Dearest Sky ,
kamusta bestfriend ? it's been awhile since nagkausap tayo. mga .. 4 na taon narin ata ? haha. na-miss kita ! ako ba ? na-miss mo rin ? asa pa ko noh ? haha.
you might be wondering why i wrote you a letter. ako rin eh. nagtataka bakit ko to ginagawa at sang lupalop ako nakakakuha ng lakas ng loob para sumulat ngayon sayo, pagtapos ng apat na taon. akalain mong ngayon ko lang to naisipan gawin.
well, here goes nothing.
naalala mo pa ba nung higschool tayo .. ang dalas natin nun kumain sa labas pagtapos ng klase. kahit ayaw mo kasi sabi mo ang dumi dumi ng fishball at kikiam kasi nauusukan sa gilid ng kalsada na halos magmakaawa pa ko sayo para lang pumayag ka. haha ! seryoso ako nung sabihin ko sayong bubuhatin kita kung di ka pa pumayag nun kasi sabi mo sa kfc nalang tayo kumain pero dahil hindi mo matiis ang pagpapacute ko .. pumayag ka din :) ang saya saya ko kaya nun !
naalala mo ba nung nagpupumilit kang sugurin yung mga kumag sa school para lang mapaulanan mo ng pagtataray mo kasi kilala ka nga naman ng mga tao satin na masungit at mataray kasi nakwento nung classmate natin na nakita nila akong binubully ng mga yun. halos ako na pagsungitan mo nun pero sa huli napakalma parin kita kasi nakita mong may pasa ako sa mukha sabi mo aalagaan mo nalang ako. ang saya ko nun sky. galing mo mag alaga eh :)
naalala mo ba nung napagalitan tayo ni misis cruz kasi nakita nyang magkasama tayo sa grounds nung umaga sabi nya PDA daw tayo ? eh pinapatahan lang kita nun kasi diba nag away kayo ni brent nun. natawa ka sa sinabe ni misis cruz kasi sabi mo pano magpda ang magbestfriend ? haha. buti nalang napatawa kita nun kahit papano. sa tulong nga lang ni misis cruz.
naalala mo nung graduation day na natin ? sabi mo sabay tayo pumasok sa school para naman may escort ka kasi kakabreak nyo lang ulit nun ni brent. dapat talaga sasabayan kita kaso hindi ko talaga maisip pano ko maitatago yung regalo ko sayo para sa graduation natin eh. masyado ata napalaki yung bouquet na binili ko kaya di ko mapagkasya sa bagpack. tapos nung isang oras nalang dapat at magkikita na tayo, bigla ka tumawag sabi mo wag na pala kasi dumating si ate mo galing ibang bansa. ang saya saya mo sa surprise nila sayo.
ang saya saya mo nun sky, haha. halata ko sa boses mo nung tumawag ka sa telepono. mag isa nalang ako pumasok sa school nun. dala dala ko yung bouquet na ibibigay ko sayo pati yung scrapbook na ilang araw ko pinagpuyatan. alam mo naman kasing hinid ako magaling sa ganun eh kaso yun lang naisip ko na way para masabi sayo yung gusto kong sabihin. alam mo kung ano nakasulat dun sky ?
alam mo ba nung inaaya kita kumain sa labas at magfishball na ayaw mo pumayag ? alam mo ba sky kung bakit kita pinipilit kumain dun kahit na alam kung ayaw mo ? kasi sinabihan ako nung classmate natin na nakita nya si brent papunta sa kfc kasama yung babae sa kabilang section. magkaholding hands pa sila at nagyayakapan. ayaw kong makita mo yun sky kasi alam ko kung gano mo kagusto si brent na kahit nililgawan ka palang nya nun walang patid ka sa pagkukwento sakin na gusto mo na sya at mahal mo na sya. masyado kang mahalaga sakin sky para hayaan kong makita mo yun. kaya pinilit nalang kita kumain dun sa ayaw mo para lang wag mo makita yun.
