Wrong

1 0 0
                                    


Pauwi na ako ngayon, wala ng taxi sa kalsada kaya naglakad nalang ako papunta sa subdivision namin. It feels like na may sumusunod sakin. Panay ang lingon ko, pero wala naman akong nakikita. Last kong lingon, matagal akong humarap dahil I want to prove na may sumusunod talaga sa akin, when suddenly na may malamig na bagay ang nakadikit sa leeg ko, I just realized na kutsilyo pala ito. Nagpanic na ako dahil medyo madilim narin.

"A-anong kailangan m-mo sa akin?" nanginginig kong tanong sa kaniya
"Akin na lahat ng pera mo!" sabi naman ni kuyang hold-upper
"How m-many d-do you want?" sabi ko naman sa kaniya
"Tangina miss! Wag mokong englishin! Minumura mo ba ako?!"
"No, I dont-- I mean hindi kita minumura, tinatanong kita kung magkano---"
"Leave her alone! Or else di ka na sisikatan ng araw!" a voice from nowhere

Hindi ko namalayan nakabulagta na pala si manong ,sobrang bilis ng pangyayari. When I looked at the guy. Putangnames! Ang gwapoo makalaglag panty sheteee!
"Miss? Kanina pa kita tinatanong if you're okay?" sabi niya na winagayway pa ang kamay sa mata ko
"A-ah o-oo salamat pala"
"Jake," sabi niya syaka nakipagshake hands
"Bea," sabi ko naman

---
"OMG! Gurl may new papables daw na mag ttransfer at sa section pa natin," bungad sakin ni Lisa na bestfriend ko
"So what? Makalaglag panty ba 'yang mga papables na'yan ha?" sabi naman ni Rose na bitter saming lima
"I don't care about those papables you mentioned. Gusto kong hanapin si Jake," sabi ko naman sa kanila
"Hanggang ngayon? Umaasa ka parin e, almost a month na since that incident Bea? Haler?!" pagtutol naman ni Jennie
"Ikaw talaga Jen, makikita mo rin 'yun Bea ano kaba," sabi naman ni Jisoo

Oh mabuti pa tong si Jisoo, supportive. Dumating na ang adviser naming terror

"Please be seated everyone!" bungad niya sa amin
"As what you've heard may mga transferee na lalaki, boys come in"

Pumasok naman ang isa,dalawa,tatlo,apat, lima. Limang lalaki,infairness mga gwapo nga sila.

"Hoy! Gurls ang ggwapo," sino pa ba naman? Edi si Lisa maharot iyan e.

"Hello everyon Im Cyrus," sabi nung singkit na matangkad at blonde ang buhok
"Im Jason," sabi nung may dimple
"Im Drew," sabi naman nung may makapal na kilay at pinakamaputi sa kanila
"Im Clark," mukang nerd ng barkada, may eyeglasses e.
"Im Mark," sabi naman nung isa na medyo snob, hindi kasi nangiti e.
"Okay guys be seated at the back--"
"Im sorry ma'am Im late, by the way Im Jake-- oh, hi Bea?" sabay kindat sakin

Alam niyo yung reaction ko? Anlaaa, nganga ako tae.

----
"Ayoko nga kasi bat ba ang kulit mo!"
"Pero bakit? Akala ko ba mahal mo rin ako!" naiiyak kong sabi kay Jake, ayaw niya kasi akong ligawan pero mahal naman niya ako. Muka na akong tanga ako pa talaga nag insist na ligawan niya ako. Binaba ko na pride ko, parang wala akong delikadesa nito.
"Oo mahal kita pero hindi tayo pwede!"
"Bakit nga kasi?!"
"Basta, mali to , maling-mali Bea"
-----
"Ma'am Bea yung ate nyo po nakauwi na galing US," sabi ni manang. I was surprised,di naman kasi yun nagpasabing uuwi pala. I really missed her, pinaka close ko siya. May dalawa pa akong ate pero nasa US may asawa na.
"Talaga manang--- ATEEEE," patakbo kong yakap kay ate.

Ang dami naming napagkwentuhan, tungkol dun sa fiance niyang si Christian. Sobrang bait daw nito, gusto ko na tuloy itong makita, her phone kasi ay nasa fiance nya which is kuya Christian.
"Bakit ka nga pala napauwi ate?" tanong ko habang kumakain kami dito sa balcony.
"Kasi Sis, engagement party namin bukas ni Christian," sagot naman ni Ate uwuu buti pa siya samantalang ako sobrang nasasaktan dahil sa pang rireject ni Jake sakin.
"How about you sis? May boyfriend ka na ba?" tanong ni ate. Napailing nalang ako.

----
"Good afternoon everyone, I would like to thank you all for attending our Engagement Party. I want to introduce my future husband, Christian Jake Guerrero," pagsasalita ni ate pero abala ako sa paghahanap ko sa cellphone ko sa bag. Nang makita ko na, tumingin na ako sa stage. Sabay ng paglingon ko ay ang pagtigil ng mundo ko. Ang lalaking mahal na mahal ko ay siya palang mapapangasawa ng ate ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 20, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

ONE SHOT STORIESWhere stories live. Discover now