ang kotse ng napakabilis.

"Yatch! magpapakamatay kaba?!" Sigaw ko at mahigpit na nakakapit sa seat belt na suot ko, 'buti at 'di ko nakalimutang ikabit 'to sa 'kin dahil kung hindi baka nauntog na ako ngayon.

"Yatch! ano ba?!" Patuloy kong sigaw pero mas lalo niya lang binilisan ang pagmamaneho.

Napa-iyak ako dahil sa takot. Ayaw ko pang mamatay!

"F*CK!"

"F*ck!"

"F*ck!"

Pagmumura niya at dahan dahang binagalan ang takbo ng kotse nang makitang umiiyak ako.

Hanggang sa makarating kami sa mansion niya ay patuloy parin ako sa pag iyak.

Nang maihinto niya ang kotse ay tumingin siya sa 'kin.

"Kierren, I'm sorry." he said at niyakap ako.

Tinutulak ko naman siya dahil sa galit na nararamdaman ko, pero walang epekto dahil mas malakas siya sa akin.

"Kierren.." pagtawag niya sa pangalan ko.

"Bakit ka ba nagkakaganya? huh! bakit mo binugbog si Harold?!" Umiiyak kong tanong sa kan'ya at patuloy na tinutulak siya.

Mabilis ang paghinga ko.

"Kierren..."

"Pwedeng tigilan mo ang pagtawag sa pangalan ko! Kailangan ko ng sagot!" Bulyaw ko rito. Mas hinigpitan pa nito ang pagyakap sa akin.

"I'm sorry sweety... Ginawa ko lang iyon dahil nagseselos ako." pag-amin niya dahilan para matigil ang pag-iyak ko. Sandaling prinoseso ng utak ko ang sinabi niya.

S-Selos? nagseselos siya? bakit? hindi! nagkakamali lang ako ng narinig! Ang isang Yatch Rieven Alcazaren magseselos? isa ata 'yong biro.

"I'm sorry if I punched your friend. Nagdilim lang ang paningin ko nang makitang hinawakan ka niya. Alam mo naman na ayoko ng may kahati. What's mine is only mine and I dont share." sabi niya ulit na nagpabilis ng tibok ng puso ko.

Hindi! hindi 'to totoo!

"A-Ano ba ang sinasabi mo? hindi kita maintindihan!"

Gusto kong klarohin ang sinabi niya, baka nagkakamali lang siya.

"Hindi ko na pahahabain ang usapan."

Lumambot ang tingin niya sa 'kin. Hinuli ang kamay ko at hinawakan.

"I want to tell you that... That I-I like you..." He paused biting his lips. "No! I mean... I love you." diretsong sabi niya at humiwalay sa pagkakayakap sa akin.

Hinawakan niya ang mukha ko at pinahidan ang mga luhang malapit ng matuyo sa mukha ko.

"Sweety, I love you." kita ko ang senseridad sa mga mata niya nang sabihin niya ang mga katagang 'yon.

Napatitig ako sa maamo niyang mukha. Ang mga mata niya ay nagbabadyang lumuha.

Dahan-dahan siyang lumapit sa akin kaya napapikit ako. Maya-maya lang ay naramdaman ko ang labi niya na nakadikit na sa labi ko.

Isang mabilis na halik ang 'ginawad niya sa 'kin.

"Remember this. I will court you... I will court you until I get your sweetest yes, sign that you already accepted me to your life."

SLAVE BY THE POSSESSIVE BILLIONAIRE (Under Revised)Where stories live. Discover now