alam mo ba bakit kita pinipigilan sugurin yung mga kumag sa school ? kasi ayokong mabastos ka nila. alam ko kasing bastos sila lalo na nung nalaman nilang nililigawan ka ni brent. sabi nila walang nililigawan si brent na hindi masarap. alam kong di kakayanin ng taray mo yung ugali nila kaya pinigilan kita. kaya nung naihatid na kita pauwi .. ako ang sumugod sakanila. nauwi nga lang sa sapakan kaya nung puntahan kita sainyo nung gabi may pasa ako. di ko nalang sinabeng dahil dun kasi alam kong mag aalala ka pa. ayos na ko na ikaw ang gumamot sa sugat ko nun. sabi ko tatanga tanga lang ako kaya naumpog yung mukha ko sa stante.
alam mo ba tawa lang ako ng tawa nung pinagkakamalan lang ni misis cruz na pda tayo ? ang saya ko nun sky ! haha .. kaso alam kong malungkot ka nun kaya pinatahan nalang kita. alam ko din kasi yung dahilan nun kung bakit kayo nag away ni brent eh. ayoko nalang makielam kasi mas mahalaga sakin na mapatahan ka kesa pa awayin yung brent na yun. ano ba naman yung kasiyahan ko diba ? basta masaya ka, ganun nadin ako. dugtong nga bituka natin diba ? haha
alam mo ba sky masaya naman ako eh. masaya ako na lagi ako nanjan para sayo sa tuwing kelangan mo ko. masaya kong nakikita kang masaya kay brent kahit na ilang beses ka na nya pinaiyak. masaya ako kasi kahit papano parte ako ng buhay mo.basta parte ako. kahit maliit lang na portion ng puso mo, basta kasama ako sa mga taong bumubuo sa buhay mo.
nung graduation day .. ibibigay ko na sana sayo yung bulaklak at regalo ..
kaso nung papalapit na ko sayo. kitang kita kong kayakap mo si brent. mahigpit na mahigpit. yung ngiti mo sky, abot hanggang mga dulo ng mga mata mo. sobrang saya mo nun. nakita ko ring may hawak ka nang bulaklak. galing siguro kay brent yun. ang ganda. ang ganda nung eksenang yun. sa sobrang ganda hindi ko namalayang may tumutulo ng luha mula sa mga mata ko. ang bading lang isipin. haha. umiiyak akong nakatingin sainyo ni brent na magkayakap mula sa malayo. binitawan ko nalang yung mga bulaklak na ibibigay ko sana sayo. lumakad na ko palayo at palabas ng school. dala dala yung pinaghirapan kong scrapbook.
kinabukasan tumawag na si mama sakin at sinabeng sumunod na ko sakanya sa ibang bansa. di na ko nagdalawang isip sky. kasi alam kong masaya ka naman na. sa piling ni brent.
iniwan ko sa drawer ko yung scrapbook. iniwan ko yung mga alala na meron ako satin.
ngayon, after 4 years. sabi sakin ni mama ikakasal ka na daw. kay brent. alam kong masaya ka talaga sakanya sky. dapat masaya na ko para sayo diba ? kasi masaya ka na. pero hindi ko padin talaga magawang balewalain yung nararamdaman ko.
kaya eto .. kahit huli na, gusto ko lang sana sabihin sayo to.
bestfriend , mahal kita.
mahal na mahal kita.
higit pa sa bestfriend na turing mo sakin.
kaso.. ganun talaga eh. sya yung mahal mo. hindi ako.
matatanggap ko rin yun sky. mga apat na taon pa ulit siguro ? :) haha !
best wishes sainyo sky ! pangako, habambuhay .. andito lang ako. bilang bestfriend mo.
your forever bestfriend,
- cloud
PS. sana balang araw, magawa ko ding ibigay sayo tong sulat na to. sana.-------------------------------------------------------------------------------------------
A/N : inspired by SIX DEGREES OF SEPARATION ni idol miss JhingBautista.
HER SIDE : http://www.wattpad.com/story/30691725-words-unsaid-her