Maaga akong nagising. Kasi may lakad kami ngayon Saturday naman kaya, naisipan naming tumambay kina agatha. Naligo ako nag bihis simple lang ang suot ko. Naka pantalon na jeans ako at gucci belt, then black na sando. Itinak-in ko ang sando sa pantalon. At nag sneakers nalang ako.
"Mommyyy" sigaw ko pag baba ko ng hagdan.
"Ma'am reyziel, nakaalis na po sila kanina pa pong 6am" Sabi ni Manang.
"Ah sige po manang salamat" di na ako nag almusal. Sumakay na ako sa kotse ko. Pinayagan na ako nina mommy na gamiti itong sasakyan ko. Sobrang saya ko kasi di na ako sasakay sa mga pampublikong sasakyan. Banas kaya dun. Madali akong nakarating sa bahay nina agatha. Naabutan ko pa itong nag kakape at naka taas ang dalwang paa sa upuan.
"Oh bat ang aga mo?" Nabigla sya sa pagdating ko. Ang aga pa nga naman 9am palang. "Nag almusal kana ba?" Tanong nito.
"Hmmm, Hindi pa nga eh" sagot ko. Tumayo Ito at ikinuha ako ng pancakes at kape.
"Oh mag kape ka muna, sina daven mamaya pa daw after lunch" nag kwentuhan lang kami habang nag kakape. Mayaman din si agatha yung mommy nya isang doctor at yung daddy nya piloto. Only daughter lang din sya, same kami. Kaya lahat ng gusto ni agatha binibigay ng pamilya nya. Maganda si agatha lahat ng gwapo sa school namin jinojowa nya, Kaya yung ibang babae galit na galit sakanya. Minsan na akong nagkaroon ng crush sa school namin. Crush lang, nung nalaman ni agatha diniskartehan nya ito. Kinabukasan boyfriend na nya. Wala akong naramdamang inis sakanya kasi di ko naman mahal yung lalaking yun. Kaya ok lang saken. Sobrang close namin ang isat isa, lahat sinasabi nya saken kahit medyo bastos pinapakinggan ko sya. Sa dinami daming naging lalaki ni agatha ni isa wala siyang iniyakan at sineryoso. Lalaki pa nga ang umiiyak kay agatha.
"Anong gusto mong ulamin natin, reyziel?" Tanong ni agatha.
"Gusto ko adobo" naka ngiti kong sabi. Tinawag nya ang yaya nila at sinabing, ipagluto kami ng adobo.
After naming kumain, dumating na sina daven may dalang isang kahong redhorse.
"Baka magalit parents mo agatha" kinakabang sabi ni faye.
"Wala dito sina mommy, nasa states next month pa ang uwi nila" naka ngising sabi ni agatha. "Kay mag paparty tayo mag damag" nag sayaw ito na parang tanga. Minsan talaga iniisip ko kung anong teknik ginagamit nito sa mga lalaki. Eh hindi naman marunong sumayaw at kumanta.
"Gusto ko yan" nag tatatalong sabi ni Faye.
"Anong pulutan natin?" Napabaling kami kay daven. "May snacks nga pala" napa kamot sa ulo si daven. Matakaw talaga yun di naman tumataba.
"May tira pa kaming adobo kanina, pulutan pa natin yun" Sabi ni agatha. "Maliligo lang ako, Kung di pa kayo nakain kumain na kayo jan" nanguna nguna si daven sa kusina, patay gutom ang puta.
"Ano ba daven! Nakakahiya ka, parang di ka pinapakain sainyo ah!" Suway ni faye kay daven. Sunod sunod kasi Ito kung sumubo ng pagkain. Parang uubusan sya.
"Ngayon ka pa nahiya faye, eh ang tagal na nating kaibigan yang si agatha" sagot ni daven. "Excuse me Faye!!!, Pinapakain po ako sa bahay" dagdag pa nito.
"I don't believe you, Kung pinapakain ka. Bat parang gutom na gutom ka" nanlilisik ang mga mata ni faye na diretsong naka tingin kay daven.
Napapahiyang nag iwas ng tingin si daven. Matagal na din naming kaibigan si daven, pero sya lang ang mahirap samen. Yeah laking hirap si daven, diko na din matandaan kung pano namin sya naging kaibigan. Basta lagi nalang namin siyang kasama. Then naging friend na din namin, di naman namin sya kinakahiya. He's very protective friend, bukod sa maganda na ang ugali nya matalino pa. I trust him tuwing may problems ako na diko maopen kina agatha, sakanya ko nalang sinasabi lahat. I'm very thankful kasi naging friend namin sya."Shut up! Nasa hapag kainan tayo, so please kumain nalang tayo" Sabi ko sa kanila. Napagtanto ko rin na biglang tumahimik si daven, I'm sure nahiya na sya kay faye. Si faye maarte yan eh, madami na ding naging boyfriends si faye, wala ding nag tagal. Una palang naming nakilala si daven, talagang ayaw ni faye na maging friend si daven. Kasi mahirap lang daw, di daw makakasabay sa gala namin kasi baka daw walang pera. I hate her manners matalino nga sya patapon naman ang ugali. Pinakikisamahan ko lang sya, because of agatha. Kung ako lang ang masusunod ayaw ko syang maging kaibigan. Pero pilit kong iniintindi ang ugali nya nasanay na rin ako, Kasi matagal na kaming nag sasama. Gusto ko kay faye yung tunay sya kung mag salita kahit nakaka sakit na sya, tunay sya sa sarili nya. Mayaman si faye, yung parents nya office lang din. Gusto ni faye sya ang mamamahala ng office nila someday. Gusto kasi nyang maging CEO. I think matutupad nya yun, mayaman sila eh. Basta mayaman ka lahat ng gusto mo makukuha mo.
"Are you guys done?" Biglang tanong ni agatha. Tapos na syang maligo, at naabutan nya pang kumakain kami. "Reyziel! Kumakain ka nanaman?" Pagtaas boses ni agatha saken.
"Nagutom ulit ako" natatawa kong sagot.
"Ako na mag huhugas ng mga pinggan" prisenta ni daven. "Nakakahiya naman" naka ngiting sabi pa nya.
"Tulungan na kita, daven" nakayukong wika ni faye. Nahiya din siguro sya sa mga sinabi nya kanina kay daven.
"Naku wag na faye" tinanggihan ni daven ito.
"Ok sige" naunang umalis si faye at dumiritso sa sofa.
^_^________________________ Don't forget to vote and follow me.
YOU ARE READING
Take Me To The Ocean (Province Series 1)
Teen FictionProvince series no. 1 (Take me to the ocean). Reyziel Madrigal isang dalagang mayaman, she want to be a good doctor in the future. Her friends, nag akit pumunta sa isang sikat na probinsya. The province is very special to her, because of province na...