I am preparing my daughter. Inayos ko ang buhok at damit niya. She'll meet her father, ayaw kong may masabi si Sais na pangit sa pagpapalaki ko sa mga anak ko. Ayaw kong marinig sa kanya na hindi ko pinahalagahan ang mga anak ko. For almost seven years I dedicated my life on my children. Sinigurado kong hindi ako naging pabaya but look at now, I am doubting myself kung totoo ba ang sinasabi ko kasi nasa Hospital ang isa kong anak. Pakiramdam ko nagkulang ako.
''Mamay, I'm scared'' Issa whispered to me. Tumingala ako sa kanya.
Nakaluhod kasi ako sa harap niya habang inaayos ang damit niya. Ang nagbabantay ngayon kay Hazel ay si Raney muna, buti nga at nainitindihan ni Hazel na aalagaan ko muna si Issa. I don't want to be unfair to them. Ayaw kong nagkukulang ako sa kanila. I want them both to know and feel that my love for them are equal.
Hinaplos ko ang mukha ni Issa. ''Don't be scared. Mamay is here'' sabi ko sa kanya para gumaan ang pakiramdam niya. Nakalukot kasi ang mukha nito, halata talagang takot.
''I want Papay, Mamay'' sabi niya sa akin. Agad namang sumulpot si Lauro sa likod ni Issa. Nandito kami sa sala habang naghihintay kay Sais.
It's already noon. Kanina pa kinakabahan ang anak ko at ako rin.
''Papay is here, anak'' sabi ni Lauro kaya nakuha niya ang atensyion ni Issa. Lumingon naman kaagad si Issa kay Lauro. Binitawan ko si Issa at pinanood lang silang dalawa ni Lauro. Lumuhod sa harap ni Issa si Lauro at niyakap naman kaagad ito ni Issa.
''Papay don't let him take me away...'' I heard Issa say.
Nakaramdam ako ng kakaibang pakiramdam. Mukhang mahihirapan si Sais kay Issa. Issa is very Lauro's girl. Lumaki kasi si Issa na si Lauro ang palaging nakagabay, ako naman kay Hazel. Makulit kasi si Issa kaya nasasabayan siya ni Lauro.
Hinagod ni Lauro ang likod ni Issa. ''Papay will never let him take you away from me or from us, Princess'' pangako ni Lauro kay Issa.
Nalungkot ako kasi alam kong kailangan talagang bitawan ni Lauro ang mga anak ko.
Mayaman si Sais, triple pa sa yaman namin. Hindi namin ito kayang tapatan kapag kinalaban namin. Besides I'm not the typical Mom na ipagkakait ang mga anak. Ipagkakait ko lang sila kapag may nakita na akong mali.
Naagaw ang atensiyon naming tatlo nang narinig namin ang katulong namin. ''Ma'am, nandito na po ang bisita'' anunsiyo ni Manang Rona.
Bumilis ang tibok ng puso ko at nanuot na naman ang pawis sa mga kamay ko. Hindi kaagad ako nakatayo dahil naestatwa ako.
I saw Lauro carried Issa and stood up. ''Let him in, Manang'' seryosong sabi ni Lauro na parang sasabak sa seryosong laban.
I swallowed hard. Nanginginig ang tuhod ko habang tumatayo. Lumapit ako kay Lauro at kumapit sa braso niya. Tumingin ako kay Lauro na nakatingin din sa akin. I smiled at him, saying that I'm okay. Sabay kaming tumingin sa may harapan ng pinto.
It's like a slow mo, Sais is walking directly to us. Ang mga mata nito ay nasa akin at nakay Issa. Mas humigpit ang hawak ko sa kamay ni Lauro. Hindi ko na namalayan na nakalapit na siya sa amin. Agad namang binaba ni Lauro si Issa.
Sais looked at me for a second before he diverted his gaze at my daughter. He smiled. Napatingin lang ako kay Issa na mukhang natatakot. Halos magtago na sa likod ng paa ni Lauro.
''Hey little fairy...'' maamong tawag ni Sais. Naalarma ako ng magtago si Issa sa likod ni Lauro. Tumingin ako kay Sais na mukhang natigilan sa naging Reaction ni Issa.
Lumuhod ako sa harap ni Issa.
''Anak, he's your father'' mahinang kong sabi sa anak ko. Agad siyang umiling. Nanikip ang dibdib ko. I don't want my daughter to feel uncomfortable.
BINABASA MO ANG
Sixto Axel Velasquez
Non-FictionTrigger Warning: Mental Abuse/Unethical/Infidelity/ Affair. Not for everyone!! The whole story revolves around cheating so please don't read this for your own sake if you are sensitive to stories that are all about cheating.